ALTHEA:
SABAY kaming pumunta sa rooftop. Malamang naka-hawak siya sa kamay ko. At isa pa ayokong mapalayas sa bahay no. Wala akong matitirahan, kuripot pa naman yong kasama ko.
"Uy, Tia. Himalang sasabay ka sa amin ngayon." Ngiting-ngiting bati sa akin ni Alex.
Walang hiya to. Matapos akong hindi iligtas kay Jaydee, ngingitian niya ako ng ganyan? Sinimangutan ko lang siya.
Hindi naman ako naka-ligtas sa titig ni Abby. Pati doon sa kamay namin ni Jaydee. Nag-iwas naman ako ng tingin.
"Girlfriend dito ka sa tabi ko." Prisinta ni James habang tinatapik ang upuan sa tabi niya.
Ngumiti naman ako at lalapitan ko na sana siya. Kaso hindi na naman ako nakawala kay Jaydee. Seryoso siyang naka-tingin sa akin, na para bang sinasabing hindi ako pwedeng humiwalay sa kanya.
Eto dati ang gusto ko. Ang hindi mahiwalay sa kanya. Pero ngayon naiilang na ako, kasi nandito si Abby. Baka sabihin niyang dinidikitan ko si Jaydee.
"Hindi ako kakain." Sabi niya. Napa-ngiti naman ako.
Chance ko na to para makatakas.
"Hindi kami kakain ni Tia." Halos malaglag na yong panga ko sa sinabi niya."Jaydee. Gutom na pala ako." Apila ko sa kanya sabay hawak sa tyan ko.
"That is your punishment. Hard headed girl." Sabi niya at pinitik ako sa noo.
Aish! Ang sakit kaya.
"I'm going to sleep at babantayan mo ako." Hinila niya ako sa isang sulok. May bench doon.
Hinayaan lang niya akong tumayo habang siya naka-higa na. Anong gagawin ko dito. Tutunganga?
Sinilip ko si James doon sa kinaroroonan nila. Nagtatawanan sila habang si Abby hindi maalis ang tingin sa kinaroroonan namin.
Kinuha ko yong phone ko at tinext si James. Syempre may number siya sa akin. Feeling close di yang lalaking yan. Well kay Jaydee wala akong number at wala din siyang number sa akin. Ganoon kami ka close. Ang saya no?
"Magpapadala ka ng pagkain sa kanila?" Nag-angat ako ng tingin kay Jaydee. Nakasalampak na ako sa semento, nakaka-ngawit kayang tumayo.
YOU ARE READING
Between Love and Hate
Teen FictionDi mo aakalaing sa likod nang maamo niyang mukha, natatago ang kakaibang katauhan na hindi mo gugustuhing makita. The New Generation Jeyrol Dean Fuentes and Althea Cheon