ALTHEA:
NAKA-SIMANGOT lang ako habang nakasunod sa kanya. Pauwi na kami ngayon. Tatlong hakbang mula sa kinaroroonan niya, ganoon ang layo ko sa kanya.
Hindi niya ako pinayagang sumama kay Lucas doon sa gym malapit sa school.
"Sige na kasi Jaydee. Minsan lang naman akong sumama sa kanila. Tapos alam ko naman na hindi nila ako pababayaan e." Huminto siya at mataman akong tinitigan.
Napayuko na lang ako. Papagalitan na naman niya ako.
"I said if I go with you, you don't want too. Pero ang hayaan kitang kasama ang dalawang yon, out of limits Tia." Maowtoridad niyang sabi.
"Oh, si Jaydee." Sabi ni Aiden nang magkasalubong na naman sila sa daan.
Nandito na naman ang kumag na 'to. Sa lawak ba naman ng mundo, sa dinami-dami nang pagkakataon sa oras pa naman na kasama ko siya.
"May kasama ka pala. Mukhang nagiging masaya to."
"Kung aawayin mo na naman ako tungkol sa past, sa ibang araw na. At wag sa harap ng girlfriend ko." Tinignan ko lang kung anong magiging reaksyon nung kumag na mukhang bakulaw.
"May girlfriend ka pala? Kung ganoon pinapaboran na ako ng tadhana. Mukhang may aagawin din ako." Natatawa niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Susugurin ko sana siya ng hawakan ni Jaydee yong bag ko para pigilan ako.
"Teka lang. Bitawan mo nga ako, I just want to tell him na hindi ako yong babaeng easy to get. Tapos ang mapupuntahan ko mukhang paa, tapos ang pangit na ng mukha pati pa naman ugali." Sabi ko sa kanya at inirapan siya.
Humalukipkip ako. Hawak hawak pa din ni Jaydee yong bag ko.
"Ang tapang nang girlfriend mo. Pero Miss, be careful what word you describe me. Eto? Ang mukhang ito ang pinagkakaguluhan ng madaming babae." Tumingin ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mata.
"Well excuse too. Kasi alam mo? Ang mukhang yan ay sira sa paningin ko. Paano ko masasabing gwapo ka kung mamaya, babangasan na yan ng boyfriend ko. Tsaka kung tatabi ka naman kay Jaydee. Para kang dumi sa balat niya." Narinig ko ang pagtawa ni Jaydee, kaya mas umigting pa ang panga ni Aidan.
Binalaan ko na ito dati. Pero eto pa din siya sa harap ko, at hinahamon nang away si Jaydee.
"Tia. Just go home. I can handle it." Sinulyapan ko si Jaydee saka ito sinimangutan.
"Hindi ako uuwi. Pag ikaw umuwi ng may pasa, dadagdagan ko yan Jaydee." Masungit kong sabi.
He just chuckled.
"No. I just talk to him. Don't worry." Naka-ngiti niyang sabi. Sinimangutan ko na lang ulit siya.
"Sige na. Para mamayang gabi sasamahan kita kung saan kayo pupunta. Okey?" Kumislap ang mata ko sa sinabi niya.
Ibig sabihin papayag na siya? Pero paano yan? Makikita niya ako?
"Pwedeng ako na lang mag-isang aalis mamaya?" Nginitian ko siya.
Bumuntong hininga siya at tumango na.
"Salamat." Sabi ko at tumalikod na.Pero huminto ako at liningon si Aidan na naka-smirk sa akin.
Hindi naman siya gwapo. Pero, sana na lang mag-ingat siya.
YOU ARE READING
Between Love and Hate
Teen FictionDi mo aakalaing sa likod nang maamo niyang mukha, natatago ang kakaibang katauhan na hindi mo gugustuhing makita. The New Generation Jeyrol Dean Fuentes and Althea Cheon