Pagdating ko sa bahay napapaisip padin ako sa sinabi ng estrangherong lalaki.
"Mag ingat ka na, mag uumpisa na siya!"
Mag uumpisa ng alin? Possible kayang may nakakaalam na ng sikreto ko? May sumusunod kaya sa akin? waaahh!
Napaigtad ako ng pagkakaupo ng biglang may tumawag sa'kin.Unknown number...
Sasagutin ko ba? Usually kasi hindi ako sumasagot ng mga unknown caller pero parang may nag udyok sa'kin na sagutin ito.
["Yaaaah! What took you so long? Alam mo bang ayoko ng pinaghihintay?"] Sa boses pa lang alam ko na kung sino ito.
"Oh problema mo? Pwede ba wag kang sumigaw!" Makasigaw naman kasi wagas eh.
["Whatever! Pumunta ka dito sa bahay ngayon na!"] sasagot pa lang sana ako pero pinutol na kaagad nito ang linya.
Toot.. toot...toot...
Buset talagang lalaking 'to! Wala nakong nagawa kundi ang gawin ang utos nito - para sa promotion ko!
Hindi na ako nahirapang makapasok sa kanilang bahay dahil nakilala naman na ako ng guard nila 'yong mala-balon ang boses sa sobrang lalim. Kikilabutan ka nalang kapag narinig mo.
Sh*t ... six packs abs! O_O
Naka topless lang kasi si Timothy pagka pasok ko sa loob. Madami na akong nakitang naka topless pero parang mas na attract ako sa katawan nito. Perfect shape ang abs nito pati ang mga biceps niya halatang alaga sa gym. Biglang uminit ang pakiramdam ko pero aircon naman dito sa bahay nila.
"Sabi ko naman kasi sa'yo kuhaan mo nalang ako ng litrato para matitigan mo ng matagal ang katawan ko." biglang napabalik ako sa wisyo ko ng magsalita ito, nakita kaya niyang nakatingin ako sa abs niya? My gaaad! Nakakahiya.
"Aigoo! Pwede bang magdamit ka naman alam mo namang may dadating tapos nakaganyan ka pa." sabi ko sabay talikod. Bakit pinagpapawisan ako.
"Walang masama dahil bahay ko naman ito. I can wear what I want."
"Respeto nalang sa pupunta, arasso! [Okay]" pagkaharap ko ay nakadamit na ito.
Sheteng melegket penegpewesen telege eke!
"Ano bang kailangan mo at pinapunta mo pa ako? Don't tell me ipapahamak mo na naman ako?" Pagtataray ko.
"You're my slave kaya wala kang karapatang mag reklamo, sasama ka sa'kin mamaya sa isang party."
Nangunot ang noo ko. "Party?"
"Yes, party hindi mo ba alam ang party?" Natatawang tanong nito.
"Tss.. I'm not a fool pero hindi ako mahilig pumunta sa mga ganyan." Di ko talaga hilig ang pumunta sa mga party dahil masyadong maingay.
"Kung ayaw mo edi aalisin na kita sa grupo madali lang akong kausap." bigla akong naalerto ng bigla itong tumalikod kaya kahit labag sa kalooban ko -
"Cha-kka-man! [Wait] ikaw naman di ka mabiro shempre pupunta ako." nakita kong nagbago ang itsura nito mukhang ginu-goodtaym na naman ako nito.
"Good! Ayusin mo ang damit mo ah! Huwag mo kong ipapahiya kung hindi pahihirapan kita." pananakot nito as if namang matatakot ako sa kanya.
I decided na ako nalang ang pupunta sa kanya kaya umuwi na kaagad ako at nag ayos na. Buti nalang kahit paano may mga dress ako halos si mommy lahat ang bumili nito kaso masyado namang sexy ang mga ito. Pinili ko nalang 'yong long black backless dress with cross straps sa likod at may slit hanggang sa taas ng hita. Simple but elegant, kaso baka naman pasukin ako ng lamig sa likod nito.
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
ActionI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...