PINAG-PANTAY niya ang paa niyang naka-tapak sa sahig ng Incheon airport sa Korea. Uuwi na siya ng Pilipinas ngayon gaya ng nais nang kanyang ama.
Muli siyang sumulyap sa Tito niya na naka-tayo sa malapit duon sa kotse nila. Nakatitig ito kay Tia na nasa bukana na nang airport. Bumalik ulit si Tia duon at niyakap ang kanyang Tito.
"I will missed you, I swear." Sabi ni Tia habang naka-yakap pa din dito. Kumalas ang kanyang Tito sa pagkakayakap sa kanya at tinapik ito sa balikat.
"I know your a big girl now. You can now defense yourself, like what your Dad taught you. And I'll missed you too Tigress." Muli ay niyakap niya ang kanyang Tito.
"I will beat them all Tito. Don't worry about me, Tito Ash will be there." Nag-bow na siya sa harap nang kanyang Tito saka nagpasyang maglakad na palayo.
Ngunit hindi pa din niya napigilang lumingon sa kinaroroonan ng kanyang Tito. Kumaway muna si Tia at ganoon din ang kanyang Tito.
She decided na paimbistigahan ang bahay nila at baka sakaling may mga naiwang ibedensiya doon ang pumatay sa kanyang mga magulang. Habang nag-aaral siya sa Pilipinas ay naroon naman ang Tito niya para kalapin ang mga impormasyong makukuha ng mga imbestigador.
Pumasok na siya sa loob at chi-nek ang kanyang mga passport. Hindi na siya nagdala ng gamit dahil ayaw niyang makita ng Tito Ash niya ang mga iyon.
➖
Umupo na siya sa designated niyang pwesto. Sa may bintana siya umupo para makita ang ulap sa himpapawid.
"Miss bag mo ba 'to? Baka naman gusto mo akong paupuin." May halong pagka-sarkatikong pag-kakasabi nang binata.
Tinignan siya ni Tia mula ulo hanggang paa. Matangkad ito at maputi, naka-leathered jacket ito at may suot na salamin na para bang isa siyang artista.
"Miss. Alam ko namang gwapo ako at pwedeng pakisara naman yong bibig mo tulo na kasi ang laway mo." Napa-hawak si Tia sa kanyang bibig. Nang mapagtanto niyang wala naman talagang laway ang kanyang bibig ay sinamaan niya ng tingin ang lalaking naka-tayo.
Padabog niyang kinuha ang kanyang bag at pinatong sa kanyang lap. Lumingon na lamang ito sa bintana at hindi na pinansin ang lalaking mayabang na iyon.
Pagka-upo nang binata sa tabi ni Tia ay tinanggal na niya ang kanyang salamin. Napa-tingin si Tia kanyang katabi.
"Hi." Bati sa kanya nang lalaki.
"Sorry for being rude, I'm Jackson by the way. Tawagin mo na lang akong Jack mas cool yon." Naka-ngiting sabi niya kay Tia.
Litaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Ngumisi lang si Tia.
"Althea." Sabi niya at muli nang lumingon sa katabi niyang bintana.
Dinukot ni Tia ang kanyang cellphone sa likurang bulsa ng suot niyang jeans. Pinailaw niya iyon at bumungad sa kanya ang edited na picture ni Jaydee nuong bata-bata pa lang sila.
YOU ARE READING
Between Love and Hate
Teen FictionDi mo aakalaing sa likod nang maamo niyang mukha, natatago ang kakaibang katauhan na hindi mo gugustuhing makita. The New Generation Jeyrol Dean Fuentes and Althea Cheon