ALTHEA:
NAGISING ako nang maramdaman ko ang pananakit nang braso ko kung saan ako may sugat. Napa-upo ako sa kama at tinakpan nang kumot ang katawan ko nang makita ko si Jaydee na naka-sandal sa pader kasama si Jack.
"P-Papasok na ba kayo?" Tanong ko.
Nag-iwas ako nang tingin nang makasalubong ng mga mata ko ang galit na tingin ni Jaydee. Waaaah! Nakasando lang pala ako. Ibig sabihin nakita na niya yong sugat ko.?
"Where did you get that?" Malamig ang boses niya na dahilan nang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan.
Mas matindi ata to kay Daddy magalit. I bite my lower lip.
"Don't look at me like I will pity you. TELL ME, TIA?" Nagulat ako nang sumigaw siya.
"Don't shout at her man." Pag-a-awat ni Jack kay Jaydee, pero tinulak lamang niya ito.
"Nadisgrasya lang ako dun sa pinuntahan namin ni Lucas."
"And you didn't tell me yesterday."
"Kasi alam kong magagalit ka sa akin, kaya hindi ko sinabi." Naka-yuko pa din ako.
"Take care of yourself if I'm not around Tia!" Paalala niya. Nginitian ko siya ng malawak.
"Okay! Lagi ko nang tatandaan yan kasi sinabi mo." Nag-tch lang siya at lumabas na nang kwarto.
Kaming dalawa na lang ni Jack ang naiwan sa kwarto. Mukang hindi siya kumbinsido sa binigay kong dahilan.
"Totoo kaya yon." Naka-nguso kong sabi.
"I didn't say anything." Sabi niya at umupo sa paanan ng kama.
"Fix yourself Tia. Papasok na tayo mamaya."
~•~
HINDI pa din niya ako pinapasin hanggang kaninang umaga. Nag-sorry naman na ako, tsaka sinabi kong hindi na iyon mauulit.
"Nakasimangot ka na naman, pretty Tia." Sabi ni James at kinurot ang magkabilang pisngi ko.
"Kasi si Jaydee, hindi ata makikisabay sa atin ngayon." Sabi ko habang naka-tingin sa isang bench dito sa rooftop.
"Hayaan mo na. May topak talaga yan minsan, kain ka na." Alok niya sa akin. Tumango na lang ako pero hindi ko maalis ang tingin ko kay Jaydee.
"Kumain ka na baka mas lalong hindi ka pansinin niyan." Sabi sa akin ni Lucas kaya ngumiti na lang ako at sinimulang kainin ang pagkain ko.
Nahagip nang mata kong papaalis na si Jaydee sa rooftop kasama si Abby. Lagi naman yan, hindi ba niya naiisip kung nagseselos ba ako.
Nandito kaya akong girlfriend niya, tapos ibang babae ang kasama niya? Ang unfair nun sa part ko.
May humarang na madaming lollipop sa may mukha ko, naka-bunch siya. Ang ganda nang pagkaka-arrange.
"Para sa akin ba yan Lucas?" Tanong ko sa kanya.
"Para sayo talaga yan. Kainin mo lahat para masira ngipin mo." Natawa kaming pareho sa sinabi niya.
"Lucas, masyado ba talagang close sina Abby at Jaydee?" Tanong ko. I've never known.
Kasi nung pumasok ako dito, kasama na sa grupo si Abby.
"Well, Abby was the first girl in our group. And Jaydee introduce her to us."Nakaka-lungkot, sumimangot na lang ako at sinumulang kainin ang lollipop na bigay ni Lucas. Buti pa nga tong si Lucas hindi close kay Abby.
YOU ARE READING
Between Love and Hate
Teen FictionDi mo aakalaing sa likod nang maamo niyang mukha, natatago ang kakaibang katauhan na hindi mo gugustuhing makita. The New Generation Jeyrol Dean Fuentes and Althea Cheon