Chapter 11: Following You

9 2 0
                                    

[ Cassy ]

Araw- araw akong dumadaan dito sa bahay ni Timothy upang tingnan kung may kahina-hinala bang tao na umaaligid sa bahay nila ngunit wala naman akong nakita bagkus nakita ko s'yang may kausap sa labas ng bahay nila.

Isang babae. Magandang babae. Sa tingin ko same age lang kami. Nagtago ako sa isang puno para hindi ako makita.

Heto na naman ako! Nagtatago sa puno na parang tanga. Ganito talaga ang buhay ng isang agent dapat maging invisible ka sa lahat.

Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila ngunit kung titingnan mo ang expression ng kanilang mukha para silang nagtatalo, lalo na si Timothy.

Galit na galit siya. What's with that girl?
'Yung babae naman parang nagmamakaawa sa kanya.

Hangga't maaari I don't want to involved myself for his personal life pero dahil sa trabaho ko kailangan kong malaman lahat ng tungkol sa kanya.

It means kahit sa mga ganitong scenario dapat binabantayan ko s'ya. Maswerte sya at may nagbabantay sa kanya ng palihim ah. He should thank me for that.

Bigla itong sumakay ulit ng kanyang kotse kaya mabilis din akong pumunta sa kotse ko at sinundan kung saan man sya pupunta.

Nandito kami ngayon sa Bar ng kaibigan niya. Pinabayaan ko lang sya, pumwesto ako sa isang lugar na hindi nya ko mapapansin ngunit nakikita ko sya.

Ano kayang connection nilang dalawa nung babae? Girlfriend niya kaya ito? Pero kung girlfriend niya ito hindi dapat ganoon ang treatment niya dito.

O di kaya naman isa sa mga babaeng nagmamakaawa na mahalin niya?

Hay nakoo. Kawawang babae, if I were her hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa isang lalaki. I don't deserved to be treated that way.

After an hour lumabas na ito ng VIP room ngunit pasuray-suray na ito kung maglakad.

"Tss.. Iinom inom hindi naman pala kaya." Sabi ko.

Uminon lang ako ng juice ng biglang may kung anong komosyon na nangyayare,  pag lapit ko pinagtutulungan na pala sya ng apat na lalaki.

What a war frick boy!

I don't have a choice. I should help him at mukhang di na nya kaya dahil sa kalasingan nito.

Babangasan ko talaga sya para magtino eh.

Lumapit ako dahil may ihahampas na naman 'yung isa nitong kasama

" Hoy mga unggoy! Mag bakla ba kayo? Isa lang s'ya tapos kayo apat? Kung hindi ba kayo mga abnormal?" Sabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin. Hindi na nito naituloy ang gagawin.

Nakita ko s'yang nakaluhod na putok nadin ang labi nito.

Tsk.tsk.

"Hoy babae wag kang mangialam dito baka gusto mo ding tamaan!" Sabi nung mukhang sangganong leader nila.

"Eh paano kung gusto kong mangialam? May magagawa ka ba?" Sabi ko naman.

Mukhang masusubukan na naman ako ah.

Lumapit muna ako ng kaunti kay Timothy upang harangan siya.

Let's do this ....

Sumugod sa akin 'yung leader nila ngunit bago pa niya nagawa iyon ay nahawakan ko na ang kanyang kamay at binalibag,  kahit mas malaki ito sa akin nakaya ko iyon dahil I am well trained sa ganyang bagay.

Sumugod din 'yung dalawa niyang kasama at balak akong suntukin ngunit pumatong ako sa mesa at tumalon upang masipa 'yung isa at the same masuntok ko din ang isa kumbaga hitting two birds with one stone.

Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon