Third person's pov:
Tumawag si Maam Nelly kay Miyumi dahil may improtanting sasabihin ito sa kanya.
(Oh Nelly napatawag ka??)
"Uhm may sasabihin lang ako sayo Yumi"
(Ano naman?? Uhm kamusta na ang anak ko diyan sa Yukio?? Ok lang ba siya?? )
"Ok lang siya dito Yumi. At wag kang mag alala mas sinecure namin ang gates ng Yukio. "
(Mabuti naman. Ano pala yung sasabihin mo??)
"Yung anak mo Yumi. I can feel it. Dahan dahan ng lumabas ang kanyang ability. "
(Ganun ba?? Sigurado akong maraming taga Bon ang maghahabol sa anak ko lalo na't lumalabas na ang ability niya. sayang hindi ko siya mapupuntahan diyan. Baka kasi may makakita sakin. At malaman nilang nasa Yukio ang anak ko. )
"Wag kang mag alala Yumi. Ako ang magbabantay sa anak mo. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya. "
(Salamat talaga Nelly. Maasahan talaga kita)
"Ako pa. Eh kaibigan kita eh. Uhm teka lang kailangan mo sasabihin sa kanya ang totoo??"
(Hindi ko alam Nelly. Wala pa yan sa isipan ko ang pinag alala ko pa ay ang kaligtasan ng anak ko)
"Ahh ganun. Basta kung may gusto kang sabihin sakin tumawag ka lang. I'm alwayd free for you"
(Salamat talaga Nelly. Geh magpapaalam na ako bye)
At enend na ni Miyumi ang tawag. Bigla nalang napabuntong hininga si Nelly. At napaisip. "Gagawin ko ang lahat para Protektahan ang anak mo Yumi. Tinuri na kitang kapatid at tinuri ko na ring anak si Eunice kaya parang anak ko na rin siya kaya hindi ko hahayaan na mapasakamay siya ng mga taga Bon. Magkamatayan man " sabi nito sa sarili. Nalaman ni Nelly na nagsimula ng lumabas ang ability ni Eunice nung makita niya ang Training ni Eunice kanina sa Training Room. Nagulat si Nelly ng mapatay ni Eunice yung haganti gamit lang ang titig nito. Kaya hindi siya makapaniwala.
Pero hindi na yun ang pinag alala niya ngayon. Ang pinag alala lang niya ay ang kaligtasan ni Eunice. Dahil alam niya na kahit nasa Yukio si Eunice . Ay hindi pa rin ito sapat na maging ligtas ito para kay Eunice.
Si Nelly at Miyumi ay matagal ng magkakilala. Bata pa lang sila ay magkakilala na.
****
Eunice's pov:Napagising nalang ako. Napatingin ako sa relo ko. 9 na pala ng umaga. Wala kaming pasok ngayon dahil naghahanda na ang mga teachers para sa tournament bukas.
Oo bukas na ang tournament dahil last day na namin bukas sa pagiging beginners level. Kaya kinakabahan na rin ako.Baka kasi matalo ako at makita ng mga judges na hindi ako nag improve. Pano nalang kung babalik ako sa pagiging beginner?? Ang hirap kaya nun. Kaya promise. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para manalo.
Kaya mo yan Eunice. Kaya mo yan. Para na rin kay mama. Anong kayang team ang mabubunot ko at sino kaya ang makakalaban ko?? Aish wag ko muna yan isipin.
At dahil walang pasok ngayon. Ay napag isipan kong mag Training nalang para handa na akong lalaban bukas.
******
Tumutulo na ang pawis ko dahil mahirap na tong kalaban ko. Kahit natutumba Na ako ay tinitiis ko pa rin.
Ako lang isa dito sa training room kaya itong station na ginamit ko Lang ang maliwanag.
Pawis na pawis na ako. Pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag iinsayo.
"Anong ginagawa mo dito??"
Nagulat ako ng biglang may nagsalita. Napatingin ako sa labas ng station ko. Glass lang kasi siya makikita mo talaga ang labas. Hindi ko masyadong maaninag ang taong nakatayo sa labas ng station ko. Pero sa boses palang ay kilala ko na kung sino. =____= ba't kaya andito ang lalaking to??
"Obvious naman diba kung ano ang ginagawa ko dito. Ano ba sa tingin mo ?? " pagtataray na sagot ko.
"Psh! I'm talking to you respectfully pero binara mo lang ako. Kung tutuusin nga pala hindi mo alam ang salitang manners." Cold na Sabi niya.
Aba. Ang kapal ng mukha ng kupal na to ah. Gusto talaga niya ng gulo.
"Excuse me.. kung sino man ang hindi alam ang salitang manners hindi ako yun baka IKAW! "
"Tinatanong kita ng maayos kaya wag mokong sagotin ng tanong rin" sabi niya.
Psh! Nag aaksaya lang ako ng oras sa lalaking to.
"Obvious naman diba kung bakit ako nandito. Kaya common sense Mr. " sabi ko sa kanya ng naka crossed arms.
Hindi ako magpapatalo sa isang to. Kahit pa isa siyang sensei o ano.
"What ever. I dont have time to talk to a commoner. Tch! " at tumalikod na siya. Aakmang lalakad na siya ng bigla akong nagsalita.
"Eh gago ka pala eh. Ikaw ang unang nagsasalita diyan tapos ikaw pa ang may ganang mag walk out? At may ganang magalit?? Niloloko mo ba ako?? Tapos sasabihin mo nalang na i don't have time to talk?? Kasalanan mo naman din kasi bigla ka nalang susulpot diyan. Kahit pa isa kang sensei diyam hindi ako natatakot sayo kahit isa pa akong beginner or so what you called "commoner" pumasok ka lang pala dito para mang asar" sabi ko sa kanya. Napatahimik ss sandali.
Gago kasi tong Kupal na to. Pupunta dito para guluhin lang ako?? Nakita ko siyang napakuyom sa kamao niya.
At halatang halata na nagagalit na siya."Heh. Well then see you tomorrow sa tournament. Sigurado akong babalik ka lang ng beginner level. Dahil sa isang katulad mo. Hindi ka nababagay sa Yukio. At mas lalong hindi ka bagay mag proceed sa isang team. " at lumabas na siya ng tuluyan sa Training room.
Napakagat labi nalang ako. At pinipigilan ko ang galit ko. Putik ka talagang lalaki ka. Bukas sa tournament ipapakita ko sayo na karapat dapat akong mag proceed.
For sure mapapanganga ka nalang sa makikita mo bukas. MR. Pasalamat ka isa kang sensei kaya ginagalang ka dito sa Yukio. Pero para sa akin. Kahit isang sensei ka. Wala akong pakialam. Dahil alam kong isa rin akong Wizard. Good luck na lang sakin bukas.
Napaupo nalang ako sa gilid ng room. At nagmumuni muni. Pumunta muna ako ng banyo para mag bihis ng damit. Mag handa ka bukas Mr. Kupal. Dahil ako ready na akong lumaban bukas. Kahit sa katunayan ay kinakabahan pa rin ako. Hawak hawak ko ang spear na binigay sakin ni sensei Nelly.
Aayusin ko to. Ipapakita ko sa lahat lalong lalo na sa Kupal na yun na mas magiging magaling ako kaysa sa kanya kahit na sensei siya dito.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great Warriors
ФэнтезиIsang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang ordinaryong skwelahan lamang dahil iba ito sa lahat isang skwelahan na ang tanging makakapasok lamang...