"Ay kabayo!" nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko.
"Ouch! Ang gwapo ko namang kabayo." Si Carl lang pala. "Anong ginagawa mo dito sa labas? Malamig dito."
"Sorry Carl, nagandahan lang kasi ako dito sa lugar kaya naglakad lakad muna ako, pampababa nadin ng kinain." nakakahiya naman, bakit sa dinami dami ng pwede kong sabihin bakit 'yon pa. Nagulat ako ng bigla nitong hubarin ang kanyang coat at ipinatong sa aking balikat.
"Okay lang ako Carl, no need to do this." nakakahiya naman talaga pero choosy pa ba ako?
"Hindi magandang malamigan ang isang magandang binibini at baka pasukan ka pa ng lamig sa likod." Pwede na ba akong himatayin? As in now na! Why are you so sweet Carl?
"Th-thank you." Iyon nalang talaga ang nasabi ko dahil I am so speechless.
"Halika na sa loob at baka hinahanap ka na nila."
Papasok palang sana kami ng biglang humarang sa dinaraanan namin si Lyka. Ano na naman kayang problema nito?
"Tsk.tsk.tsk may Timothy ka na nga may balak ka pang landiin si Carl?" Sarcastic na sabi nito. Naikuyom ko nalang ang aking kamao, sinasagad talaga ako ng babaeng ito.
"Pwede ba Lyka matuto ka namang ilugar iyang ugali mo? Huwag naman dito sa party ni Carl."
"Lyka please, not in this place, wala kaming ginagawang masama." Pagtatanggol nadin sa akin ni Carl.
"I didn't do anything I'm saying lang naman." Sabi nito at umalis na. Lakas talaga ng sapak niya.
Hinatak ko ulit si Carl sa labas upang ipaliwanag dito ang nangyayari dahil alam kong naguguluhan din ito.
"Dahil sa kaabnormalan ng kaibigan mo pinagpanggap niya akong girlfriend niya para lang daw tantanan na siya ni Lyka pero sa nakikita ko opposite ang nangyayari, ganyan ba talaga siya ka-aggressive?" Paliwanag ko dito mukha namang na gets niya ang sinabi ko.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "Sobrang mahal nila ang isa't-isa noon pero ng dahil sa pagtataksil nila ng bestfriend ni Timothy ay gumuho ang mundo nito, ilang buwan niyang tinalikuran ang mundo, wala kaming naging balita sa kanya until one day bumalik siya na parang walang nangyari pero madami ang naging pagbabago sa kanya pero naiintindihan namin siya. Napakahalaga kasi para sa kanya ang pagtitiwala." Ngayon alam ko na kung bakit ganito ito.
"Salamat sa pagtitiwala na ikuwento sa'kin ang ganyang mga bagay."
"Dahil may tiwala ako sa'yo pero sa atin nalang muna ito ah, ayaw na niya kasing napag uusapan pa ang tungkol dito."
"Makakaasa ka, Carl."
Bumalik na kami sa loob at baka hinahanap na kami pero pagdating namin wala 'yong apat sa pwesto namin. Saan kaya nagpunta 'yong apat na 'yon? Siguro mga nang chicks.
Biglang namatay 'yong ilaw ang natira lang 'yong sa stage. Anyare? Mukhang wala ding kaalam alam 'yong kasama ko dito.
Biglang lumabas 'yong apat ng ......
Naka topless?!!!! (O_O)
Anak ng tinapa! What's the meaning of this?! Bigla namang naghiyawan 'yong mga babae.
"Ang pogi mo talaga fafa Timothy! Akin ka nalang!" Tili 'nong isang babae.
"Ang hot mo talaga Tyron! Iuuwi na kita mamaya." Sabi naman 'nong not so pretty na babae.
"Go Erwin my loves!"
"Go sexy Jeff!"
Aba't may taga cheer pa talaga sila ah! Mukhang walang ding alam dito si Carl dahil nagulat din ito. Di ko maiwasang mapatitig sa kanila. Oh tukso layuan mo ako! Nagkakasala ang aking mga mata sa ginagawa nila. I am not usually doing this pero di ko talaga maiwasang mapatitig sa kanila specially kay Timothy, di ko akalain na magaling pala itong sumayaw, bawat moves niya may s-w-a-g!
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
ActionI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...