Tatlong araw bago ang kasal.
Naparito naman ako ngayon sa puntod ng mga foster parents ko.
Di ako nasamahan ni Thyrone kasi may mga aasikasuhin pa daw siya sa bahay.
Mahangin ngayon rito.
Malamig ang simoy ng hangin dahilan para makaramdam ako ng pagkalamig."Namimiss kona kayo, Sayang lang din at wala kayo sa magiging araw ng kasal ko" bulong ko habang hinahaplos ang lapida ni mommy at daddy.
Pinunasan ko ang munting luha na namuo sa mga mata ko ..
At ngumiti ng mapait ..
"Mahal na mahal ko po kayo.. Gaya ng pagmamahal at pagtanggap niyo sakin bilng isang anak niyo" wika ko..
Hindi rin ako nagtagal dahil parang uulan.
Malapit din naman dito ang bahay ko eh.
Doon muna ako ng mga ilang oras saka ko uuwi sa bahay ni Thyrone.
Medyo nasasanay na din ako sa mga nagpaparamdam at mga nakikita ko..
Kahit nakakatakot tinitibayan ko na lang ang loob ko.
Wala naman akong magagawa eh..
Kaluluwa lang naman sila.
'Di nila ko kayang saktan.Hindi sila ang sisira sa buhay ko.
Magpapatuloy ako.
Hindi ako magbe-breakdown dahil sakanila.Masyado na kong maraming pinagdaanan.
Hindi ito ang ikakasira ko.
Multo na sila.
Parte na sila ng mga mundong di pa maka-lipas sa kung anong nangyari sakanilang nakaraanYung mundo ko ngayon hindi ko maintindihan.
Kung anu-ano ng nangyayari.
Pero isa lang ang sigurado ko ..
Mahal ko si Thyrone.
Siya lang ang nag iisang nagbibigay ng kulay sa kung anung kagulong mundo ko ngayon.*****
Someone's POV
"Nalalapit na ang kasal" Wika niya habang kausap ang sarili sa salamin.
"Nalalapit na din ang paghihiganti" dagdag pa niya sabay humalakhak ng nakakabinging basag na tinig.
Kinuha niya ang baril na kanina pa nakatago sa kanyang likuran.
Ngumiti muna muna siya saglit at tinutok ang baril sa kanyang repleksyon sa salamin.
At muling narinig sa apat
na sulok ng kwarto niya ang isang misteryusong halakhak na tiyak
ikakatakot ng kung sino mang makakarinig.
BINABASA MO ANG
Drag You To Hell (Tagalog)
Misterio / Suspenso[Some secrets are better left untold Because some secrets might be kill you] °WARNING° [DONT TRUST TOO MUCH!]