TRIANGLE

18 0 1
                                    

TIA CHEON:




               "YON nga ang gusto ko.  Nakakainis naman oh."  Sabi ko habang kinukulit si Jackson kasi iba ang kinuha niya para sa akin.



"Burger lang yon.  Dapat kumain ka nang madami."  Angil niya sa akin.  Huhu.  Favorite ko pa naman ang burger.







"Sabi nang hindi pwede.  Tsaka mas mainam na kainin mo 'tong rice and chicken."  Nanlaki ang mata ko nang makita ko sa uupuan namin si Jaydee.  Bakit nakita niya kami.


"Anong pagkain?"  Tanong niya nung makalapit kami sa kanya..





Tumingin naman sa akin si Jackson na parang may tinatanong kaya umiling na lang ako.  Wala akong kinalaman diyan.  Tinakasan ko na siya kanina.






"Hindi ka naman kasali.  Ako lang ang ililibre niya."  Sabi ko.



Magkatabi kami ni Jackson sa upuan,  si Jaydee naman sa harap namin.







"Triangle."  Naka-ngiting sabi ni Jackson.  Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.





"Ano yong triangle?"  Tanong ko sa kanya.  Tumingin naman siya kay Jaydee habang naka-ngisi.





"Kung nag-de-date tayo,  third wheel siya."  Napatingin naman ako kay Jaydee na seryosong naka-tingin sa aming dalawa ni Jackson habang may lollipop siya sa bibig.







Siniko ko si Jackson sa dibdib.  Kinuha ko na lang yong pagkain at kinain.  Nakaka-tense kasi ang mga tingin ni Jaydee,  kung ano ano kasing pinagsasasabi nang Jackon na 'to.









"Anong meron sa inyong dalawa?"  Napa-angat ako nang tingin.  Meron sa amin?  Meron ba?







"Meron.  Mag-MU kami."  Sinipa ko si Jackson sa ilalim nang lamesa.




"Anong MU.  Ni hindi nga kita gusto,  nakakainis ka na.  Lagi mo na lang akong pinapahiya."  Binuhat ko yong plato kung nasaan ang pagkain ko.





Bahala na sila sa mga buhay nila.  Mukang magde-date pa yong dalawa,  sino kayang bakla?










Nag-iba na lang ako ng pwesto.  May pera naman ako pero libre to kaya hindi ko iiwan.










"Girlfriend."  Napairap na lang ako nang nandito pa yong isa.  Natakasan ko na yong dalawa but then may dadagdag na naman.





"Nawalan na ako nang gana kaya hinanap na kita.  Parang nasayo yong gutom ko,  kapag nawala ka nawawalan ako ng gana."  Napa-poker face ako.





"Joke lang.  Kumain ka na."  Sabi niya saka nag-peace sign.  Ang cute niya.



Umiling na lang ako.  Cute naman kasi siya,  kaso hindi ko naman siya gusto.  Sobrang jolly niya tsaka ewan ko ba?  Wala siyang appeal sa akin.







"Ang ganda mo talaga.  Lalo na kapag pinag-.  Ouch!"  Napa-hawak siya sa dibdib niya nang paluin siya ni Jaydee doon.  Nandito na naman siya.







Umupo siya sa upuan na hinila niya sa kabilang table.
"Triangle."  Kumunot na nama ang noo ko nang marinig ko ang 'triangle' na yon.  Word of the day ba?






"Bakit niyo ba palaging binabanggit ang triangle?"  Tanong ko sa kaniya.








"Ganito yan e.  Dito ka naka-upo,  si Jaydee naman dito.  Tsaka dito ako,  kapag pinagkabit-kabit mo yon triangle."  Sabi niya at gumuhit pa nang triangle sa ibabaw nang lamesa.






Between Love and HateWhere stories live. Discover now