Chapter 14: Celebration

9 2 0
                                    


Pagkababa ni Timothy sa kanyang kotse ay ang lapad ng ngiti nito daig pa nanalo sa lotto.

Tss.. pinagbigyan lang kita dahil kailangan.

Lumapit ito sa akin ng may nagmamayabang tingin. "Paano ba iyan? I win and you lose. I think it was a good fight."

Biglang lapit naman ng mga kaibigan nito  sa amin.

"That was too close Cassy." Sabi ni Carl.

"Oo nga Cassy that was a nice game." Singit naman ni Tyron.

"Yeah baby! You're so cool!" Sabi naman ni Eric at nakipag fist bump pa sa akin.

Tumikhim 'yung isa."Ako ang nanalo bakit parang s'ya kung ituring n'yo ang nanalo?" Naiinis na sabi ni Timothy.

"Bro' just chill, we know that you won but we just amazed by her hidden talent." Jeff said.

Humarap ito sa akin at tinitigan ako ng matalim. "Starting tomorrow you will be my slave so better get ready, and don't you ever dare to escape from me dahil mahanap at mahanap kita."

"Huh.. Is this a threat? But don't you worry trust my words marunong akong tumupad sa usapan." Sabi ko at sinabayan ko din ang matalim na titig nito sa akin.

Napagpasyahan ng grupo na dumeretso sa bar ni Tyron upang i-celebrate ang pagkapanalo ni Timothy. Sagot daw nito ang lahat. Iba na talaga kapag mayaman.

Pagdating namin doon ay pinareserve nito lahat ng VIP room para sa mga kaibigan nito.

Mabuti nalang at medyo sanay ako sa mga ganitong lugar dahil usually sa ganitong lugar ako dinadala ni bessy dahil party gower ito. Hindi nga lang ako umiinom ng alak dahil sa amoy pa lang nasusuka na ako kaya juice lang ang oorderin ko. Suntukan nalang 'pag inabutan nila ako ng alak.

Nagulat ako ng biglang lumapit ang hindi pading makapaniwalang si Carl. "Hi Cassy, I didn't actually expect na ganoon ka kagaling magmaneho." Nakangiting pamumuri nito.

"Ahe.. maliit na bagay, mahilig lang talaga akong magmaneho." I replied while smiling.

Nailang ako bigla dahil sa pagkakatingin nito sa akin. "Hmm may dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Naiilang kong tanong.

Problema ng lalaking 'to? Alam ko namang maganda  ako hindi na niya kailangan pang ipahalata.

Bigla pa itong lumapit lalo 'yung malapit na malapit. Isang dangkal nalang ang pagitan ng aming mga mukha. Bigla akong naalarma.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito? May balak ba itong halikan ako? Kaming dalawa pa naman lang ang tao dito sa loob dahil umorder sila ng makakain.

Aatras na sana ako ng bigla akong pigilan nito. "Don't move." He said with a husky voice.

Hindi tuloy ako makagalaw dahil sa pwesto namin.

Naabutan kami sa ganoong posisyon nina Timothy at mga kaibigan nito.

"Yown duma da moves si Carl." Sigaw ni Tyron na ikinagulat namin.

Napatuwid ako ng upo di oras at napa ubo.
"Wala kaming ginagawang masama!" Depensa ko. Bakit ang defensive ko?

Natawa nalang si Carl sa sinabi ni Tyron.
"Don't give that a meaning, that's nothing may dumi kasi siya sa buhok kaya tinanggal ko." Sabi nito sabay taas ng kamay nito.

Ang sama ng itsura ni Timothy parang magbubuga na ito ng apoy di oras.

"Hoy Carl! Lumayo layo ka nga sa babaeng iyan at baka mahawa ka pa sa pagiging amazona niyan." Singhal nito kay Carl. "Tabi d'yan she's my slave." Dugtong pa nito sabay padabog na tumabi sa akin.

Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon