Bumalik ako sa loob na parang wala sa sarili.
Hindi ako pwedeng magkamali siya talaga iyon! Pero anong ginagawa niya dito? Bakit pa siya bumalik? Hayyysss..
Hindi ko na namalayan na lumapit na pala si Timothy sa'kin.
"Huy! Anong nangyare sa iyo at tulala ka d'yan? Huwag mong sabihin ... hindi ka pa din maka get over sa ginawa ko?" Sabi nito habang naka evil grin.
"Pssh.. Huwag mo akong simulan kung ayaw mong makipagpalit ng mukha sa palaka!" Lakas manura talaga ng lalaking ito eh.
"Huhuhu.. Takot ako!" Pang-aasar pa nito.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi padin mawaglit sa aking isipan ang pagkikita naming muli ni Patrick Hernandez.
Siya ang first love ko, since high school hinahangaan ko na siya dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan nito. Masasabi ko na talagang matindi ang paghanga ko sa kanya.
Madaming humahanga sa kanya, naging close pa lalo kaming dalawa kaya ang paghanga ko ay napunta na sa love. Napaka sweet niya sa akin lagi pa kaming magkasamang gumagawa ng mga projects at assignments sa school. Napagkakamalan na nga kaming magkasintahan.
Sa isip ko sana totoo na nga lang na kaming dalawa. Dumating pa sa point na gusto ko ng umamin ng nararamdaman ko sa kanya. Handa na ako eh! Handang-handa na ako ngunit ...
Isang kasinungalingan lang pala ang lahat! Isang malaking palabas lamang!
Isang pustahan lang ng mga kaibigan niya.Noong oras na aamin na ako sa kanya, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nadinig ko silang magkakaibigan na nag-uusap.
[4 years ago]
"Ano napa-ibig mo na ba si Cassiopeia?" Tanong ng kaibigan nito.
Nang madinig ko sila ay nagtago ako sa likod ng pintuan.
"Malapit na mga 'pre, hindi naman mahirap eh easy nga lang, mukhang hulog na hulog na nga siya sa akin eh. Hahaha Oh! Yung pustahan natin ah! Ihanda mo na 'yong kotse na ibibigay mo sa'kin" sabi ni Patrick.
"Oo ba! Nakahanda na!" Sabi ng kaibigan nito at nagtawanan pa sila.
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa aking nadinig. Siya ba talaga iyon?! Si Patrick Hernandez na hinangaan ko na ng sobra, muntik na pala akong gumawa ng isang napakalaking katangahan buti nalang at nalaman ko na ang plano nito.
Dahil sa hindi ko na napigilan ang aking emosyon ay lumabas ako sa aking pinagtataguan at lumapit sa kanila ng may pagkagulat sa kanilang mga mukha at binigyan ko siya ng isang malakas na suntok.
"Go to hell!" Sigaw ko sa kanya.
---
Bumalik ako sa aking katinuan ng biglang lumapit ulit sa akin si Timothy at inabutan ako ng isang bote ng alak. May kung anong nag udyok sa akin upang kunin ito. Nagulat ito sa ginawa ko.
"Pss.. Hindi daw umiinom, kunyari pa." Sabi nito.
"Pagbibigyan lang kita at baka umiyak ka pa d'yan eh" sabi ko. First time kong iinom ng alak pero sige dahil feeling ko kailangan ko ito kahit ngayon lang.
Lumagok ako at .. "Hayyyss.. Sobrang pait naman nito." Masuka suka ko pang sabi.
"Walang matamis na alak, lahat mapait." Sabi nito.
"Tss.. Paano niyo ba natitiis ang lasa nito eh kay pait pait naman?"
"Sa una lang naman iyan, sa katagalan parang tubig nalang iyan sa'yo."
BINABASA MO ANG
Keep Calm I'm A Secret Agent (On Going)
AzioneI'm Cassiopeia Lianne Montefalcon. 20 years of age. Im not a typical girl I'm not a girly type pero hindi naman ako tomboy mas gusto ko iyong ma aksyon na buhay para may thrill.. - because I'm a secret agent. Tahimik lang ang aking buhay until dum...