Eunice's pov:
Papunta na ako sa Bulletin board para tingnan kung anong team sila Clarence at Clark. Pati na din yung dalawang asungot kung kaklase sina Denise at Michelle.
Nung nasa bulletin board na ako ay ang daming styudante ang nakapila. Mamaya ko nalang tingnan. Kaysa sa sisingit ako sa linya. Mapagalitan pa ako =____=…
Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kahapon sa Arena. Para sakin parang panaginip lang ang nangyari kahapon. At hindi ako makakapaniwala na isa na akong member ng team Mizu ang yung team na malakas. na pinamumunuan ng kupal na Gray na yun.
At dahil maaga pa naman ay naoagdesisyonan kong bumalik muna sa dorm para makapagpahinga di kasi ako makatulog ng maayos eh.
****
Nakahiga lang ako sa kama ko. Napatingin naman ako sa librong umiilaw na wala namang laman =____= pinublish pa ito eh wala namang laman.
Binuksan ko ulit yung libro. Pano kaya to babasahin eh ang linis linis ng papel. Ni isang letra man lang wala. Psh!!
Napatingin ako sa design ng cover.
"Teka lang tong design nato.." kinuha ko ang kwintas ko.
Tama nga ako. Kaparehong kapareho ang desinyo niya. Pero anong connect ng dalawang to??
Nagulat nalang ako ng biglang umilaw ang kwintas ko at dumikit ito sa libro. Parang naging susi ito at inunluck ang libro. Bigla ko nalang nabitawan ang libro dahil sa pagkagulat ko. Bumukas ang libro at mabilis itong nagpalipat lipat ng pahina. kahit marami na akong nakikitang mga powers at magic ay nagugulat pa rin ako pag nakakakita ako ng ganun.
Bigl nalang nawala yung ilaw ng libro at sumara ito ulit. Gulat na gulat na ako sa mga pangyayaring nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko na maintindihan lahat. Mas nadadagdagan nanaman ang mga katanungan ko. Pero ni isa wala pang sagot ang mga ito. Kinuha ko ulit yung libro.
"Ano ka bang klaseng libro ka?? Mahiwaga ka ba?? May magic??" Para na akong timang dito nakinakausap ang libro. Eh alam ko namang hindi ito sasagot. Bobo ka talaga Eunice.
Binuksan ko ulit yung libro. At thid time. May nakasulat na siya. Woah!! Pano nangyari yun??
Pumunta ako sa first Chapter.
Ang title ay Okami.
Binasa ko ang nakasulat doon..Dark as Shadow.
Cold as ice
Strong as a Beast.
Eyes like the Hawk.
Moves like a lightning.
You will see the true colors
if the moonlight attach it.
And it will guard and protect you like a warriorI will call you Okami. To be my Guardian.
Pag kasabi ko nun. Ay laking gulat ko nalang ng bigla na namang umilaw yung libro. Seryoso lang. May topak ba tong librong to at bigla bigla nalang umiilaw mag isa??
Gumalaw yung libro at halos mahulog na ang puso ko nung biglang lumilitaw isa isa ang mga letra nung libro at isa isang nawawala.
Putik na librong to nakakatakot. Papatayin yata ako nito sa kaba.
Dahan dahang nawawala yung ilaw at kasabay ng pagdahan dahang pagsara nung libro. Pagkatapos nun ay natanggal yung kwintas na nakadikit dun sa cover ng libro at hindi na rin umilaw.
Ano bang ibig sabihin nung binasa ko?? Aish. Kinuha ko nalang yung libro at ibinalik sa bag ko. At sinuot ko na rin yung kwintas ko.
*tok *tok *tok
Sino kayang nandyan?? Putik. Nag ayos muna ako. At binuksan ko ang pinto.
"Hi Eunice" masiglang bati sakin.
BINABASA MO ANG
Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great Warriors
ФэнтезиIsang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang ordinaryong skwelahan lamang dahil iba ito sa lahat isang skwelahan na ang tanging makakapasok lamang...