Chapter 22: Partner

5.7K 135 1
                                    

Eunice's pov:

2 weeks na akong tinuturuan ni Gray pero wala pa rin akong improvement. Hindi ko pa din alam kung anong klaseng ability na meron ako. Medyo nagiging close na ko din siya pero wala pa ding nagbago sa ugali niya. Kupal pa din siya. Bipolar nga eh. Dahil minsan mabait minsan naman masungit daig pa ang babaeng may period eh.

Habang naglalakad ako sa hallway para sa next class ko. Ay nakalutang lang ang aking isipan. Dahil malapit na ang Yukio High Grand Ball. Next week na kasi yun Kaya kailangan daw ng partner para makapasok. Kainis nga eh. Kung pwede lang pumunta dun mag isa gagawin ko na. Kaya lang putik pano naman ako makakahanap ng partner?? Eh wala ngang nag aaya sakin eh.

Hindi nalang ako pupunta at matutulog nalang ako sa araw na yun. Oo tama yun nalang ang gagawin ko.

*bogggsshhh

Napahiga nalang ako sa lakas ng pagkabangga ko. Kainis. Yan tuloy nakabunggo na ako.

"Pa..pasensya niya"

"Aish!! Kainis. Natapunan pa tuloy ng juice tong damit ko. Hoy girl sa susunod pwede tumingin ka sa dinadaanan mo. " mataray na sagot nito.

Tumingala ako at tiningnan kung sinong bruha ang nabunggo ko. Tumayo ako at pinagpag ang sarili ko. Napatingin ako sa badge niya. Member siya ng Kage Team.

"Nagsorry na nga ako eh. at isa pa hindi ka naman din mabubunggo kung tumitingin ka rin sa dinadaanan mo. "

Itinaas naman niya ang kilay niya at tiningnan ako from head to toe. Taray ng bruhang to. Kala mo kung sinong maganda.
"So pinapalabas mo na may kasalanan ako huh ganun?? Ako na nga tong natapunan ikaw pa tong may galit. "

"Ikaw nag sabi nun. Pareho lang naman tayong hindi tumitingin sa daan kaya pareho nating kasalanan yun. Kaya wag kang magbintang na kasalanan ko ang lahat dahil. Kasalanan mo din yun. "

"Heh. Ang tapang mo rin eh noh. So ikaw pala yung babaeng buntot ng buntot kay Gray?? Ikaw pala yung babaeng weak. Hahaha how pity you are. Pano ka kaya napasok sa Mizu team eh wala ka ngang ka powers powers. Baka siguro sipsip ka sa mga judges. "

Napakuyom nalang ako dahil sa sinabi. Wala siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan. Dahil hindi niya alam kung sinung binabangga ng bruhang to.

Marami ng nakatingin samin. Pero wala akong pakialam. Late na nga ako sa klase ko. Dahil sa bruhang to eh.

"Hoy! Bruha hindi mo alam ang lahat kaya wag kang gumawa ng storya. Dahan dahan lang sa pananalita mo. "

Nagsmirk lang siya sakin.

"Bakit tinatakot mo ba ako?? Pwes hindi ako takot sayo. Totoo naman diba sipsip ka."

Kumukulo na ang dugo ko sa bruhang to .pigilan niyo ko dahil sasabunutan ko na talaga tong bruhang to.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sinampal ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko at alam kong galit na galit na siya sakin ngayon.

"Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan. "

"Gusto mo pala ng away huh" sabi niya at bigla niyang itinaas ang kamay niya kasabay ng pagtaas nung kutsilyo galing dun sa babae. Maraming nanood samin.

Kinakabahan na ako sa maaari niyang gawin sakin. Napaatras nalang ako. Itinutok niya sakin ang lumulutang na kutsilyo.

"Haha. Ang lakas mong magmayabang sa mga salita mo pero ngayon natatakot ka?? Bakit wala kang ability?? Kawawa ka naman haha. Ngayon ito na ang katapusan mo weak girl"

Bigla niyang kinuyum ang kamay niya at dumeritso ang kutsilyo sa akin napapikit nalang ako. Candice help me. Naghintay nalang ako kung kailan tatama ang kutsilyo sakin. Nagulat nalang ako ng walang kutsilyo ang tumama sa katawan ko . Dinilat ko ang mga mata ko at laking gulat Ko sa nakita ko. Naging ice ang kutsilyo .

Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon