Eunice's pov:
Ilang araw na ang lumipas magmula nung laban namin ni Crystal. Bumalik na rin ito sa dati. Alam na ng lahat ng styudante na ako ang anak ni Sensei Ochimaru. Kaya ginagalang na nila ako.
Nailibing na rin namin ang bangkay nila Jay, Jackielyn at Sensei Nelly.
Oo namatay din si Sensei Nelly matapos nung mapatay ko si Yui. Bigla siyang nawalan ng malay at naidala pa namin siya sa hospital ng Yukio pero huli na ang lahat. Hindi na nakayanan ng cells niya at pati na rin yung puso niya dahil sa sobrang dami ng enerhiya ang pinalabas niya nung ginamit niya ang kanyang Thema.
Sobrang lungkot at pangungulila ang naramdaman ni Gray nung mga araw na yun dahil nawalan pa siya ng dalawang kaibigan tapos nawalan pa siya ng pangalawang ina niya.
kaya nandito ako sa tabi niya. Kahit wala pa siya sa mood ay hinayaan ko lang muna siyang mag isa para makapag isip isip. Nandito ako sa puntod nila Jay, Jackielyn at sensei Nelly. Binigyan ko sila isa isa ng mga bulaklak.
Maraming styudante ang nalungkot at nagulat sa mga pangyayari. katulad nalang ng section namin na mahal na mahal namin si sensei Nelly. Kaya yung mga weapon na binigay niya sa amin ay ginawa naming treasure para sa kanya. Katulad nung spear na binigay niya sakin. Iingatan ko yun ng mabuti para sayo sensei Nelly.
"Hi Jay, Hi Jackielyn at sensei Nelly. Sobrang miss ko na kayo. Sobra. Hindi na kompleto ang grupong Mizu Team dahil wala na kayo Jay at Jackielyn. Pero pangako hinding hindi kami maghihiwalay. Sayo din po sensei Miss ko na rin po kayo. Siguro po kasama niyo na si mama sa langit di po ba?? Siguro nga pinagmamasdan niyo ko ngayon dito sa cementryo. " tumulo na na yung mga luha ko. Sheteyy!! Eto nanaman Ko umiiyak.
"Nandito ka lang pala. Kung saan saan kita hinanap"
Halos mapatalun ako sa gulat ng biglang may magsalita galing sa likod ko. Kaya napahawak ako sa dibdib. Lumingon ako kung sino yung nagsalita.
"Hoy kupal!! Nag eemo ako dito tapos eeksina ka.. kj mo talaga!!" sabi ko sa kanya.
Tumawa lang siya. At lumapit sakin tsaka inakbayan niya ako.
"Sorry na stupid girl di ko naman sinasadya na gulatin ka eh. " sabi niya sakin.
"Ok ka na pala??" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
Eh kasi bumalik na yung dating sigla niya eh di katulad nung isang araw na parang isang taon na di kumain ang tamlay tamlay.
"Oo ok na ako. Hi bro hi Jackielyn. Langya ba't niyo kaagad kami iniwan?? Yan tuloy apat nalang kami. Ang daya daya niyo. " sabi ni Gray.Parang bata lang eh.. =____=
"Hi din po sensei Nelly miss na kita. Ikaw na nga lang ang natitirang kapamilya ko tapos iiwan niyo rin ako?? Siguro nag uusap na kayo diyan sa langit nila mama at papa noh!! Buti ka pa sensei Nelly nakita mo ulit si mama at papa. Gustong gusto ko rin talaga silang makita pero napakaimpossible na. " sabi ni Gray habang nakatingin sa langit.
Ilang minuto ang lumipas ay umalis na kami sa cementeryo. Malapit na pala ang bakasyon at excited na ako ..
"Anong gagawin mo ngayong bakasyon??" Pagtatanong ko kay Gray.
Tumingin siya sakin.
"Hindi ko alam. Matutulog lang haha ganyan naman palagi ang routine ko tuwing bakasyon dahil wala naman akong ibang mapupuntahan. Ikaw?? " sabi niya sakin.
"Gusto kong umuwi sa dating tinitirhan namin ni mama sa mundo namin. Namiss ko na kasi eh. " sabi ko sa kanya.
"Ahh ganun ba. Sayang wala akong makakasama dito. Mukhang mag isa lang ako ditong magbabakasyon " malungkot na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great Warriors
ФэнтезиIsang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang ordinaryong skwelahan lamang dahil iba ito sa lahat isang skwelahan na ang tanging makakapasok lamang...