Hunt's list? Ano 'yun? Nakakain ba iyon?
Iyon ang nasa isip ko hanggang sa matapos ang klase. Matalim ang titig niya sa akin kanina 'yung tingin na gusto na niya akong sakalin. Haha. How pathethic? Hindi ako natatakot sa kanya sa dami ko ng pinagdaanan? Sisiw nalang siya sa akin.
"Hoy bessy! Kanina pa ko salita ng salita dito? Nasaang planeta ka ba at lutang ka ngayon?" Masyado na pala akong pre- occupied at hindi ko na napansin na kinakausap na ako ni bessy.
"Sorry bessy may sinabi lang kasi sa akin Timothy bago siya umupo kanina."
Papunta na kami ngayong canteen dahil nagugutom na ako.
"Ano naman iyon?" Nagtatakang tanong ni bessy.
"Nasa hunt's list na daw niya ako." Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni bessy? Anong meron at ganyan ang itsura niya?
"OH MY GEE!" Nagulat ako kay bessy dahil bigla niya akong hinatak sa lugar na wala masyadong tao.
Huhuhu.. Ano ba iyan nagugutom na ako eh.
"Bakit ba bessy? Nagugutom na 'ko eh bakit nandito tayo?" Bigla akong tiningnan ng seryoso sa mata ni bessy.
"This is not good Cassy!" With matching hawak pa sa balikat ko. Ano ba 'tong si bessy masyadong intense. "Once na sinabihan ka ng isa kina Timothy, Jeff, Eric, Carl at Tyron na nasa hunt's list ka nila ibig sabihin pahihirapan ka nila ng matindi 'yung tipong gugustuhin mo nalang na hindi mo sila nakilala. Karamihan sa nailagay nila sa hunt's list ay umalis ng school para tigilan nalang sila." Kaya pala ganun nalang ang pag aalala sakin ni bessy. Now I know.
"Dapat na ba akong matakot bessy? Baka puluputin ko lang silang magkakaibigan eh". Pagpapakalma ko kay bessy masyado naman kasi siyang natatakot sa limang lalaking iyon eh.
"This is not a joke Bessy, I'm serious. For sure hindi ka nila tatantanan. Dito sa school sila ang hari ng mga bad boys. You should aware by now."
"From the start hindi ako nagsimula ng gulo. Si Timothy ang nagsimula. Gusto ko lang maranasan niya kung anong ginawa niya sa akin. You know bessy that I want a peaceful life." Naiinis na ako ahh.. Anong karapatan nilang maghari harian dito sa school.
"Bessy worried lang naman ako sa iyo - "
"Psshh.. Bessy pwedeng kumain muna tayo? Dahil nagugutom na ako at kelangan ko pang pumunta sa OSS." Pagpuputol ko dahil gutom na talaga ako hindi ako makapag isip ng maayos kapag nagugutom ako eh. Hindi naman ako PG sadyang lagi lang akong gutom at masarap kaya kumain.
Pagdating namin sa canteen buti nalang wala sila. Kumain muna kami ni bessy bago kami magkanya-kanya. Ngunit bago pa kami maghiwalay pinaalalahanan na naman ako ni bessy. Pss. Ito talagang si bessy masyadong worried sa akin. Wala ba siyang tiwala sa karate skills ko?
"Bessy take care! Baka mamaya kung ano nalang kalokohan ang gawin ng grupo ni Timothy sa'yo." Ito na naman ang protective kong bestfriend.
"Yes bessy. Nakakailang paalala kana sakin. Wala ka bang tiwala sa karate skills ko? Don't worry about me. Ito nalang iiwas ako hanggat wala silang ginagawang kalokohan sa akin pero once na may ginawa sila don't expect na mananahimik lang ako sa isang sulok at iiyak nalang. You know me better than anyone else." Pagpapakalma ko sa kanya
"Okay bessy." Buti naman ngumiti na siya. Nag aalala din ako kapag ganyan siya eh.
Habang naglalakad ako papunta sa locker ko biglang may kung anong dumaan sa likod ko.
Woooow.. Ano 'yun? Nagpalinga linga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakita. Hindi ko nalang pinansin baka pusa lang iyon. Pero ... may bigla na namang dumaan.
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
ActionI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...