Chapter 28

101K 2.6K 233
                                    

Chapter 28
Evil

Pilit kong nilalabanan ang mapaglarong titig sa akin ni Gael na nakaupo ngayon sa tapat ko.

Ang sabi ko sa kaniya ay hindi ako sasama sa kaniya ngayong Sabado sa kung anumang balak niyang gawin naming dalawa ngunit heto siya ngayon sa harapan ko na tila naghahamon kung bibigay ba ako at sasama sa kaniya o mananatiling matatag ang desisyon ko.

"We're wasting time, Blair." he suddenly said. "But if you will look at only me for the next few hours or throughout the rest of the day then it's okay with me kahit hindi na tayo umalis."

I rolled my eyes at him. Iniwas ko rin ang tingin ko sa kaniya at agad naman siyang napatawa nang dahil doon.

Hindi ko alam kung bakit hindi siya tinatablan ng pagtataray ko. Parang nag-eenjoy pa siya kapag nagtataray ako.

"Sinabi ko na sa'yo na hindi nga ako sasama sa'yo ngayon." pagpapaalala ko sa kaniya.

"And I told you that I will accept and face any of your challenges to prove to you that I'm willing to get through everything just to get you, so I'll just make myself comfortable here." sumandal pa siya ng maayos sa may couch. "Magtitigan tayo. Kapag nauna kang pumikit, sasama ka sa akin. Kapag nauna akong pumikit, dito nalang tayo. Hindi na tayo aalis."

He gave me his most charming smile while his expressive dark eyes were looking straight at me.

"Game." sabi ko naman at tinanggap ang kaniyang hamon.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo. He walked straight to me at napaatras naman ako nang yumuko siya upang ilapit sa akin ang kaniyang mukha.

Ngumisi naman siya at itinagilid ang kaniyang ulo para tignan ako ng mas mabuti.

"You lost." he suddenly said at napakurap-kurap ako dahil hindi naman ako pumikit.

"Hindi naman ako pumikit ah!" reklamo ko sa kaniya.

"You just did." he said and also blinked his eyes for a few times. "Ginawa mo 'yon. Ngayon-ngayon lang."

Napabuntong hininga naman ako habang pinipigilan ang inis na namumuo sa loob ko.

I can't believe it! He made me lost so easily without even trying so hard.

"You fooled me!" halos pasigaw kong sabi sa kaniya. "Ang daya mo."

He chuckled and stood straight. He put his hands inside his pocket and shrugged his shoulder.

"Is it my fault?" he innocently asked me like he didn't do anything wrong.

Huminga naman ako ng malalim at hindi nalang sinagot ang kaniyang mapag-inosenteng tanong.

"Can you please change now?" pakiusap niya sa akin. "I promise you that will enjoy today."

Wala naman akong nagawa kundi ang magpalit na nang damit. I lost to his foolish game and this is my consequence. Isa pa'y nakakakuryoso rin ang kaniyang mga plano ngayong araw.

I wore my fitted gray shirt and slipped into my black high-waist jeans. Isinuot ko rin ang paborito kong Sperry na babagay sa kahit anong casual attire na suot ko.

Malapad ang ngiti ni Gael nang makita akong bumaba ng hagdanan at nakabihis. Siguro'y habang nasa taas ako ay nababahala siya kung bababa ba ako at sasama sa kaniya o matutulog nalang ako at hahayaan ko siyang maghintay dito sa living room.

"I thought I'm going to rot here, waiting for you." pabiro niyang sabi sa akin.

"You almost did." I gave him a mocking smile. "Be thankful that I'm kind today." sabi ko nalang at nilagpasan ko na siya palabas ng bahay.

FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon