Ilang oras lang ay nakarating na kami rito sa mansion ni Thyrone.
"Dadaan ako bukas sa bahay ko sa makati.. May mga kukunin lang akong mga gamit" pahayag ko.
"Do you need my help?" Tanong niya.
"Nope. I can handle it." Pagtatanggi ko.
"Okay" aniya. At nagtungo na siya sa kwarto.
Ilang minuto din at sumunod na ko sakanya sa kwarto para matulog.
Pero bago pa man ako maka-akyat ng hagdan may narinig akong tumutunog.
Cellphone ni Thyrone.
Naiwan niya rito sa sala.
Nilapitan ko ito
At dinampot..
Nagriring ito may tumatawag..
Unknown number.
Sasagutin ko ba?
Pinindot ko ang answer button.
"Hello.." Bungad ko.
Pero wala akong ano mang narinig mula sa kabilang linya.
Bagkus namatay na ang tawag..
"Pinatayan ako ng tawag" bulong ko.
Binalik ko na sa lamesa ang cellphone kung saan ito nakapatong kanina.
At tinahak ko na ang hagdan pa-itaas para makapagpahinga na.
Binuksan ko ang pinto.
Tulog na si Thyrone.
Tumabi na rin ako sakanya at pinikit ang aking mga mata.------
Kinaumagahan..
Alas singko palang ng umaga ay nagising na ako.
Alas sais na ng umalis ako ng bahay.
'Di na ko nakapag-paalam kay Thyrone.. Tulog pa kasi siya..
Wala pang isang oras nakarating na ko sa bahay ko.
Dumeritso agad ako sa kwarto ko at humilata..
Niyakap ko ang sarili ko.
At walang anu-ano ay tumulo na ang luha kong kanina pa nagbabadyang mahulog.
Kinuha ko ang litrato namin ni ate Sheena at muling nagsalita.
"Ate malapit ko ng malaman ang totoo, 'wag kang mag-alala kahit anong mangyari 'di ako titigil" bigkas ko sa kawalan.
Makalaipas ito ay bigla na kong tumayo at humarap sa salamin inayos ko ang sarili ko.
Biglang tumunog ang doorbell sa baba.
May tao.
Agad akong bumaba para tignan ito.
Agad kong pinihit ang door knob at unti-unting niluwa ng pintuan si Jeffrey.
"J-Jeffrey? Anong ginagawa mo rito!?" Singhal ko.
Baka maabon uli siya ni Thyrone rito.
"I just wanted to see you Karla" pahayag niya.
"Gusto rin kita makausap" dagdag pa niya.
"Umalis ka na sayo baka ano nanaman magawa ni Thyrone sayo 'pag nagpang-abot kayo rito" paki-usap ko.
Tatalikod na sana ko pero bigla niyang hinablot ang braso ko dahilan para mapaharap ako sakanya.
"Ano ba Jeff nasasaktan ako!" Reklamo ko.
"I-Im sorry.. Gusto lang kita makausap" pagsusumamo niya.
"Ano pa bang kailangan natin pag usapan?" Pahayag ko.
"Karla mahal kita.. Mahal na mahal kita.. Alam kong mali ito pero wala eh ikaw parin laging takbo ng puso't isip ko.. Noon hanggang ngayon!" Pag-amin niya.
Hindi ko namalayan ng bigla nalang siyang lumapit at siniil ako sa labi ng halik.
Mas lalong ikinagulat ng sarili ko ng tumugon ako sa halik niya.
Mapusok.
Marubdub.
Maalab na halik..
BINABASA MO ANG
Drag You To Hell (Tagalog)
Mystery / Thriller[Some secrets are better left untold Because some secrets might be kill you] °WARNING° [DONT TRUST TOO MUCH!]