EMPIRE ESTATE OF SECRET AGENTS
"Cassy you looked pissed off sinong umaway sa iyo?" Bungad sa akin ni Kenneth. Napansin pala niya. Ganun ba kasama ang itsura ko?
"Hayy nako Ken, (short for Kenneth) masyado bang halata? May bwisit lang kasi sa school."
"Sino naman? Gusto mo resbakan natin? Tara na!". Loko talaga 'tong si Ken.
"Puro ka talaga kalokohan." Napakamot nalang siya ng ulo. "By the way nand'yan na ba si Sir Chief?" Medyo excited lang ako sa bago kong mission. Bakbakan kaya kaagad? Sana ganun nalang.
"Yes kanina ka pa hinihintay." Paktay baka umuusok na ang ilong niya. Iniimagine ko palang natatawa na ako.
"Sige puntahan ko na siya baka nag a-alburoto na 'yun eh".
"Sige kwentuhan mo nalang ako sa mapag uusapan niyo mamaya."
"Huh? Hindi ka ba kasama?"
"Hindi eh, may pupuntahan pa kasi ako. I think it's between you and Sir Chief lang muna. Sige na puntahan mo na at baka nagwawala na 'yun." Haha loko din talaga 'tong si Ken eh parang ako lang.
"Okay sige ingat. I will just update you sa mapag uusapan namin ni Sir Chief."
"Sige. See you when I see you."
Si Kenneth ang naging partner ko since mag start ako bilang secret agent dito sa OSS. Magkaparehas kami sa ilang mga bagay, pero ang pinaka paborito namin ay ang Car and motorcycle racing.
Nagmamadali na akong pumunta sa Headquarters at hindi nga ako nagkamali, ang sama ng tingin sa akin ni Sir Chief.
Lagot ka Cassy!
"CASSIOPEIA LIANNE MONTEFALCON! WHERE HAVE YOU BEEN? WHAT TOOK YOU SO LONG?" Bungad kaagad sa akin ni Sir Chief, daig pa nakakain ng megaphone sa lakas ng boses feeling ko natanggal lahat ng tutuli ko sa tainga.
Sumaludo muna ako. "Sorry na po Sir Chief, kalma ka lang muna sige ka madadagdagan ang wrinkles mo niyan."
Bigla niyang kinapa ang kanyang noo. Haha abnormal din itong si Sir eh, na conscious bigla."Huwag mo kong daanin sa ganyan Cassy, hindi uubra sa'kin 'yan. Umupo ka na at ng makapagsimula na tayo."
"Tss.. Masyadong high blood tumatanda na kasi eh." Bulong ko.
"Ano 'yun? May sinasabi ka?" Lingon sa'kin ni Sir Chief.
"Ahh.. W-wala po Sir Chief, sabi ko po excited na po ko sa bago kong misyon." Segway ko nalang sabay irap ng tumalikid na ito sa akin. Ang bait ko noh? Haha.
Serious mode ON.
May nag flash sa screen, mga lawaran ng mga kabataan na kung titingnan mo ay galing sa mayayamang angkan.
"Ang mga larawan na nakikita mo ngayon sa screen ay mga kabataan na nabiktima ng Venomus Gang, na kung saan kinikidnap nila ang batang iyan kapalit ng malaking halaga." Panimula si Sir Chief.
Seryoso lang akong nakikinig sa kanya dahil ayaw niya ng paulit ulit na explanation. Kasi nga tumatanda na - haha."Hindi rin natin pwedeng i-under estimate ang kakayahan nila dahil pulido silang kumilos, walang bakas na makikita sa ginawa nila. Lahat ay planado. Medyo matagal nadin namin itong iniimbestigahan ngunit mailap talaga sila. Hanggang sa isang araw..." Henebeyen pabitin effect pa itong si Sir Chief.
"May nakalap nalang kaming bagong impormasyon kamakailan kung saan may bago na naman daw bibiktimahin ang Venomus Gang. Kaya kita pinatawag dahil ikaw ang balak kong i-assign sa kasong ito. Malaki ang tiwala ko sayo." Mahabang pahayag ni Sir Chief.
![](https://img.wattpad.com/cover/73053521-288-k285314.jpg)
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
حركة (أكشن)I'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...