SHOPPING

15 0 0
                                    



JEYROL DEAN FUENTES:




             PAKI-RAMDAM ko sumasakit ang ulo ko.  Hindi ako naka-tulog ng maayos kagabi,  ang ingay nang dalawang yan sa kabilang kwarto.






"Oh anak.  Ba't ganyan ang muka mo?  Para ka nang zombie."  Sabi ni Mom sa akin.





Ba't di niyo sisihin ang dalawang yan.  Nakatingin lang sa akin si Tia habang bahagyang sinisiko siya ni Jackson.



Kahit sa hapag-kainan nag-aasaran pa din sila.  Umupo na ako sa tabi ni Mom.





"Pasensya na.  Maingay ba kami kagabi?"  Tanong niya sa akin.



Tinignan ko lang siya nang seryoso.  Tumikhim siya at umayos ng upo.




"Hindi naman maingay,  sobrang tahimik ng kwarto niyo.  Na aakalain mong sa sobrang tahimik parang may world war III."  Napakagat naman siya sa ibabang labi niya.




And I can't take off my eyes on her lips.  Fuck!




"Can you stop biting your lips.  Hindi bagay sayo."  Sabi ko at inirapan siya.



Pinalo naman ako ni Mom sa balikat habang si Dad nag-pipigil ng tawa.







"Anong nakakatawa don?"  Tanong ko.  Biglang tumikhim si Jackson para mabaling sa kanya ang atensyon ko.




He's now glaring at me using his dark aura.  Hindi naman nakakatakot.







"Guys!  Let's eat.  Son samahan mo sila mamaya sa mall.  They need to buy clothes and school supplies."  Sabi ni Dad.



Wala na akong magagawa doon.  Tumango na lang ako.  I thought umuwi si Tia sa empyernong buhay.  Well welcome me also.





Jaydee welcome to hell,  living with Tia is hell.  Tapos makikipag-kaybigan pa ako sa kanya.  Grabeng pahirap to para sa akin.





"Mall."  Dinig kong sabi ni Tia kay Jackson.




"Oo mall.  Papalibre ka lang sa akin e!"  Tumawa naman si Tia.



Kung kagabi nag-aaway sila,  ngayon magka-sundo na sila.  May tawanan pang nagaganap.



"Hey!  Guys do you have special feelings for each other?"  Sumimangot naman si Tia sa tanong ni Dad.




"No Tito.  Were just friend."




"Special friend."  Mabilis na sabi ni Jackson.





"Walang hiya,  special friend ka diyan.  Lagi mo nga akong inaaway."  Inihiwalay ni Tia yong mga karne sa ulam niya.




"Di ka kumakain ng karne?"  Tanong ni Jackson kay Tia.




Umiling lang si Tia.  Kinuha ni Jackson ang mga karne sa plato ni Tia at sinubo iyon.




"Ang takaw mo alam mo yon?"  Ngumiti lang si Jackson.




Nakakawala nang gana ang ginagawa nila.







"WAAAH!"  Sigaw ni Tia.  Tumayo siya at umatras.



Napatayo na din kami.
"Why?  Anong nangyari?"





Sinilip ni Tia sa ilalim nang mesa.
"Dash tinakot mo ako."  Sabi niya.




Between Love and HateWhere stories live. Discover now