[ Timothy ]
Habang kumakain kami ng mga kaibigan ko napatingin ako sa isang mesa malapit sa amin akala ko 'yong amazona ang nakita ko, namalikmata lang siguro ako.
"Pre sino ba iyan tinitingnan mo at humahaba ang leeg mo?" Tanong ni Tyron.
"Wala akala ko kilala ko." Pag-iiba ko nalang.
Pagkatapos namin kumain ay nagkanya-kanya na kaming punta sa aming klase.
"Oh guys remind ko lang 'yong gimik natin ah!" Pagpapaalala ni Tyron para sa gimik namin mamaya.
"Sige." Sabay-sabay naming sabi bago kami nagkahiwa-hiwalay
Habang naglalakad ako pinagtitinginan ako ng mga babae 'yong iba nagpapapansin pa sa akin. Until now masasabi ko pa din na kahit kailan hindi nawala at hindi mawawala ang charisma ko sa mga babae even I'm gone several years in this school. Chill lang girls! Masyado naman kayong nahuhumaling sa akin.
Pagpasok ko sa last subject namin humanap ako ng upuan at umupo. As usual 'yong mga classmate kong babae laging nagkakandaugaga sa pag-alok sa akin ng mauupuan but I always resist it dahil ayoko sa lahat 'yong may nagdidikta sa ano mang gusto kong gawin so I decided na sa bandang likuran umupo.
Ilang sandali pa dumating na si amazona, kasama ang kaibigan nito. Because I don't know her name yet iyon muna ang itatawag ko sa kanya. Pagpasok nito ay papunta ito sa direksyon ko. Naalarma ako baka gumanti ito dahil sa ginawa kong pagpatid sa kanya kanina. Yes, I did that mukhang masarap kasi siyang pagtripan at dahil nadin sa bastos na pakikipag usap nito sa akin. Ngayon lang ako napahiya ng ganito. No one can resist my charm. Palapit ito ng palapit sa akin, nakayuko lang ako na kunwaring may ginagawa until huminto nga ito sa harapan ko.
Tumikhim ito. "Eherm.. Excuse me that's my seat." Sabi niya sa akin na nag paangat ng ulo ko.
Nakita ko na ang sama na naman ng tingin nito sa akin, dapat alerto ako at baka may gawin na naman itong hindi maganda hindi pa nga ako nakakaganti ulit sa ginawa niya. Ang sakit padin ng labi ko. I act casual.
"Oh.. Sa pagkakaalam ko miss walang name na nakalagay dito kaya umupo ako. Madami namang upuan diyang iba." Sabi ko na lalong nagpakunot ng noo nito. Ngayon palang nagugustuhan ko ng nakikitang naaasar siya.
"If you don't know we have seat plan so I assumed na doon ka pa banda sa likod Mr. Villagracia?" Sambit nito at talagang pinagdiinan pa niya ang pagsabi sa apelyido ko.
"Oh.. I see." Sagot ko naman. Nginitian ko siya ng ubod ng tamis may bigla kasing pumasok sa isip ko. Napansin ko na nadako ang pansin nito sa labi ko nakita na nya ang bunga ng ginawa niya sa akin.
"Pero kung gusto mo pwede ka namang kumandong sakin." Dugtong ko. Nakita ko na namula ito. Mukha siyang sili. I enjoyed making annoyed her.
She raised her right eyebrows. "Aba! Mukhang gusto mo pa atang makatikim ng suntok ulit eh." Sagot nito. Napalakas ang pagkakasabi niya kaya napukaw na naman niya ang atensyon ng iba ko pang mga kaklase but she don't mind them.
Dahil sa narinig ko biglang nagpanting ang tainga ko. Tumayo ako at tumingin ng matalim sa kanya.
I grinned "Miss amazona.. No one ever try to do that to me. And you will pay for this in a sweetest way." Sabi ko sabay tayo at talikod sa kanya. Humakbang ako ngunit hindi pa ako tuluyang nakalayo ay bumalik ako at ginawa ang sweetest revenge ko.
Let's do this .. Humakbang ako palapit sa kanya hinawakan ko ang kanyang pisngi at ..
Hinalikan ko siya...
That's what I called my sweetest revenge.
Lahat ng mga kaklase ko nagulat sa ginawa ko. But I don't care ang mahalaga nakaganti na ako sa kanya, 'yong ganting hindi niya malilimutan. Nagkamali siya ng binangga.
Naiwan siyang tulala na tila natuklaw ng ahas. That's exactly reaction what I want to see. Finally I made it! Pagtingin ko sa mga kaklase ko mga naka nga-nga sila. I always made them surprise.
Pumunta ako sa likod upang umupo na parang walang nangyari. Kinuha ko nalang ang aking cellphone at nakinig ng music. Ng tingnan ko ulit siya ay dinaluhan na ito ng kaibigan niya. Sobrang sama ng tingin niya sa'kin parang gusto na niya akong patayin. Lalapit sana siya sa'kin ngunit dumating na ang professor namin. Nakahinga ako ng maluwag save by the bell!
After class sumibat na kaagad ako at baka makahanap pa si Amazona ng pagkakataon upang gumanti sa'kin. Paglabas ko dire-diretso ako sa kotse ko at tinext nalang ang mga kaibigan ko na sa club na ako didiretso.
ME: Guys! Diretso na kayo sa meeting place natin sa club may good news ako sa inyo. I'ved done my first move.
SENT TO: Tyron, Jeff, Erwin, Carl.
Hindi ko na hinintay ang mga reply nila. Sobrang excited na'ko sa mga mangyayare pa, alam kong hindi lang siya mananahimik sa isang tabi at hahayaan nalang ang ginawa ko. Kailangan mapaghandaan ko iyon.
Pumasok ako ng kotse binuksan ang makina at pumunta sa meeting place namin.
Mabilis akong nakarating sa aking paroroonan. I just arrived in 15 minutes. Dito lagi ang tambayan namin sa G-Scot Club na pagmamay-ari din ni Tyron kaya I don't need anything para lang makapasok dito.
Pagpasok ko ang dami na kaagad tao karamihan mga estudyante galing sa iba't-ibang school. Napapalibutan ito ng tatlong kilalang university kaya ito ang madalas dayuhin ng mga estudyante 'yong iba nga naka uniform pa.
May mga lumapit kaagad sa aking mga babae at inaaya akong umupo but I refuse. They are too cheap for me to give my attention. Pero may isang nakaagaw ng aking pansin.
"Hey Timothy, your here." Sabi ni Clarisse sabay halik sa pisngi ko na ikinagulat ko. Sabay kapit din sa braso ko.
"Oh... Yes I'm with my friends. Nice to see you here. Just enjoy your staying here." Sagot ko naman. Grabe pala itong babaeng ito. Looks can be deceiving.
Kumalas kaagad ako sa pagkakakapit nito sa braso ko dahil naaalibad-baran na ako.
"Ah .. Sige I have to go. Baka nand'yan na iyong mga kaibigan ko." Sabi ko sabay alis dahil kung magtatagal pa ako baka kung saan pa mapunta ang usapan.
"See you around." Pahabol nito habang winawagay niya ang hawak na baso.
Mukhang lasing na siya. Bakit ba naglalasing ang babae? Dahil ba sa trip lang nila? O baka naman may problema? O dahil broken hearted? Ano mang rason nila I don't care dahil may sarili akong trip.
Mahilig ako sa fling pero mapili din naman ako sa babae, nakikipag fling lang ako sa mga kilalang babae. Hanggang fling lang ako, no commitment whether they like it or not. Allergic ako sa salitang iyon dahil naniniwala ako na ang commitment ay para sa mga tao na gusto ng patali at ayaw ko niyon.
My VIP Room para sa aming magkakaibigan pagpasok ko ay nandoon na pala silang lahat. Ang mga ugok di man lang nag reply akala ko pa naman ako ang mauuna. May usapan kasi kami palagi na kung sino man ang mahuli sa pagdating ay siya ang sasagot ng lahat. So dahil huli ako at mukhang napagkaisahan ako. Sagot ko lahat. Di bale may good news naman eh.
"Yown! Nandito na si Timothy. Kumpleto na ang grupo. Alams na!" Kantyaw ni Erwin.
"For all I know pinagkaisahan niyo talaga ako." Sambit ko sabay upo at bukas ng beer.
"What's the good news 'bro?" Tanong ni Tyron.
Tumahimik silang apat.
"I'ved done my sweetest revenge." Pagmamalaki ko.
"What did you do?" Excited na tanong ni Tyron.
"I just ..." Pabitin epek ko pa. "Kissed her." Pagtatapos ko.
Bigla silang nagsigawan at tinapik tapik pa ako sa balikat except kay Carl na seryoso lang nakatingin sa akin.
"Woah! Iba talaga ang charisma ni Klein Timothy Villagracia!" Sabi naman ni Erwin sabay taas ng isang baso ng beer.
"Let's toast for that!" Sabi ko naman at sabay sabay naming itinaas ang mga hawak naming beer. Sa wakas nakisama nadin si Carl kahit kailan talaga ang weird niya.
----
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
ActionI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...