JAYDEE FUENTES:
NAGISING ako nang kumirot ang kamay ko. Tinignan ko iyon. May benda na.
Bumaba na ako sa kama at bumaba sa kusina.
"Nakung bata ka ang aga aga pa. Siya nga pala, umalis ang Mama at Papa mo kagabi. Hindi nila alam kung kaylan sila babalik." Tumango na lang ako.Naiintindihan ko naman kung bakit sila umalis. I was wrong nung sinigawan ko pabalik si Mom. Hindi ko lang kasi matanggap na grabe ang pag-iingat nila kay Tia.
"Maaga po akong papasok ngayon." Sabi ko kahit tatambay lang naman ako sa hintayan nang bus. Papalampasin ko pa ang dalawang bus saka ako sasakay.
"Oh kumain ka nang madami. Malayo pa ang oras saka kayo manananghalian." Umupo na ako sa dinning at sinimulan nang kainin ang naka-hain.
"Isang taon lang Jaydee. Kaya mo bang tiisin yon para sa akin?" Napatigil ako sa pag-subo nang pumasok ang isip ko yong kagabi, panaginip lang ba yon o ano?
"Manang. Pumasok po ba kayo sa kwarto ko kagabi para lagyan ng benda ang kamay ko?"
"Naku hindi. Naunang umalis sa hapag si Tia kagabi, pero sabi niya matutulog na siya. Baka si Mommy mo yon, nag-aalala din naman sayo yon kahit galit siya." Siguro nga si Mom yon. Alam kong siya yon.
"Someday, your gonna love me🎶." Napalingon ako sa may hagdan nang kumakanta siya pababa.
Gulo-gulo pa yong buhok niya habang kinukusot ang mga mata niya.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-suot siya nang sando at pajama.
"What the hell." Sabi niya nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Tumakbo ulit siya taas. Anong problema nun?
Maya-maya bumaba na ulit siya. Naka-shirt na siya at maluwang sa kanya. Mukang hindi sa kanya. Naka-bun na din yong buhok niya pero may nahuhulog padin kaya hinihipan niya iyon habang pababa nang hagdan.
"Manang ano pong ulam?" Tanong niya. Mukang di niya ako nakita, tumikhim ako.
"Pwede pong ako po ang magluto nang itlog? Paturo na lang po." Sabi niya.
Sinalang niya yong prituhan at nilagyan nang mantika. Binuksan niya yong ref at kumuha nang dalawang itlog.
"Nakung bata ka. Sunog na yong mantika." Sabi ni Manang at hininaan ang apoy sa kalan.
"Pasensya na po. Pinili ko kasi yong malaki." Sabi niya saka ngumiti.
"Ilagay mo na." Binasag niya yong itlog at nilagay na sa kawali. Lumayo siya nang konti dahil baka matalsikan siya nang mantika.
"Manang ayaw na pong matanggal."
"Naku sunog na. Umupo ka na nga lang doon." Nag-alangan pa siyang umupo dahil nandito ako.
Tinuon ko na sa pagkain ang atensyon ko. Maya maya dumampot siya nang bacon na nasa pinggan sa harap ko.
"Ang sarap." Napatigil siya sa pag-nguya nang makita niyang naka-tingin ako sa kanya.
YOU ARE READING
Between Love and Hate
Teen FictionDi mo aakalaing sa likod nang maamo niyang mukha, natatago ang kakaibang katauhan na hindi mo gugustuhing makita. The New Generation Jeyrol Dean Fuentes and Althea Cheon