Chapter 16: Duty

13 1 0
                                    

Masyado pang maaga ng umalis sina mommy at daddy kaya hindi ko na sila naihatid pa.

"Hayyy, all by myself na naman ako dito sa bahay." Sabi ko habang gumagayak. "Simula nadin pala ng kalbaryo ko sa lalaking 'yon. Humanda siya sakin kapag hindi ko nagustuhan ang mga ipapagawa niya sakin."

Iiwanan ko nalang ng pagkain si Kimche dahil wala itong makakasama ngayon dito sa bahay. Nalulungkot tuloy ako, kung pwede ko lang sana siya isama sa school --

Bigla akong napahinto sa ginagawa ko. "Oo nga pala! My Pet clinic pala kami sa school pwede ko s'yang iwanan doon hangga't sa matapos ang klase ko."

Change plan tayo.

Sinama ko na si Kimche sa school. Pagdating namin pumunta na kaagad ako sa Pet Clinic. Sa kasamaang palad ang pangit ng nadatnan ko.

"Oh amazona! Anong ginagawa mo dito? Hangga't dito ba naman sinusundan mo ako? Masyado mo ba akong na miss?" Sunod-sunod na sabi nito habang buhat buhat niya ang kanyang alagang pusa.

"TSS.. Wag ka ngang feeling d'yan. Kay aga-aga mong manira ng araw." Kasura talaga 'tong lalaking 'to.

"Bakit nandito 'yang aso mo?" Sabi nito sabay layo nilang mag amo sa amin.
TSS.. No doubt mag amo nga parehas abnormal.

"Hmm.. Siguro iiwan ko muna 'yong alaga ko? Ganun naman sa Pet Clinic di ba?" Sarcastic kong sabi.

"Whatever!"

Siya namang dating ng attendant ng Clinic.
"Hmm.. Isang room nalang ang vacant pero pwede naman natin silang pagsamahin sa loob."

"Ano?!" Sabay pa naming sigaw.

"Ayoko nga! Ako ang nauna dito at baka kagatin pa ng alaga niya ang pusa ko." Pagmamaktol nung isa.

"Huh! Baka 'Yong aso ko ang kawawa dahil baka kalmutin naman ng pusa mo!" Kapal nito.

"Don't worry babantayan ko naman sila ng maigi at mukhang behave naman sila parehas."

Wala nadin kaming nagawa kundi ang pagsamahin ang mga alaga namin as loob kahit masama ang loob ko.

Biglang hinagis nito ang  bag niya sa'kin.

"Ayy.." Buti nalang lagi akong alerto kaya nasalo ko ang bag niya.

"Slave na kita ngayon kaya susundin mo na lahat ng utos ko." Dire-diretsong lakad nito. He had a cold faces again.

"TSS.. Pati ba naman pagbitbit ng bag ako pa gagawa? Huh! Unbelievable." Pabulong kong sabi.

Pagdating namin sa room nagtataka ako kung bakit kami pinagtitinginan ng mga classmate ko.

Oo nga pala! Bitbit ko 'yong bag nung isa. Iniabot ko bigla 'yong bag sa kanya baka kung ano pang isipin ng mga classmate ko.

Ang sama ng tingin sa akin ng grupo ni Stacey, mukhang isa pa sila sa poproblemahin ko. Hindi ko nalang sila pinansin at umupo na sa tabi ni Bessy.

Namiss ko 'tong bessy ko.

"Bessy bakit di ka pumasok 'nong nakaraang araw? Worried ako sa'yo." Bungad ko sa kanya.

"Sorry Bessy hindi ako nakapagtext sa'yo umattend kasi ako ng kasal ng pinsan ko. Kamusta na pala ang misyon mo? Hindi ka naman ba pinapahirapan ng mokong na 'yon?"

"This is only the beginning Bessy. I'm his slave for now, kung ito lang ang tanging paraan para mapalapit sa kanya so be it, para lang matapos nadin kaagad ang misyon kong ito."

"I believe in you bessy, basta don't forget that I am always be here for you - your sidekick." She said sabay tapik sa balikat ko. Napangiti nalang ako.

Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon