Chapter 34

87.4K 2.8K 128
                                    

Chapter 34
Woman

I was stunned when Ida hugged Gael and when those words slipped from her mouth.

She already knows?

Lumakas ang paghagulgol ni Ida habang yakap-yakap niya si Gael.

I saw Gael also shed his tear for his sister. He bit his lower lip and properly hugged Ida back.

"Can I sleep here for tonight, Blair?" tanong sa akin ni Ida habang kumakain kami ng dinner.

Nang napatahan na namin siya ni Gael ay napagdesisyunan na naming kumain. Sobrang tahimik naming tatlo ngunit ngayon ay nakuha nang magsalita ni Ida.

I smiled at her. "Of course, you can." sabi ko at biglang nag-alangan. "Nagpaalam ka ba kina Tito't Tita."

Napatigil naman siya sa pagkain at saka bumuntong hininga.

"It's a total mess there." she said. "I want to get away. Ayoko munang umuwi. And please don't tell Kuya Isaiah, or even Mommy and Daddy if they ask you about me. Sabihin mo hindi mo alam."

"Mag-aalala sila sa'yo kung ganoon, Ida." sabi ko naman sa kaniya.

"Kilala ako ni Kuya." sabi niya. "Kapag gusto kong mapag-isa at lumayo, alam nilang hindi nila ako dapat pigilan at guluhin. Alam nilang mas magagalit ako."

Napabuntong hininga naman ako. Mukhang wala na akong magagawa at ayoko naman siyang kontrahin sa gusto niyang mangyari. Ayoko rin namang magalit siya sakin dahil susuwayin ko siya. Hindi ko alam kung saan pa siya maaaring pumunta kaya mabuti nalang na dito siya kasama ko at pati na rin ang kapatid.

Sinulyapan ko si Gael na hanggang ngayon ay tahimik pa ring kumakain ngunit parang wala sa pagkain ang kaniyang atensyon. He didn't even bother commenting about the food I cooked. Hindi naman sa gusto ko pa ng mabulaklak na salita nang dahil sa nangyayari ngayon pero alam kong may gumugulo ngayon sa isipan niya na gusto kong malaman.

"Ano ba ang nangyari sa inyo kanina, Ida?" tanong ko naman nang hindi ko mapigilan ang pagiging kuryoso.

Alam kong isa ito sa mga gumugulo sa isipan ni Gael.

Nang makita ko siyang nag-angat ng tingin at nag-aantay sa isasagot ni Ida ay alam kong tama ako ng hinala.

He's really bothered about what happened at the Mallari's earlier. And for sure, I know that he's kinda blaming himself right now. Hinihintay ko lang na magsalita siya.

"We were eating dinner when Kuya arrived. Namumula siya sa sobrang galit and tears were falling from his eyes. I already expected that kind of outrage from him dahil alam ko naman ang desisyon mo patungkol sa inyong dalawa. I concluded beforehand that he will get hurt and angry at the same time." pagsisimula niyang magkwento. "I was about to comfort him when he suddenly blamed Daddy for everything. Ang sabi niya kung di daw nang dahil kay Daddy, hindi ka na sana maaagaw ng... bastardo niyang anak."

Kitang-kita ko ang pag-aalangan ni Ida sa pagbabanggit ng salitang iyon sa harapan ni Gael. I know she doesn't want to say it in front of Gael but it's part of the details that we should know.

"Doon palang, nagsimula na akong maguluhan. Pinuntahan na ako ni Mommy para takpan ang tenga ko para kung saka-sakali ay hindi ko na maririnig pa ang mga susunod na sasabihin ni Kuya but I want to know the truth." she said. "You know how much I hate being lied to, Blair. They didn't literally lie to me but hiding the truth also means lying. Kahit pa sabihin nila na para sa akin din yun ay ayoko pa rin ng ganoon. I deserve to know it dahil anak niya rin ako. Ako lang ang hindi nakakaalam sa amin. It's so unfair that all this time, akala ko kaming dalawa lang ni Kuya pero nandiyan pala si... Kuya Gael."

FierceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon