[ Cassy ]
Kinaumagahan ginawa ko muna ang aking daily routine bago tawagan si Sir Chief, alam na nito ang plano ko kaya bibigyan ako nito ng bagong sports car.
Ito ang gusto ko kay Sir Chief galante at hindi kuripot pagdating sa akin.
Dadaanan ko muna sa OSS ang bago kong sports car at ito ang dadalhin ko sa school.
Namimilog ang aking mga mata ng makita ko ito at ng iabot sa akin ni Agent Kenneth ang susi nito.
"Wow ang ganda at astig!" Para akong bata na nakakita ng candy.
"Shempre ako ang pumili. Alam ko ang mga taste mo pagdating sa kotse." Pagmamayabang na sabi ni Kenneth.
I chucklef. "Tss.. Oo na! Alam mo na talaga! Hindi mo talaga ako binibigo pagdating sa ganito."
"Be careful dahil hindi mo pa alam ang pwedeng gawin sa'yo ng misyon mo." Tinutukoy nito si Timothy.
"Don't worry Agent Kenneth I am always be careful. Bakit hindi ka ba sasama sa akin mamaya?" Nagtatakang tanong ko, usually kasi sumasama ito sa akin kapag ganito.
"Sad to say hindi ako pwede ngayon dahil may operation kami mamaya, next time babawi ako sa'yo." He said while smiling and tapping my head. He always do that.
"Ayhe.. Okay lang iyon Agent Kenneth ikaw din mag iingat ka. Balitaan mo nalang ako sa outcome ng operation niyo mamaya. I need to go at malapit na ang klase ko." Sabi ko sabay kaway kay Agent Kenneth at paharurot ng bago kong kotse. Nakita kong kumaway din ito sa akin.
Minsan hindi ko alam kung sa akin lang ba ito ganyan ka concern. Matagal na kaming magkaibigan kaya hindi na ako naiilang dito ngunit lately parang kakaiba ito.
Pagdating ko sa school ay pinagtitinginan ng lahat ang bago kong sports car.
"Sige lang maglaway kayo!" Natatawa kong sabi habang nasa loob.
Sinadya ko talagang Ipark ito sa katabing kotse ni Timothy. Halata namang sa kanya ito dahil hindi din naman ito nalalayo sa aking kotse.
We have same taste..
Pagkababa ko ng kotse nakita kong palapit ito sa akin kasama ang mga kaibigan nito ng may naghahamong tingin. Ginantihan ko din ito.
"Huh! You have guts para tabihan pa ang kotse ko ah! Hmm.. we have same taste." Sabi nito habang nakapamulsa at pinapasadahan ng tingin ang maganda kong kotse.
"Huwag mong maliitin ang kakayanan ko bilang babae. Huh! Baka magulat ka nalang." I said.
Pasalamat ka kailangan kong magpatalo kung hindi, talagang pakakainin kita ng maraming alikabok. Champion kaya itong kinakalaban mo!. Sabi ng isip ko habang nakikipagpalitan ng matatalim na titig dito.
Biglang sumingit si Carl. "Hi Cassiopeia." Ang ganda pa ng pagkakangiti nito sa akin. Napaka genuine. Ngunit muntik na akong mapa ubo sa pagkakasabi nito ng pangalan ko. Buo talaga ah!
Binati ko na din ito. "Hi Carl. Just Cassy nalang para simple." Nginitian ko na din ito. Medyo magaan ang loob ko dito dahil nadin siguro sa gesture na ginawa nito noon sa akin.
Pati ang mga kaibigan nitong sina Tyron,Jeff at Eric ay binati na din ako. Watta a surprise!
Nakita kong dumilim ang mukha ni Timothy at ngumisi ito ng nakakaloko."See you after class Miss Amazona!" Sabay kindat.
I smirked. "Tss.. See you ka d'yan mag classmate tayo kaya maghapon kitang makikita! Pinagsasabi mo! Kumikindat ka pa d'yan dukutin ko 'yang mata mo." Sabi ko sabay walk out.
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
AkcjaI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...