Chapter 40: Yui's Plan

3.8K 89 1
                                    

Eunice' pov:

Nagtataka nalang ako kung bakit ang daming gwardiya ang nakapalibot sa buong Yukio. May masama bang mangyayari??
Kasama ko ngayon si Candice at Jackielyn..

"Anong meron ngayon?? Ba't ang daming gwardiya??" Pagtatakang tanong ni Jackielyn.

"Di ko nga rin alam eh. " sagot ko.

"Baka may dadating na bisita" pagsasagot naman ni Candice.

"Siguro" sabay naming sagot ni Jackielyn. 

Pumunta kami sa canteen para bumili ng pagkain. Habang kumakain kami ay bigla nalang may narinig kaming pagsabog sa labas. Kaya nagulat kami.

"Ano yun??!!!" Gulat na tanong ni Jackielyn

"Di ko alam. Tara tingnan natin" sabi ko at lumabas kami sa canteen.

Ang daming taong nagkukumpulan. Sumabog ang isang sulok ng Gate ng Yukio. Waohh!! Sino kaya ang may gawa nun.

"EUNICE!!" sigaw ni Gray. Tsaka niyakap.

"Sh*t I was worried about you kala ko kung napano ka na. Sana ba kayo galing??  Kanina ko pa kayo hinahanap.." pag alalang tanong ni Gray.

"Gray wag kang o.a nasa canteen lang kami kumakain. Over protective ka lang masyado. " sabi ni Candice.

"Dammit!!! Basta sa susunod wag kayong lalayo sakin. " sabi niya.

"Okay. " sabi ko.

Bigla nalang may sumabog na naman sa kabilang sulok ng Gate.

Narinig ko pang napamura si Gray.

"Ano bang nangyayari??!!" Gulat na gulat ma tanong ko.

Nabalot ng makapal na usok ang Yukio dahil sa pagsabog na nangyayari.

"Eunice!! Eto ang tandaan mo wag na wag kang lalayo sakin. Nandito ang mga taga Bon para kunin ka.. " sabi niya..

Nagulat nalang ako sa sinabi niya pati rin si Jackielyn at Candice.

"What??!! Pero bakit nila kukunin si Eunice??!!" Gulat na tanong ni Candice.

Hindi pa pala nila alam ang tungkol sa totoo kong pagkatao.

"Malalaman mo din to Candice pero ito ang tamang oras para sabihin sayo sahil nandito na sila." Pagsagot ni Gray.

Biglang dumating si Sensei Nelly. Kasama niya si Micoh at Jay.

"Are you okay Eunice??" Pag alalang tanong ni Sensei.

Tumango lang ako.

"Kailangan nating itago si Eunice bago pa mapasakamay siya ng mga taga Bon.." pagutos ni Sensei Nelly.

"Opo!! " sagot ni Jay at Micoh. 

Alam na kaya nila??
Tiningnan ako ni Gray mata sa mata.

"Mag iingat ka Eunice di ko alam kung ano ang gagawin ko pag nakuha ka nila. " sabi ni Gray.

"Oo para sayo.. " sagot ko naman.

Susunod sunod na pagsabog ang nangyari. At nagsilabasan na lahat ng mga Guro at mga ibang myembro ng Rin Warriors.

"Kayo na ang bahala kay Eunice Micoh" pagsagot ni Gray.

"Sige bro makakaasa ka  halika ka na Jay. " sagot naman ni Micoh.

Dinala nila ako sa di ko alam na lugar. Putik kinakabahan na ako sa maaaring mangyari. Bigla nalang dumating si Kyle.

"Micoh at Jay pinapatawag kayo ni Sensei Nelly. Ako daw muna ang magbabantay kay Eunice." Sabi ni Kyle.

Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon