CHAPTER 2

23 0 0
                                    

     

               NAKA-UPO siya sa sofa habang nagsusuot nang sapatos.  Lumapit sa paanan niya si Dash at hinalikan ang sapatos nito,  napa-ngiti siya ng makita ang ginagawang iyon ni Dash.

Dali-dali niya itong binuhat at linagay sa kanlungan niya.
"Mag-e-enroll lang ako.  Tapos pagbalik ko laro ulit tayo huh?  Male-late na ako eh,  bye."  Hinalikan niya muna si Dash at saka ito binaba.

Tumayo na siya at pinagpag ang kanlungan niya kung saan niya nilagay si Dash kanina.  Sinukbit na niya ang paborito niyang bag sa kanyang balikat.  Hinanap niya din ang plug ng headphone na nasa leeg niya,  nilabas niya ang cellphone niya at pli-nug yong headphone.

"Mom alis na ako."  Sigaw nito.  Hindi na niya hinintay ang sagot nang ina,  tumakbo na ito palabas nang bahay.

Nang maka-labas na siya sa gate ay sinipat niya muna kung naisara nang maayos ang gate nila.  Tinanggal niya ang headphone sa leeg niya at pinatong iyon sa ulo niya.  Pinindot niya yong play kaya may music na,  na lumalabas dito.

Nag-co-commute lang siya papuntang SU dahil hindi ito pinayagang mag-drive nang Mom niya.  Napaka-over protective ni Time sa kanya.  Nilalakad niya hanggang makarating siya sa gate ng subdivision nila,  hindi din siya pinapayagang makisabay kay Ash dahil sabi nang Mom niya ay exercise iyon para sa kanya.

Nasanay naman na din si Jaydee sa paglalakad sa loob nang subdivision nila,  pagpasok at pag-uwi galing sa school.  Masyado siyang ini-spoiled nang Dad niya sa mga bagay-bagay,  pero sa pagdedesiplina ay mangunguna talaga ang Mom niya.

May kapatid si Jaydee,  hindi niya ito tunay na kapatid pero kung magturingan ang mga ito ay parang magka-dugong magka-dugo talaga sila.  Siya si Shoon Shin,  mas pinili niyang mag-aral sa LA dahil sa kinukuha nitong coarse na modeling.

Nasa highschool pa lang si Jaydee ngayon.  Malayong-malayo ang agwat niya sa edad ni Shoon Shin.  Malaki na ang improvement nang SU ngayon dahil mas pinalawak na ito.  May highschool na din sa SU hindi tulad nuon na college lang.

Nang makarating siya sa gate ay nag-bow siya sa naka-duty na guard duon.  Halos kabisado na niya din kung sinong guard ang naka-duty duon dahil araw-araw siyang naglalakad. 

Konting lakad pa ang kaylangan para marating ang hintayan nang bus papunta sa direksyon nang SU.  Pinindot niya yong pause at tinanggal ang headphone sa ulo niya saka binalik sa leeg nito.

Umupo siya sa bench at nilinga ang paligid,  madaming tao din ang naghihintay duon.  Mukang may mga kasama din siyang estudyante,  dahil malamang ngayon ang unang araw ng enrollment sa SU.  May mga grupo at may nag-iisa lang tulad niya ang nag-aabang duon.

"Ang gwapo niya talaga,  sana mapansin na niya ako."  Sabi nang isang babaeng naka-upo sa isang bench malapit sa kinaroroonan niya.  Tatlo ang babaeng naroon habang pinagmamasdan siya.

Napalingon siya sa direksyon nang mga babaeng nag-uusap.  Impit na tumili yong isa habang kagat ang daliri niya nang mapag-tantong sumulyap sa direksyon nila si Jaydee.  Ngumiti si Jaydee kaya yong isang babae ay niyugyog ang katabi niya dahil sa kilig na dulot ni Jaydee.

Madaming nagkaka-gusto kay Jaydee,  dahil mabait ito at pala-ngiti.  Minsanan lang siya nagseseryoso,  may mga kaybigan din ito pero halos lalaki.  At isa pa ay ayaw nang Mom niya na magka-girlfriend siya dahil masyado pa siyang bata para sa bagay na iyon.

Masyadong masunurin si Jaydee lalo na sa Mom niya dahil ayaw na ayaw nito ang nagagalit si Time.  May nagugustuhan siyang babae pero mas matanda sa kanya,  nasa college building ang babaeng yon kaya hanggat sulyap na lang muna siya.

Between Love and HateWhere stories live. Discover now