"Bakit hindi ka lumaban? Bakit hinayaan mong saktan ka lang ng iba ng ganun lang? Matapang ka di ba?"
Hindi ko namalayan na nasa garden na pala kami.
"Cassy, may gusto ka ba sa lalaking iyon?"
Sunod sunod na tanong nito.Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Bakit ba masyado itong concern sa akin?
"Ano bang problema mo Patrick? Bakit ba nakikialam ka? Four years tayong hindi nagkita tapos bigla ka nalang susulpot na walang pasabi. Then kakausapin mo ko na parang walang nagyari?" Naiinis na talaga ako. Ano bang pakialam niya sa buhay ko? Eh nagawa nga niya akong paglaruan dati.
"Kaya nga nagpakita na ulit ako sa'yo para mag sorry alam mo namang mga bata pa tayo noon eh."
Sinasabi ng puso ko na mukhang sincere naman ito sa sinasabi niya ngunit ang sabi ng utak ko huwag na kong magtiwala dahil iyan ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.
"I forgive you, okay na ba? But this doesn't mean na babalik tayo sa dati dahil hindi na. Once you broke something hindi mo na ito maibabalik pa sa dati. At wala akong gusto kay Timothy this is non of your business." Tiningnan ko 'yong relo ko bigla kong naalala si kimche. My gaaad! Baka puro kalmot na siya ng pusa ng lalaking 'yon.
Iniwanan ko nalang ito dahil baka mag usisa pa ito. Anong tricks na naman ba ang pinapagana nito sa akin? He wants another car? I will give him para lang tantanan niya na ako. Tahimik na ang buhay ko at gumugulo na naman ng dahil sa kanila, sana kasi sa bakbakan nalang ako inilagay ni Chief eh kasura 'yong matandang 'yon isa ding pahirap sa buhay.
Napanganga nalang ako sa aking nakita O_O. Tama ba ako ng nakikita? O lumalabo na ang mata ko. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko pero tama talaga eh. Nakadantay ang ulo ng pusa ni Timothy sa aso ko at 'yong aso ko naman parang gustong gusto pa ang pwesto nila. Hindi naman siya ganyan dati ah! Inaaway nga niya 'yong ibang mga pusa eh.
Silang dalawa nalang ang nasa loob. Wala na din 'yong attendant buti nalang may susi ako.
Akmang kukunin ko na si Kimche ng biglang magalit ito sa'kin.
"Bad dog! Bakit mo ko inaaway!" Ayaw paistorbo! Bigla naman itong umamo sa'kin akala niya siguro ibang tao ako.
Palabas na ako ng pintuan ng marealize ko na wala na palang makakasama ang pusa ng mokong na 'yon.
Hays saan ba kasi pumunta ang lalaking 'yon. Tiningnan ko ang tracker ko, nasa bahay na ito. Langya! Dinadala dala niya ang pusa niya dito tapos iiwanan lang niya? Kinuha ko nalang din ito at ihahatid ko nalang sa kanila.
Nasa tapat na ako ng bahay nila at nakita ko na ang kotse nito sa parking space nila. Paano nalang pala kung di ko siya kinuha eh di kawawa naman 'yong pusa kahit naman hindi ko sila masyadong gusto eh naaawa padin ako sa kanila.
Nakita kong nakabukas ng bahagya ang gate nila kaya pumasok na ako. Wala naman siguro bubungad sa aking armalite dito sa bahay este sa mansion nila, mukhang tatlong beses ito ng laki sa bahay namin ah, iba na talaga kapag mayaman.
Ilan kaya ang nakatira dito sa kanila?Nakita kong bukas din ang main door nila. Hindi ba sila marunong magsara? Oh baka naman ... Paktay ! Binilisan ko ang lakad kung bakit naman kasi kahit ang main door ang layo eh, pero bago ko pa matulak 'yong pinto ay may nadinig na akong nagtatalo sa loob.
"Timothy can you just let me explain to you?" Boses ng isang babae.
"Pwede ba Lyka di ba sinabi ko na sa'yo na matagal na tayong tapos at hindi na magiging tayo kahit kailan kaya pwede ba wag ka ng mag aksaya ng oras kakapunta dito." So siya 'yong ex-girlfriend niya na nakita kong kausap din niya. Nakakaawang babae. Tsk.tsk.
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
ActionI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...