AVOIDANCE

19 1 0
                                    


ALTHEA:









                  HAYS! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi na nga ako pumasok sa klase ko kahit may mga natitira pa akong ilang oras sa klase.



Parang lahat nang dugo ko umakyat sa muka ko. Hanggang ngayon ang init-init pa din nang mukha ko. Wala na akong nagawa basta umuwi na ako. Bukas ko na lang sasabihin kay Ms Castro kung bakit hindi ako umatend ng klase niya.













*FLASHBACK*


             PUMIHIT ako paharap sa kanya. Naka-tingin lang ako sa kanya na parang hindi talaga maka-paniwala na sinabi niya yon sa akin.





"A-Anong sabi mo?"  Tanong ko sa kanya.







"Saranghae. Kahit hindi ko alam yon, pero sigurado naman akong maganda ang ibig sabihin nun."






Gustong-gusto kong umiyak kasi narinig ko na yon sa kanya kahit hindi niya alam ang ibig sabihin.









*END OF FLASHBACK*













"AAAAAAAAAHHHHHH! NAG-I LOVE YOU SIYA SA AKIN."  Pinanggigilan ko yong unan na hawak ko at tumalon-talon sa ibabaw ng kama.














"Ay kaya naman pala."  Napa-tigil ako sa pag-talon at lumingon sa pintuan. Naka-tayo doon si Manang.






"Akala ko kung ano nang nangyari sayong bata ka."  Umiiling na sabi ni Manang.






Lumabas na siya ng kwarto at sinara ulit ang pinto. Napa-ngiti na lang ako. Ganito pala ang feeling kapag kinikilig ka.














Gustong-gusto kong sumigaw at magwala.




































JAYDEE:



               SINULYAPAN ko ulit ang upuan niya sa likod ko. Anong nangyari sa babaeng yon at hindi pumasok ngayong may natitira pa kaming subject.





"Wala akong makukulit ngayon kasi wala si Girlfriend."  Naka-ngusong sabi ni James.







"Bro. Alam mo ba kung nasaan siya?"  Tanong niya sa akin. Umiling lang ako.
























"Teka. Uy!"  Tawag niya sa akin habang paakyat ako nang hagdan. Kadadating ko lang at eto ang Jackson na to sinusundan ako.





"Ano bang kaylangan mo? Gusto mo bang dagdagan ko ang pasa sa mukha mo?"  Tanong ko sa kanya.





"Huwag mo nang dagdagan. Nagiging dalmatian na nga ako. Si Tia? Hindi mo ba kasamang umuwi?"  Tanong niya.



Naalala ko na naman yong mukha niya kanina. Ano ba kasing ibig sabihin ng saranghae?






"Hindi siya pumasok kanina pagkatapos ng break time. Baka nandito na siya. Anong ibig sabihin ng saranghae?"  Tanong ko sa kanya.




Tumikhim siya at ngumiti.
"Kung sinabi yan ni Tia sayo. Huwag mo nang subukan tanungin aa akin kasi hindi ko naman talaga yan sasagutin. Hayaan mong balang araw ay sabihin niya ang ibig sabihin nang salitang yan sayo. Be patient."  Sabi niya sa akin. Tinapik niya ako sa balikat at nauna nang nag-lakad paakyat






Between Love and HateWhere stories live. Discover now