Pagpasok ko sa aking kwarto ay bumungad sa akin ang napa cute kong aso na si Kimche - half shitzu and half poodle siya. Regalo siya sa'kin ni daddy dahil alam niyang mahilig ako sa aso.
Bigla itong lumapit sa akin at umikot-ikot pati narin ang kanyang buntot. Mukhang gusto niyang maglaro kami.
"Aww.aww.aww"
"Hi baby Kimche, hindi ka pa malalaro ni mommy kasi ang dami ko pang gagawin." Para siyang may isip kasi bigla siyang tumalikod at pumunta sa sulok. Mukhang nagtatampo siya.
"Bukas baby ipapasyal nalang kita sakto walang pasok si mommy bukas." Bigla siyang sumigla at lumapit sa'kin at dinilaan ang paa ko.
"Good dog." Sakto naman ng dating ni bessy.
"Simulan na natin bessy." Kahit kailan talaga 'tong si bessy hindi man lang marunong kumatok.
"Bessy my pintuan ako pwede kang kumatok bago ka pumasok." Sarkastik kong sabi.
"Dami mong alam, nandito na ako sa loob palalabasin mo pa ba ako para lang kumatok?" Tss.. Pilosopo talaga. Kurutin ko singit niya eh.
I rolled my eyes. "Whatever! Let's start. Ako na muna ang ma se-share ng bago kong misyon." Nakatitig lang sa akin si bessy. "Alam ko namang maganda ako bessy, hindi mo na ko kelangang titigan pa." Ang asim ng itsura ni bessy nung sabihin ko iyon.
"Yuck! Bestfriend mo ko pero... Please lang last mo na 'yan." Natawa nalang ako sa kanya.
"Hahaha.. Let's start na nga. Naalala mo pa ba 'yung kaso na matagal ng iniimbestigahan ni Sir Chief 'yung sa Venomus Gang? May nakuha silang lead na may bago na naman daw silang balak biktimahin kaya niya ako ipinatawag dahil ako ang na assign sa misyon na ito kailangan kong bantayan at subaybayang mabuti ang bago nilang subject. Kailangan ko silang mapigilan na makapambiktima ulit." Mahaba kong pahayag.
"Hindi ba masyadong delikado iyan bessy? Konti palang ang impormasyong nakukuha niyo. Mangangapa ka d'yan panigurado. Kelangan maging maingat ka sa kilos mo. Kilala mo na ba kung sino ang bago mong misyon?"
"Alam mo ngayon lang ako minalas ng ganito. Si... Klein Timothy Villagracia ang bago kong misyon. Siya ang kailangan kong iligtas ngayon samantalang siya ang nagpapahirap sa'kin ngayon. Isn't is funny? Isn't it amazing?" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni bessy. Bakit ba naman kasi hindi siya magugulat eh ang mortal enemy ko lang naman ang dapat kong iligtas sa grupong iyon.
"Oh My goooooood! O_O. Seriously? What a small world nga naman. Sa dinami dami ng tao dito sa mundo siya pa talaga ahh."
"Kaya nga bessy eh. Kung hindi lang dahil sa promotion hindi ko naman ito tatanggapin eh. Kaso si Sir Chief alam niyang iyon ang kahinaan ko." Naiinis na naman ako.
"Ano ng balak mo? May naiisip ka na ba?" Tanong niya.
"Wala pa nga eh. Mamaya ko na pag iisipan iyan. By the way ano ng nakalap mong impormasyon sa grupo ni Timothy baka magka idea ako kung ano ang dapat kong gawin."
"Meron akong nakalap na konting impormasyon. Since elementary pala magkakakilala na pala silang lima dahil classmate na sila simula elementary hanggang high school kaya pala ganun nalang sila ka close ng makita natin silang magkakasama, nahiwalay sa kanila ng ilang taon si Timothy dahil nag migrate sila sa ibang bansa for business purposes ngayong okay na ito bumalik na siya dito for good." Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni bessy sana naman may magamit ako for my first move. "Mahilig sila sa Car Racing iyan ang hobby nilang lima." Wish granted kaagad ako, may naisip na akong paraan. "Puro sila galing sa mayayamang pamilya. Happy go lucky walang ginawa kundi uminom at mag clubs dahil isa sa kanila ang nagmamay ari nito, si Tyron. Hanggang diyan palang ang nakukuha kong impormasyon. Dahil si Timothy ang bago mong misyon I will do an additional investigation na makakatulong sayo." Mahabang pahayag ni bessy. Halata naman di ba?
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
ActionI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...