Chapter 32
Bastard"Sayang naman at hindi makakasama satin si Gael." sabi ni Ida nang makarating kami sa kanila.
Dahil sinundo ako kanina ni Gael sa bahay ay nakisabay na ako sa sasakyan ni Ida. Mamaya siguro ay baka magtaxi nalang ako pauwi. Ayoko ng maabala si Ida at lalong ayokong magpasundo kay Gael since he will be busy with her Mom.
"I think it's good if Mom and Dad will meet him." she added.
"Hindi kaya magalit sa akin sila Tito't Tita kapag nalaman nila ang gagawin ko kay Isaiah?" natatakot kong tanong.
Like what I've said before, Tito and Tita's like my second parents. Syempre'y ayokong magkasamaan kami ng loob. I would like to take things slowly with them, but Ida's thinking the opposite way.
I don't know if I should believe what she thinks what's best because she's her parents and she knows them better than me or if I should just stick to my plan in taking things slow.
"I told you, Blair... They won't." sabi naman niya at parang siguradong-sigurado pa siya.
Pinigilan ko naman siya sa pagpasok sa kanilang bahay nang makarating kami sa front porch.
I'm really nervous right now. Hindi ko alam kung deserve ko pa bang tumapak sa pamamahay nila lalo na't alam kong sasaktan ko lang ang anak nila.
Ngumiti naman si Ida sa akin saka hinawakan ang aking kamay.
"Blair, I have the best parents in the world." she told me.
Napangiti naman ako. "I won't argue with that."
She chuckled and let go of my hand. "They treat you like their own daughter. When I told you that you are a part of our family, then you are!" giit niya. "At ang pamilya ay nagsusuportahan kaya I'm sure na susuportahan at maiintindihan ka nila Mommy. Plus, Kuya's not that handsome so..." nagkibit-balikat siya at natawa maman ako.
"You're really crazy, Ida." napailing nalang ako at hindi ko pa rin ang matawa dahil sa kaniya.
"Well, that's why you love me right?" malambing niyang sabi saka yumakap sa akin at napangiti naman ako.
What I'd give to have her as my best friend forever.
"Look at these girls hugging by themselves..."
Napabitaw naman kami ni Ida sa isa't-isa. Natatawa kaming nilingon si Tita Isabella na kakababa lamang ng kanilang hagdanan at agad kaming sinalubong.
Nagbeso kami at hindi rin nagtagal ay bumaba rin si Tito Arman. Nagmano ako sa kaniya at hinalikan niya ako sa aking pisngi bilang pagbati. He did the same thing to his daughter.
Dumiretso kami sa hapag kainan matapos ang batian.
Tita introduced her dish pero nagkatinginan lang kami ni Ida dahil iba lang ang tawag ni Tita dito ngunit may kalasa siya o paniguradong may nakaisip na nito dati.
She just covered a chicken with mozzarella cheese and some garlic sauce before baking it. It's delicious and I love it because of the mozzarella cheese. It's my favorite.
"Do you like it, Blair?" nakangiting tanong sa akin ni Tita.
Nakangiting tumango naman ako. "Yes, Tita." sagot ko. "You know I love mozzarella."
"I do." tumango siya at tila proud sa kaniyang naluto. "That's why I tried to create a dish with mozzarella. I'll try to create more variety of dishes with mozzarella. Ipapatikim ko sa'yo tuwing makakapagluto ako."
"Thank you very much, Tita." sinserong pasasalamat ko sa kaniya.
I really admire Tita for being thoughtful. I hope it will last though.
BINABASA MO ANG
Fierce
Teen FictionSet up by her parents, Blair is intent on doing all she can to push Gael away. But little by little, she has a change of heart...and uncovers a damning family secret. ...