Bigla nalang kami nakarinig ng mga pasabog.
"Sh*t may dalawang Bon Warrior. " gulat na sabi ni Clark.
Kaya bigla kaming nagtago sa Puno. Naiiyak na ako dahil sa kaba at takot putik pano na to ngayon.
"Kailangan na nating makaalis dito bago pa tayo nila makita. " sabi ni Clarence
Tumango lang kami ni Clark. Dahan dahan kaming naglakad. Iniiwasan naming makagawa ng konting ingay. Pero sa kasamaang palad nga naman may isang ahas pa na humarang pero kakaibang ahas ito kasi may mga paa.
"What the??! Wrong timing naman oh!!" Mahinang sabi ni Clarence.
"Ako na bahala sa halimawng ito" sabi ni Clark.
Biglang sumugod yung weird na ahas. At agad namang nilagay ni Clark ang kamay niya sa lupa at may lumabas na mga ugat at sinakal yung ahas.
At dahil may kalakasan din 'tong putik na ahas to kaya nagawa niyang putolin ang mga ugat. Muntikan na akong makagat nung lintik na ahas ng agad namang nasakal siya sa ugat.
"Mga taga Rin!! " sigaw nung lalaking taga Bon
Nalintikan na. O____o nakita na kami. Bigla niya kaming binato ng kuryente niyang ability. Buti nalang ay nakailag kami. umalis na yung ahas.
"Clark umalis na kayo ako na bahala dito sa isang to " sabi ni Clarence at tumayo siya.
"Pero pano ka baka hindi mo kaya magagaling sila Clarence??" Sabi ko sa kanya.
"Kaya ko to magtiwala ka lang sige susunod lang ako sa inyo mamaya." Sabi niya.
Tumango sa kanya si Clark at hinila na ako ni Clark paalis. Nag alala ako sa kalagayan ni Clarence baka kung anong mangyari sa kanya.
Patuloy lang yung mga pagsabog. At patuloy lang kami sa pagtakbo ni Clark. Hawak hawak niya yung kamay ko. Kinakabahan na ako baka kung anong mangyari samin. Di palang kami nakakalayo ay biglang may humarang samin. What the??!! Siya yung kasama nung lalaki kanina.
"Where do you think your going kids?? " sabi nung babaeng taga Bon.
Agad humarang sakin si Clark. Ito talaga ang napapala sa walang ability na katulad ko. Kainis kasi. Mukhang malakas yung babaeng yun.
biglang nagpalabas ng kidlat yung babae. At sinamaan lang kami ng tingin.
"Dito ka sa likod ko Eunice. Tataposin ko lang tong babaeng to" sabi ni Clark.
Agad kaming binato ng napakaraming kidlat at iwas lang ako ng iwas. Agad din namang itinaas ni Clark yung kamay niya at may mga malalaking ugat na pumulupot sa kamay at binti nung babae.
Pero di nagtagal ay nasira din ito nung babae. Bigla siyang nag summon ng isang ibon na kumikislap dahil sa kuryente nito.
Gumawa ng barrier si Clark. At halatang napapagod na siya. Kung may ability lang sana ako tinulungan ko na sana si Clark. Putik kasi eh. Kainis.
"Eunice tumakbo ka na. At humingi ka ng tulong sa mga sensei. " sabi ni Clark habang kinokontrol niya ang barrier na gawa niya. Sunod sunod na kidlat ang binabato sa ginawang barrier ni Clark kaya napapagod na si Clark na kontrolin ito.
"Pe..pero pano ka?? Hindi kita pwedeng iwan dito. " sabi ko sa kanya. Naiiyak na ako. At nanginginig na ako sa takot.
"O..ok lang ako sige na umalis ka na" sabi niya.
"Hindi!! Hindi kita iiwan. " biglang nasira yung barrier na gawa ni Clark.
"Haha how pity. " pagmamayabang nung babae.
BINABASA MO ANG
Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great Warriors
ФэнтезиIsang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang ordinaryong skwelahan lamang dahil iba ito sa lahat isang skwelahan na ang tanging makakapasok lamang...