*yawn
Himala dahil maaga ako nagising ngayon. Tinignan ko ang relo ko kung anong oras na at mag seseven am pa pala. Ang aga naman. Tumayo na ako at naligo pagkatapos ay nagluto ako at kumain.
At dahil maaga pa ay maglalakwatsa muna ako bago ako pupunta sa classroom. Ngayon ko lang napagtanto na 1 week na pala ako dito sa Yukio. ang bilis lang talaga ng panahon di mo namamalayan.
Nasa park ako ngayon nagpapahangin. Gusto ko kasi makalanghap ng fresh air, Buti at hindi ko na nakikita yung kupal na lalaki na yun. Baka kasi tuluyan na ako nun ang dali lang kasing mainis kaya nageenjoy akong asarin siya. HEHE
Habang nagiikot ako dito sa park ay may napansin akong parang maliwanag na bagay. Kasi nag rereflect siya sa init ng araw parang glass or something. At dahil curiosity kills nga naman eh lumapit ako at tiningnan ko yun kung ano.
Pagkalapit ko ay nagulat ako sa nakita ko. Akala ko lang kasi isang glass lang pero hindi isa siyang kwentas na may pendant na ang design niya ay may star, moon at sun, ang hirap e describe. Parang nakita ko na to dati pero di ko alam kung saan.
Kinuha ko ito pagkahawak ko nung kwintas ay biglang naging kulay asul kaya nabitawan ko iyon dahil sa gulat. Takte ano bang klasing kwintas na iyun. Nakakapangilabot
Nung nabitawan ko siya ay bumalik ang kulay niya sa pagiging dilaw. Woah! O my gass! Ano bang klasing kwintas to?
Baka may pagmamay ari nito tapos nahulog niya pero kanino kaya ito? Kinuha ko nalang ulit at itinago sa bulsa ko. Ang weird talaga ng kwintas nato. Tiningnan ko yung relo ko kung anong oras na at malapit na pala mag 8:30. Kaya pumunta na ako sa classroom ko.
*****
"Ok class ang lesson natin ngayon ay tungkol sa History ng Bon Warriors. "
Binuksan ni sensei ang libro and as usual may hologram na namang lumabas nito. Gusto ko nga magkaroon ng ganyang libro eh. Dahil hindi ka na kailangang mag sadula dahil nakaroleplay na dun sa hologram .
"Ang Bon Warriors ay ang mga Warriors na may malaking galit sa mga Rin warriors dahil napag-alaman ng mga taga Bon ay kakampi natin ang mga taga Sheimi Warriors. Kaya dahil sa inggit at galit ng mga taga Bon ay sinugod nila ang kaharian ng Sheimi At ang sunod na sinugod nila ay yung Rin at yun ay ang pangalan ng warrior natin. Mga Rin warriors tayo at itong Yukio High lang ang nag iisang base ng Rin Warrior. Kaya pinapangalagaan talaga ito at binabantayan ng maiigi dahil alam nating lahat na any moment susugod ang Bon dito."
Nagulat kami sa sinabi ni sensei. Any moment susugod ang Bon dito? Wahh! Pa-paano kung susugod sila dito bukas? O di kaya sa susunod na bukas? Di ko pa nga alam ang powers ko tapos susugod na sila. Huhu wag naman sana. Ihahanda ko pa nga ang sarili ko.
"Alam kong kinakabahan kayo pero wag kayong kabahan dahil marami tayo. Hindi lang tayo nag iisa. Hangga't nandito tayo sa Yukio High ay safe tayo. Ang kapangyarihan ng mga taga Bon Warriors ay Lightning at Shadow. Yes! May shadow sila kagaya natin kaya, Kaya nila mag teleport or pumasok sa portal. Pero hindi sila makakapasok dito dahil covered with barriers ang gates ng Yukio hindi sila direkta makakapasok dito. Ok yun lang muna sa ngayon. Class dismissed."
At umalis na si sensei. Lumabas na din kami patungo sa next class namin.
*****Nasa training field kami ngayon. May next trial daw kami sabi ni Sensei Nelly at hindi lang daw basta basta na trial dahil big trial daw yun, At ang venue ay doon sa labas ng Yukio kaya nakakapangilabot.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil first time namin na sumabak sa isang trial dun sa labas.
"Ok before we start our big trial. I just want to congratulate all of you dahil ginawa niyo ang lahat para matalo yung mga higante, and as I observed nag improve na kayo. I'm happy to all of you. " sabi ni sensei
BINABASA MO ANG
Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great Warriors
FantasiaIsang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang ordinaryong skwelahan lamang dahil iba ito sa lahat isang skwelahan na ang tanging makakapasok lamang...