Chapter 2: Meeting the New One

28 2 0
                                    

Parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yong mga mukha ng mga classmate ko ng mapagsino nila ang pumasok.

"Oh my God! Siya na naman 'yung prof. natin?" Dismayadong sabi ng isa kong classmate. Natatawa lang ako sa itsura niya dahil makikita mo na parang end of the world na naman para sa kanya.

Pagkaharap ni bessy sa akin hindi rin maipinta ang mukha nito daig pa nakakain ng kamias sa asim ng mukha.

"Ano ba naman iyan bessy siya na naman prof. natin hindi ba siya nananawa sa pagmumukha natin? Kasi ako sukang suka na." Bulong niya sa akin.

Ako naman? Wala lang dedma lang..
Wala namang kaso sa akin kung sino ang magiging professor namin as long as fair siyang magbigay ng grade at hindi puro pera ang batayan. Nakakainis kasi 'yung tipong ikaw todo hirap kaka research ng mga paper works samantalang 'yong iba chill lang tapos sila ang mas mataas ang grade? That's unfair kaya para sa akin mas pabor ako na si Mr. Dimagiba ulit ang professor namin.

From the surname itself hindi talaga magigiba! Alam kasi nilang hindi sila uubra sa kanya.

Pagkapasok niya tumahimik ang lahat daig pa namin ang nasa library. Mga estudyanteng hindi makabasag pinggan.

"Good morning class!" Panimula ni Mr. Dimagiba.

Nakakairita lang sa kanya 'yong boses niya kailangan ba talagang ipangalandakang bading siya? Hindi naman bagay sa itsura niya.

"Good morning din Sir!" Pasigaw naman naming tugon sa kanya. Oo literally sigaw.

"Ano galit na kayo sa akin dahil ako parin ang prof. niyo?" Natatawang sabi ni Mr. Dimagiba.

Nagulat ako ng biglang magsalita si bessy.
"Sir hindi pa po ba kayo nagsasawa dito sa amin?"

I smirked. Kahit kailan talaga itong si bessy hindi maitikom ang bibig. Siya lang nakakagawa niyan kay Mr. Dimagiba.

"I don't see any reason para pagsawaan ko kayo. Lalo na itong mga gwapo kong estudyante? At madadagdagan pa!" Kinikilig pang sabi ni Mr. Dimagiba.

Sabi na nga ba eh 'yong mga classmate ko lang na mga lalaki ang habol niya eh. Pero sino na naman ang madadagdag?

Nakita ko 'yong mga classmate ko na nagbubulungan lalo ng ang mga babae kong classmate.

I chuckled "Tss... Makadinig lang ng gwapo hindi na sila magkandaugaga sa kinauupuan nila."

Ang salitang gwapo for me is just a typical word and I'm not interested to them. I'm not a man hater but I just want to be careful because I don't want to be one of the girls who cried because of them.

"As I told you madadagdapan pa ulit kayo. Naputol lang ang kanyang sinasabi ng malaman niyang nasa labas na ang kanyang hinihintay. " Oh here he is!" Sabi ni Mr. Dimagiba. Nakatuon ngayon ang aming paningin sa pintuan kung saan magmumula ang taong hinihintay namin. "Please come in Mr. Villagracia." Dugtong pa nito.

Pagpasok niya bumungad sa amin ang isang matangkad, maputi at ... Ayaw ko mang sabihin pero gwapo nga siya.
Kung titingnan mo siya sa kabuuan  masasabi mo na nagmula siya sa isang kilalang pamilya. But I'm not familiar to him.

Hayyss as usual 'yong mga classmate kong babae nga-nga akala mo mga nalaglag na 'yong mga panty nila eh. Pati itong si bessy nakisabay pa.

"Bessy ang gwapo! Kanin nalang ang kulang." Lingon sa akin ni bessy na kinilig pa.

I chuckled. "Tss. Eh di kainin mo! Ikaw talaga hindi ka pa din nagbabago. Wala kang inatupag kundi mga lalaki." Pagtataray ko sa kanya. Masusuportahan ko siya sa ibang bagay pero pagdating sa mga lalaki huwag na siyang umasa.

Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon