Eunice's pov:
Weeks have passed ay exam na Bukas. Nakakapagreview naman ako. Pero may mga ilang topic akong hindi naiintindihan. At minsan ko nalang din nakakasama si Candice dahil busy sila sa kanilang darating na tournament.
Si Kyle naman ayun abnormal pa din hanggang ngayon. Naging close ko na di tong abnormal na to dahil mabait rin naman siya. Kasama ko siya ngayon patungo kasi kaming library dahil nagplano kami na sabay kaming mag review.
****
Nasa library na kami tahimik lang nagbabasa. Ang binabasa ko ay about magics and spells. Habang siya di ko alam kung anong binabasa ng abnormal nato.
"Eunice diba tagalupa ka??"
Mahina niyang sabi. Nagulat nalang ako sa tanong niya.
Akala ko tagalupa din tong abnormal nato."Oo bakit??"
Pagtatakang tanong ko sa kanya."Ano kasi. Maganda ba dun?? May mga magic din ba dun?? Mga halimaw??"
Aba kung may magic lang sa pilipinas matagal ko na sanang alam ang ability ko.
"Oo maganda din. Pero walang magic at halimaw. Pero kriminal marami. " sabi ko sa kanya.
"Ahh ganun. Gusto kong pumunta dun. " sabi niya.
Parang bata lang eh. Ngayon ko lang napagtanto na malapit na rin pala ang bakasyon kaya makikita ko ulit si mama. Excited na ako.
"Pagmagbabakasyon na isasama kita " sabay ngiti ko sa kanya.
Ngumiti rin siya sakin pero may halong lungkot. Bakit kaya.
"Oh. Anong problema?? "
"Hah?? Ah eh w..wala. may naisip lang ako.Hehe "
At bumalik na din siya sa pagbabasa. Minsan noobserbahan ko tong abnormal nato parang ang weird minsan. Pero hindi ko nalang yun prinoproblema. Abnormal kasi. =______= trenatrain na din ako ni Sensei Nelly simula kahapon. Para daw marunong na akong i control ang ability ko pagnagkaroon na ako. Bibigyan lang niya ako ng badge na nagsysmbolo na isang Team Mizu kapag lumabas na ang ability ko. Parang ako na nga lang ata ang walang ability eh.
Kasi sila Clark at Clarence pareho silang sa Kasai napunta at lumabas na ang sa kanila kaya ngayon prinapraktisan na nila ang pagcontrol nito kilala ni Kyle sila Clark at Clarence pero hindi sila close . Pati rin yung Dalawang bruha na si Denice at Michelle sa Team Kage sila napunta at lumabas na din ang ability nila. Minsan ko na silang nakikita kaya hindi na nila ako mabubully pwera nalang sa isang babaeng bruha na nakabunggo ko last time. Ayun kahit binabalaan na siya ni Gray patuloy pa rin sa pambubully sakin.
Paglumabas ang ability ko Who u kayo sakin. Namimiss ko na rin si Candice kasi madalang nalang ang pagkikita namin. Pati rin sila Micoh at Jay. Pati yung kupal na yun kahit parang may PMS lagi miss ko na rin.
Mag aalas 6 na pala ng hapon. May gagawin pa kaming project Nila Clark at Clarence bukas ng hapon. Lumabas na kami ni Kyle sa Library. At naghiwalay kaagad pareho kasi kaming busy sa review ngayon.
Papunta na ako ng Dorm ko ng madatnan ko na naman ang reyna ng mga Bruha.
"Oh!! Mukhang loner ka ata ang weak girl huh" sabi niya sabay tawa. Siya lang ang nakakaappreciate sa joke niya. =_____=
"Wala akong oras para makipagsagutan sa isang bruhang katulad mo. " at tumalikod na ako sa kanya. At dahil may ability siya ay hinila niya ako pabalik at pinaharap sa kanya.
"Wag mo kong talikuran kapag kinakausap pa kita weak girl hindi porket naging Ms. Yukio High ka ay magmamatapang ka na. Kaya wag kang feelingera. " sabi niya.
BINABASA MO ANG
Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great Warriors
FantasyIsang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang ordinaryong skwelahan lamang dahil iba ito sa lahat isang skwelahan na ang tanging makakapasok lamang...