[ Cassy ]
Anong problema ng lalaking ito at ang sama ng tingin sa'kin? Hayyss pake ko ba? Hindi ko nalang s'ya pinansin.
Pagkaupo ko ininterrogate kaagad ako ni bessy.
"Bessy sino 'yung gwapong kausap mo?" She asked without blinking her eyes.
Kilala na niya si Kenneth sa pangalan ngunit hindi pa n'ya ito nakikita sa personal.
"Si Kenneth. 'Yung partner ko."
Nakita ko sa mukha ni bessy ang pagkagulat na may pagkamangha.
"Oh my gosh?! Siya ba iyon? Ang gwapo naman niya?!" Patili ngunit mahina nitong sabi.
"Yeh he is." I said.
Buti nalang at dumating na 'yung prof. namin ng matigil na 'tong si bessy.
After ng klase hindi padin ako tinantanan ni bessy kakatanong tungkol kay Kenneth kaya nung nakahanap ako ng tyempo upang makatakas dito ay ginawa ko na pumunta na kaagad ako sa parking at nagpasya na umuwi muna bago ko gawin ang aking duty bilang dakilang tagapagbantay.
Nakasakay na ako sa aking motor ng biglang sumulpot sa likod ko si Timothy.
"Amazona!" Sigaw nito na ikinairita ko.
I creased my forehead when I face him. "Oh bakit? Problema mo? Tsaka pwede ba may pangalan ako C-A-S-S-Y hindi amazona." Pinangdiinan ko talaga ng maintindihan niya.
He raised his right eyebrows. "Whatever! By the way , about last night ... " Nakita kong tumikhim muna ito bago ituloy ang sasabihin. " - ikaw ba talaga 'yung kasama ko at kumalaban sa mga lalaking iyon?" He asked habang tinatantya nito ang isasagot ko.
I sighed. "Sa kasamaang palad Oo! Babae pa ang nagtanggol sa'yo dahil sa sobrang kalasingan mo."
"Tss.. I didn't say for your help. Mapapataob ko na nga sana 'yung mga lalaking iyon kung hindi ka umepal eh." Pagmamayabang pa nito.
I chuckled. "Huh! Talaga lang ah? Sa pagkakaalam ko kasi kung hindi pa kita tinulungan baka ikaw na ang tumaob instead na sila eh - Actually taob ka na talaga ng tinulungan kita."
Nakita kong tumiim ang bagang nito.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat? Simple thank you will do." I said while smiling.
"No! Thanks but no thanks." Kaswal na sabi nito habang nakapamulsa.
Ngumisi ako. "Tss.. May sasabihin ka pa ba? Aalis na ako."
"Tungkol pa nga pala sa laban natin.. Save the date because it's tomorrow after class." Sabi nito sabay talikod at dire-diretso ng naglakad.
"Tss.. hindi man lang talaga nagpasalamat!" Pagrerebelde ko.
Pagdating ko sa bahay dumeretso kaagad ako sa aking kwarto at humarap sa aking laptop chineck ko kung gumagana na ba ang micro chip na inilagay ko sa kotse ni Timothy.
Bago ko pa sundan si Timothy sa Bar ay dala-dala ko na ang micro chip na ito, akala ko mahihirapan ako sa paglalagay nito ngunit naging madali nalang para sa akin dahil na rin sa kalasingan nito. Nasa kasagsagan pa ito ng pagtulog ng ilagay ko ito sa kanyang kotse.
"Gotcha!" Masayang sabi ko dahil bigla nalang nag flash sa screen ang exact location kung saan ito.
Ngunit bigla nalang nangunot ang akin noo ng ma realize kung nasaan talaga ito.
"Motel?! My gaaad! Anong ginagawa niya d'yan? Lintek don't tell me ... " Bigla nalang naputol ang aking sinasabi ng maalala ko ang babaeng kahalikan nito sa mall.
"Hindi kaya ....Oh my gee! May kung ano kaya silang gagawing kababalaghan? Huh! Ganito na ba talaga ang mga lalaki ngayon?!" Padabog kong sinarado ang aking laptop at gumayak na para puntahan ito. May naisip na akong paraan upang bulabugin ito.Nag iwan nalang ako ng note sa pintuan na umalis ako ng bahay at dali-dali ng sumakay sa aking motor. Mas convenient kasi para sa akin ang paggamit nito dahil mas mabilis ang byahe - lalo na sa ganitong sitwasyon.
Pagdating ko sa nasabing motel ay nag disguise ako upang walang makapansin sa akin, sakto naman ang pagpasok din ng dalawa. Hindi nga ako nagkamali 'yung babae sa mall ang kasama nito.
Sinundan ko sila, lumapit sila sa receptionist upang mag check in. Sinuot ko ang aking shades at medyo lumapit sa kanila upang pakinggan kung anong room no. sila.
"Room 18 Sir." Sabi ng babae sabay abot ng susi na 'tila kinikilig pa, hindi alintana na may kasama itong ibang babae.
Tumungo na ang dalawa sa nasabing kwarto. Ako naman ay dali-dali ding sumunod sa kanila.
Pagpasok nila ng kwarto ay nagtago ako sa isang sulok upang ihanda na ang aking gagamitin.
Inilabas ko na ang tear gas. I know that this is not a good idea pero sasamantalahin ko na ng makaganti naman ako sa ginawang pagnakaw ng paghalik nito sa akin.
Nakita kong naka awang pa ang pintuan nila.
"Tsk.tsk... careless kids." Nakangisi kong sabi sabay pwesto na sa may pintuan ngunit narinig ko munang nagsalita ang babae.
"Your not gonna regret this babe. I will make you happy all night." Matinis na sabi nito.
"I am sure babe, we will make love tonight." Sabi naman ng damuhong lalaki.
Masuka-suka na ako sa mga pinag uusapan nila. Am I really need to hear those creepy words? Kadiri sila!
Bago pa nila masimulan ang kahalayang gagawin nila ay binuksan ko na ang tear gas at inihagis ito sa loob. Non toxic naman ito kaya walang mangyayaring masama sa kanila gusto ko lang talaga silang pigilan.
Nang makita kong umuusok na sa loob narinig kong nagkakagulo na sila narinig ko pa 'yung babae na sumisigaw. Ako naman halos sumakit ang tiyan ko katatawa.
I decided na umalis na at pumuntang parking lot bago pa nila ako makita.
Naghintay ako ng ilang sandali at nakita ko na din ang dalawa sa parking lot halatang halata ang pagkairita nung babae tila nalugi. Alangan naman ituloy pa nila ang kahalayang gagawin nila kahit umuusok na sa kwarto nila - hahaha.
"Nakakatuwa naman, bukod sa binabantayan ko siya nagagawa ko pang gumanti ng palihim sa mga ginawa nito sa akin." Natutuwa kong sabi.
Nakita kong umalis na ang kotse nito kaya sinundan ko na sila.
Hinatid na nito sa bahay ang badtrip na babae. At sinundan ko din ito hanggang sa makauwi na ito sa kanila. Ngunit bago akong tuluyan umalis ay nakita ko na naman ang lalaki malapit sa kanila, ng makita nito na nakatingin ako sa kanya ay bigla itong umalis.
"Sino ka ba talaga? Isa pang kita ko sa'yo dito iimbestigahan na kita." Sabi ko sa sarili ko.
---
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
ActionI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...