Chapter 4: Bad Day

7 2 0
                                    

[ Cassiopeia ]

Habang naglalakad kami ni bessy  papuntang canteen pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyanteng babae, ang talim ng mga titig nila sakin para nila akong pinapatay unti-unti habang iyong iba naman ay nagbubulungan.

"Girl, ayan iyong babae na sumuntok kay Timothy. Ang kapal ng mukha niya siya palang ang gumawa 'non sa kanya." Sabi 'nung isang babae na ang kapal ng make up, sa sobrang kapal mukha na siyang espasol.

"Oo nga eh, akala mo kung sinong kagandahan wala namang binatbat." Sabi pa 'nung kasama niya na kasing kapal din ng make up nito.

Ang bilis naman kumalat ng nangyari wala pang isang oras ng maganap ito pero ang dami na agad naka alam. Ano ba siya dito sa school na ito? Eh kay bago bago lang naman niya dito? May fans club kaagad siya at mga protector kuno niya.

"Bessy ang sama ng tingin ng mga babaeng iyon sayo ahh. Gusto mo sampolan natin?" Sabi ni bessy na akala mo ay susugurin ang mga babaeng tsismosa.

"Don't waste your time to them. They are not worthy. Magpapagod ka lang. Tsaka bakit ba sila ganyan? Sa tanang buhay ko na nag aral ako dito hindi nila ako tiningnan ng ganyan until that scene happened? Nakaka imbyerna talaga ang lalaking 'yon eh." Naiinis na sabi ko.

"Don't worry bessy I will make a bit investigation on him." Suhestiyon ni bessy.

"That's a good idea."

Pagpasok namin sa canteen ganoon din ang tingin sakin ng ibang mga estudyanteng babae mangilan-ngilan lang, pero 'yong iba walang pakialam sa paligid nila.

Humanap kami ng  mesa kung saan malayo sa mga tsismosa ng makapag isip ako ng maayos. Malawak ang canteen namin  restaurant type ito kaya nung unang pagpasok ko dito di ko akalain na canteen lamang ito. Siguro naman hindi magsasalubong ang landas namin ng hudas na lalaking iyon.

Nakahanap naman kami ng magandang pwesto, bandang dulo na ng canteen mangilan ngilan lang ang kumakain doon. Hinila ko ang upuan at umupo pero si bessy nakatayo padin.

I raised my right eyebrows. "Why?"

She raised her eyebrows too. Sabay lahad ng kanyang kamay. I get it!

Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at iniabot ko sa kanya. Once na inilahad na nya ang kamay niya sa akin nanghihingi na siya ng pambili ng pagkain. She's willing to serve me pero may kapalit kailangan ililibre ko din siya. Mayaman din naman siya pero hilig niya talagang magpalibre sakin.  Sa sobrang close namin I don't need to tell her what I want dahil she knows what I like and I don't like. Di ba napaka sweet ng bessy ko?

Pagkaabot ko sa kanya ng pera ay agad na itong pumuntang counter para bumili. Ako naman habang nakaupo inililibot ko ang aking paningin sa buong paligid, kahit malaki itong canteen namin makikita mo padin naman ang mga naka upo.

Napako ang paningin ko sa isang table,  three tables apart from me, grupo ng mga lalaki apat sila ngunit mas napako ang paningin ko sa isang lalaki.

"Si Timothy kasama sa kanila? How is this happen? This is his first day dito pero kung titingnan mo sila kasama ng mga lalaking iyon ay matagal na silang magkakakilala. Naiintriga na ako sa kanya." Kausap ko sa sarili ko sabay hawak sa baba ko. "Iyong mga kasama niya mukhang galing din sa mayamang pamilya". Dugtong ko pa.

Sa kakatitig ko sa kanila muntikan na akong makita ni Timothy. Tumalikod kaagad ako sa kanila na kunwaring may kinukuha upang di niya ako makita. Nung hindi na siya nakatingin. I decided na lumipat ng pwesto umupo ako ng patalikod para hindi niya mapansin ang presence ko. Sakto dumating na si bessy.

Inilapag ni bessy ang aming pagkain. Takam na takam na ako. One rice with fried chicken kasi ang inorder niya para sa amin. Pagkalanghap ko palang tumunog na kaagad ang tiyan ko.

Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon