Nandito kami lahat sa Gymnasium. Nag aayos at naglapaganda sa Gym. 2 days nalang bago mag Ball. Excited na ako. Napag isipan kong si Kyle nalang ang magiging kapartner ko sa Ball.
Nagtutulung tulungan kami sa pag aayos.
"Candice anong susuotin mo?? " tanong ko sa kanya.
"Hmm di ko alam magpapatulong ako sa fairies eh. Ikaw??"
"Di ko rin alam. Sasabay lang ako sayo " sabi ko sa kanya.
"May kapartner ka na?? Si Gray ba??" maSiglang sabi nito .. loko ata tong babaeng ito.
"Hindi noh. Iba ang partner ko ngayon ko pa sasagutin yung request niya. "
"Ahh ganun. Sayang naman. Taga ibang team ba sino??gwapo ba??" Tanong niya
Haha puro gwapo lang talaga ang nakikita ng bruhang to.
"Uhm Kyle yung name at taga Kasai Team. "
biglang may sumigaw ng pangalan ko. Kaya napatingin ako kung sino."Siya ba yung Kyle??" Tanong niya.
Natapango lang ako. Kumaway sakin si Kyle at kumaway din ako.
"Grabeh girl ang gwapo huh." Pang aasar na sabi niya. Siniko ko lang siya.
"So ano na?? " sabi ni Kyle.
"Uhm oo" sagot ko.
"As in oo??" Tanong niya ulit.
Hirap makagets eh. =____=
"Yep. " sabi ko.
Nagtatalun siya sa tuwa. =_____= loko tong lalaking to. Parang sinagot ko na talaga Sa relationship . Eh sa magiging partner lang naman sa ball. Oa naman tong mokong na to.
"Yes!! May kapartner na ako. Salamat Eunice. Geh Eunice may pupuntahan lang ako. " sabi niya saka umalis.
"Abnormal pala yung isang yun"'sabi ni Candice at napatawa nalang ako. Hahahaha
"Oy Eunice" sabi ng kaklase ko.
"Yep??"
"Pinapatawag ka ni Sensei. Shin dahil may iuutos siya sayo." Sabi niya.
"Ok geh mauuna muna ako Candice kita nalang tayo mamaya sa canteen"
Tumango lang siya sakin at pumunta ako sa faculty ni Sensei Shin.
"Sir pinapatawag niyo po raw ako??"
Nakaupo lang siya sa upuan niya.
"Oo Eunice. Uhm uutusan sana kitang kumuha ng mga ganitong klaseng bulalak sa labas ng Yukio. " sabi, niya..
Nagulat naman ako sa sinabi ni sir. As in sa labas talaga??!!
"P..po??"
"Madali mo lang silang makikita kaya hindi ka na mahihirapang kumuha ng ganitong bulaklak." Sabi niya.
Binigay niya sakin ang isang pirasong papel at dun nakasulat ang mga pangalan ng mga bulaklak na kukunin ko.
"Para san po pala to gagamitin sir??"
"Para decoration yan sa gymnasium. " sabi niya at tumango lang ako .
"Sige po sir. Mauuna na ako. " sabi ko sa kanya.
"Salamat Eunice. May plus points ka sa grades " sabi niya at natuwa naman ako. Yes plus points sa grades.
*****
Lumabas ako ng Yukio at pumunta sa wild forest. Hmm ito yung nakalista sa papel.
Dragon Flower
Pixie Flower
Crystal Flower
Green Flower.
BINABASA MO ANG
Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great Warriors
ФэнтезиIsang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang ordinaryong skwelahan lamang dahil iba ito sa lahat isang skwelahan na ang tanging makakapasok lamang...