FIRST DAY

18 0 0
                                    








ALTHEA CHEON:





              AGAD akong bumaba sa hagdan nang makuha ko ang bag ko sa ibabaw nang kama ko.  Hindi naman kasi ako nagsusuot nang black shoes kaya matagal ako sa pagsisintas.

"Your Tito Ash is waiting for you outside with Jackson.  Ihahatid niya kayo sa school."  Tumango na lang ako at tinungo garage nila kung  saan nila ako hinihintay.

"Si Jaydee po Tito?  Di ba siya sasabay sa atin?"  Tanong ko at nilingon ulit ang loob nang bahay baka makita ko pa siya.

"Nauna na.  Hindi naman kasi yon sumasakay dito sa kotse,  sa bus lang yon."

"Hah?  Ako din,  gusto kong maglakad.  Mauna na po kayo."  Sabi ko at tumakbo na palabas nang gate.

Tinatawag nila ako but I never looked back.  Tuloy lang ako sa pagtakbo,  hindi ko pa naman alam ang lugar na to.  But then diretso lang ako sa pagtakbo.



Natatanaw ko na ang gate ng village.  At papalabas na din si Jaydee doon kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.  Nasanay na ako sa takbuhan,  pwede niyo na nga akong ilaban sa karera.

Nag-bow siya sa guard na naka-duty doon.  Mabait naman siya sa iba,  siguro nga sa akin lang.


Kinawayan ko si Manong guard,  at ngumiti naman siya sa akin.

Tinanggal ko yong headset ni Jaydee nang maabutan ko siya.  Kumunot ang noo niya habang naka-tingin sa akin.

"Gusto kong sumabay sayo.  Hindi naman ako mag-iingay promise quite lang ako."Sabi ko sa kanya.


Hindi na ulit niya ako pinasin,  binalik na niya yong headset niya.  Kahapon okey naman na siya sa akin.  Hayst ang gulo din niya minsan no.

Sumusunod lang ako sa kanya habang naglalakad siya papuntang sakayan nang bus.

Madami din palang naghihintay dito sa sakayan nang bus.  At pare-pareho kami nang uniform,  ibig sabihin sa iisang school lang kami.  Pero may mga empleyado din naman na naghihintay din.


Napatingin sila sa gawi ni Jaydee nang umupo ito sa isang bench,  siguro sikat na sikat siya.  Anak ba naman siya ni Tito Ash.



Pero walang lumalapit sa kanya.  Siguro natatakot din sila kasi masungit talaga siya.  Bakit di niya kaya,  bawas-bawasan ang gwapo pa naman niya.


Hindi ako umupo sa tabi niya baka kasi kung anong sabihin nang iba sa akin.  Sumusulyap lang ako sa paligid.








Third person:

Nakamasid lang si Tia sa paligid.
"MAGNANAKAW."  Sigaw nang isang may edad na na babae.  Lahat sila napalingon doon.


Tumatakbo na yong lalaki papaalis.  Tinanggal ni Tia ang pagkakasabit nang bag niya sa balikat at binigay kay Jaydee.


"Hoy babae saan ka pupunta."  Sigaw ni Jaydee at tinanggal ang headset niya.

Hindi na sumagot si Tia at binilisan na ang pagtakbo para maabutan yong lalaki.

'Humanda ka sa akin.'  Sabi niya sa kanyang isipan.







Malapit na niya iyong maabutan sa may eskenita nang tinumba nung lalaki ang isang drum para iharang sana dadaanan ni Tia.




Between Love and HateWhere stories live. Discover now