Napahiga nalang ako dahil sa pagod na aking nadarama. Kanina pa kasi kami ng eensayo. Tinuturuan niya ako sa mga basic na power kung pano gumamit.
Maggagabi na. Infairness may sariling buwan at araw din tong underworld na to. Napatingin lang ako sa kalangitan. Ang ganda ng mga bituin. Hindi ko namalayan na humiga rin pala siya sa tabi ko.
"Ba't hindi ka pa natutulog?? " tanong niya.
Paki niya.. =____= eh sa ayaw ko pang matulog eh.
"Eh ikaw bakit hindi ka pa natutulog??"
"Wag mokong sagutin ng tanong din. Psh! " napairap nalang ako.
Dito kasi kami mag oover night. At bukas ay babalik na kami. Mamimiss ko tong lugar na to. PRAMIS hahaha.
"Hindi pa kasi ako inaantok "
"Ako din" matipid niyang sagot.
Nasanay na din ako sa ugali ng kupal na to. Sabi kasi nila Jay at Micoh. Naging ganito ang ugali ni Gray simula nung namatay ang mga magulang niya nung war ng Bon at Rin noon. At dun ko din nalaman na ang mga magulang pala niya ay isa sa THE GREAT RIN WARRIORS. Naawa nga ako sa pinagdaanan niya eh.
Naguiguilty nga ako minsan sa tuwing pinagsasalitaan ko di siya. Pero kasi nakakainis kasi siya mag salita. Nakakaasar.
Di namalayan ay nakatulog na pala siya. Kaya pala natahimik. Napatingin ako sa mukha niya. Grabeh napakaamo ng mukha niya pag tulog. Hahaha. Ang taas ng ilong tapos manipis na labi at mga pilik mata na magaganda. Ang anghel niya tingnan pag ganito. Hahaha.
*****
"Hoy! Stupid girl gumising ka na diyan"
Ang ingay ng lalaking to. Eh sarap na sarap ako sa tulog eh tapos eepal tong kupal na to.
"5 min. Pls. " at pinikit ko ulit yung mata ko.
"Gusto mo iwan kita dito huh?? Madali lang akong kausap. "
Dumilat kaagad ako at tumayo. Ayaw kung maiwan dito noh.
"Sabi ko nga eh tatayo na ako. " at inirapan ko siya.
"Yun naman pala eh. Pero bago tayo umalis mageensayo pa tayo. " sabi niya
Say whaaaatttt??!!! Loko batong kupal na to?? Psh!! Kainis.
"At ano naman yun huh." Pagtatanong ko sa kanya.
"Tuturuan kita kung pano gumamit ng ice power"
Nagulat ako sa sinabi niya di ko pa nga alam ang ability ko tapos ice power na kaagad?? . Kahapon kasi tinuruan niya ako kung pano gumamit ng spear may tinuro siya sa aking mga techniques.
Pumwesto siya sa harapan ko. May binigkas siyang mga kung anong salita. In short nag aalien talk nanaman siya. =_____=
Pagkatapos niyang mag alien talk ay bigla nalang ay namumuong snow. Wow snow.. ngayon lang ako nakaramdam ng snow.
"Ang galing naman" manghang mangha kong sabi. Ganito pala feeling ng nagsnosnow na lugar. Hahaha sensya na wala kasi to sa bundok namin.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng snow??" Sabi niya.
Natapango lang ako. At ineenjoy ang snow. Sana magkaroon din ito sa Pilipinas haha.
"Ano naman ang gagawin ko sa mga snow na to?? " pagtatanong ko sa kanya.
Cold lang ang tingin niya sakin. Wala na ba siyang ibang expression kundi yang pagiging cold niya.
"Tunawin mo. " seryosong sabi nito.
BINABASA MO ANG
Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great Warriors
ФэнтезиIsang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang ordinaryong skwelahan lamang dahil iba ito sa lahat isang skwelahan na ang tanging makakapasok lamang...