[ Timothy ]
Samantalang nakabulagta padin si timothy sa sahig. Dinaluhan naman siya ng mga classmate niyang babae.
"Oh my gosh!" Tili ng isang babae.
"Ang kapal naman ng mukha ng babaeng iyon na dungisan ang gwapo mong mukha." Sabi pa ng isang babae. Sabay hawak sa mukha ni ko ngunit tinabig ko lamang ito, ayoko ng may humahawak sa makinis kong mukha.
"I'm okay. Just leave me alone." Sabi ko naman habang tumatayo at pinapagpag ang aking pantalon.
Sa totoo lang ang sakit ng pagkakasuntok sa akin ng babaeng iyon. Grabe naman ang kamao niya parang gawa sa bakal. Feeling ko pumutok ang labi ko sa ginawa niya. Ang sakit din ng panga ko nayanig sa pagkakasuntok niya. Siya palang ang nakagawa sa akin nito. Nilapastangan niya ang pinaka iingatan kong mukha.
Kakabalik ko lang dito sa Xavier University galing US. Dito ako nag aral simula Elementary at High school pero nag-migrate kami pansamantala sa kadahilanang nagka problema sa negosyo namin, dahil stable na ito and we fix everything so we decided to go back here dahil nandito din ang iba naming negosyo. Bumalik ako dahil nandito ang mga kaibigan ko. Buti nalang at pumayag sila just make sure na magbe-behave at hindi ako gagawa ng kalokohan. Pero naniniwala ako na it's part of our lives hindi na mawawala ito nasa nagdadala lang and I just want to enjoy my teenage life.
Galing ako sa masasabing mayaman at kilalang angkan dahil kami lang naman ang nag mamay-ari ng ilang mga resorts, hotel and shipping companies dito sa Pilipinas kaya kahit hindi na ako mag trabaho buong buhay ko ay mabubuhay ako but that's not my goal in life. I want to graduate with a degree para kahit paano ay maging proud sa akin ang mga magulang ko.
Happy-go-lucky ako. Clubs dito, party dito. Only child din ako kaya I can able to do what I want. Syempre dahil only child lang ako sa edad kong twenty ay ako na ang tagapagmana ng lahat ang aming ari-arian pero tuluyang mapapasa akin ang lahat pag tuntong ko ng twenty-one.
I grinned. "You will pay for this! I'll make sure of that."
Nakaramdam ako bigla ng gutom siguro dahil nadin sa pagkakasuntok sa akin ng babaeng iyon kaya nagpasya na akong pumunta sa canteen at baka hinihintay nadin ako ng mga tropa ko.
Pagdating ko sa canteen pinuntahan ko ang sinabing tambayan nila doon at hindi naman ako nabigo dahil nandoon na silang lahat.
Pagkakita nila sa akin ay nakakunot ang mukha nila na ipinagtaka ko.
"Why are you looking at me like that?" Tanong ko.
"What's on your face? Nakipag away ka ba?" Tanong ni Carl.
"This?" Sabay turo sa labi ko. "Gawa ito ng classmate kong babae. She's insane." Sabi ko sabay upo.
Bigla naman silang nagtawanan.
"Hahahaha... The Klein Timothy Villagracia - ang hearthrob ng campus! Sinuntok lang ng isang babae?" Natatawang sabi naman ni Erwin.
"Will you please shut up! Hindi ka nakakatulong. Gusto mong lagyan din kita nito?" Matalim kong titig sa kanya.
"Oh hindi kami ang kaaway mo dito bro! Chill lang." Pagpapakalma naman ni Tyron.
"By the way kilala mo na ba kung sino ang gumawa sayo niyan?" Tanong naman ni Jeff. "Ang ganda naman ng welcome na iyan sayo." Dugtong pa nito.
"I don't know yet. I forgot her surname pero makikilala ko din siya. And she will pay for this."
"Hmm.. Nangangamoy world war III ah!" Pang aalaska naman ni Carl.
"Let the battle begin." Sabay sabay nilang sinabi.
Kailangan makaisip ako ng paraan kung paano makakaganti sa babaeng iyon. Walang sinuman ang pwedeng gumawa sa akin nito kahit babae pa siya. Nilapastangan niya ang pagkalalaki ko.
"Masaya kami Timothy at finally nakalipat ka na dito mas mapapadalas na ang pagsasama nating mag tropa." biglang singit ni Tyron. Badtrip! nagmo-moment pa ako dito eh.
Si Tyron Dela Cruz ang kaibigan niyang mahilig mang chicks walang inatupag kundi maghanap ng mga seksing babae. Sa kanilang apat siya ang pinaka matinik sa chicks. Pero hanggang fling lang, hindi niya sineseryoso ang mga babae kumbaga allergic siya sa commitment kaya walang nagtatagal sa kanyang babae. Kasing edad lang niya ito. Nag mamay ari din sila ng resorts at hotel. Sa katunayan kasosyo sila ng mga magulang ni Timothy. Nakikilala niya ito dahil nadin sa magulang nito.
"Oo nga naman Timothy! Atleast hindi na natin kelangan pang pumunta kung saan para lang mag isip kung saan tayo pwede gumimik." Sabi naman ni Erwin habang kumakain.
Si Erwin Santos naman ang kaibigan niyang mahilig sa kalokohan. In short siya ang mahilig mag isip ng mga kalokohan nila. Siya ang madalas na nag iisip ng mga kalokohan nila. Lumalabas ang kalokohan nita pagdating sa mga babae. Nag mamay ari naman sila ng isang advertising firm. Mas matanda lang ito ng isang taon sa kanila dahil naulit siya ng isang taon sa pag aaral dahil narin sa pagiging pasaway nito. Nakilala naman niya ito sa isang party.
"Kayo talaga wala kayong inatupag kundi gala, chicks o party. Minsan try niyo kaya ngayong semester na walang gala o kung anumang party mag aral kayo ng seryoso. Last year na natin ito." Litanya naman sa amin ni Carl na abala sa pagbabasa ng kung anumang libro iyon.
Si Carl Cruz naman ang genious kong kaibigan walang inatupag kundi ang pag aaral. Sumasama naman siya sa amin sa galaan pero may dala pading libro. Kulang nalang gawin niyang library ang bawat club na pupuntahan namin. Buti at naiintindihan pa niya ang binabasa niya. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko siya. Siguro dahil nadin sa mahilig din akong magbasa. Nagkakilala naman kami sa Library. Nag mamay-ari naman sila ng isang Oil company.
"Hay nako Carl, hayaan mo na sila matatanda na iyan. Alam na nila ang tama at mali." Sabi naman ni Jeff na chill lang na nakaupo habang may suot na earphone sa kanyang tenga na obviously nakikinig ng music.
Si Jeff Santiago naman ang kaibigan kong wala pakialam sa paligid niya, sa mga pinaggagawa namin. He's just always sitting there and watch whatever we do like he doesn't care. Siya ang seryoso sa aming apat. Walang inatupag kundi ang makinig ng music pero matinik din iyan sa chicks hindi lang nagpapahalata. Nag mamay-ari naman ang kanyang pamilya ng isang private bank dito sa pilipinas. Nagkakilala din naman kami sa isang party.
Iba't-iba man ang aming personalidad pero may isa kaming napagkakasunduang lahat iyon ay ang tungkol sa pangangarera. We love car racing actually lahat kami ay sumasali dito. Pero hindi kami lumalaban ng sabay sabay.
Since high school magkakaibigan na kami nahiwalay lang ako sa kanila noong mag kolehiyo na kami dahil nga nagkaroon ng problema sa negosyo namin.Kaya masaya ako na makakasama ko na ulit ang mga kaibigan ko even this is our last year in college.
"So Timothy what's our plan para sa sweet revenge mo sa gumawa sa iyo niyan?" Sabi ni Erwin habang pinapaikot niya sa kanyang daliri ang isang ballpen. Gumagana na naman ang pagiging maloko nito.
"I don't have any idea yet, bakit may naisip ka na ba?." Natatawang sabi ko naman habang kumakain.
"Alam mo namang expert ako sa ganyan. I will tell you later sa club. Dating gawi guys after school." Nakangiting sabi ni Erwin habang itinataas taas pa nito ang kanyang kilay.
"Yun oh!" Sabay sabay nilang sabi maliban kay Carl na napapa iling nalang. Kahit kelan talaga ang kj niya.
"Call.. Gandahan mo iyang plano mo ahh!" Nakangising sabi Timothy.
Ngayon palang na e-excite na ako sa mga mangyayari ..
-----
A/N:
I hope na enjoy niyo ang first 3 chapters. May mga inedit lang akong ibang parts para nadin maayos siyang basahin. Any reactions or violations will be accepted. Chapter 4 coming ...
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
ActionI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...