ICE CREAM

16 0 0
                                    


ALTHEA CHEON:





                ANG laki nang SU nakakalula na.  Kaya ko kayang libutin ang school 'to ng isang araw?




"Maganda ba?"  Tanong ni Lucas at umakbay sa akin.



Napatingin ako sa kamay niya.  Yong tahimik na Lucas at tipid magsalita tulad ni Jaydee.  Ngayon wagas na maka-akbay at dumadaldal na din.  Kahit kahapon lang kami nakapag-usap talaga.




Siya yong sumama sa amin ngayon ni Jackson dito sa School.  May pupuntahan daw kasi si Jaydee,  ewan ko ba dun.  Sabi niya sasamahan niya kami kahapon pero nung sabi ni Lucas na sasama siya nag-iba ang mood niya at ayaw na niyang sumama.



"Oo nga maganda.  Sobrang laki,  hindi ko ata kakayaning libutin to nang isang araw."
Naka-ngiti kong sabi.  Biglang tinanggal ni Jackson ang kamay ni Lucas sa balikat ko at siya ang pumalit doon.





Sinamaan ko siya nang tingin pero hindi siya natinag.
"Wala bang mas mabigat diyan sa kamay mo?"  Tanong ko sa kanya.  Kinurot niya ang ilong ko.



"Gusto mo pumasan ako sayo?  Gagawin ko yon."  Inirapan ko na lang siya.  Gago talaga ang lalaking 'to.  Namimilosopo eh.






"Tara na sa loob nang maipa-enroll na natin siya."  Aya ni Lucas kaya tumango na lang ako.


Bahagya kong sinisiko si Jackson sa tagiliran dahil pinagtitinginan na kami nang iba pang nagpapa-enroll dito.





'Bago ba yong mga kasama ni Lucas?  May papalit na ba kay Jaydee sa pagiging campus hearthrob niya?'


'SiguroPero mas gusto ko pa din si Jaydee.'




'Ang ganda ni girl.  Para siyang manika na nagkaroon nang buhay.'



'Sinabi mo pa.  Parang artista sa Korea.'






Yeah!  I'm from Korea but not an artist there.  I'm a fully gangster blooded.




"Ang ganda mo daw.  Well no doubt coz it's really true."  Naka-ngiting sabi ni Jackson habang ang lapit nang muka niya sa akin.



"Lumayo ka nga.  Para kang linta."  Sabi ko sa kanya.  Tinanggal ko ang pagkakakapit niya sa akin at humawak kay Lucas.




"Tsk.  Ang choosy,  gwapo din naman ako a."  Naka-nguso niyang sabi.




"Suntukin kita e."  Inambaan ko siya nang suntok pero lumayo siya agad sa akin.


Ba't ko nga ba nakilala ang lalaking 'to?  As in walang kwentang kausap,  masisiraan talaga ako ng ulo dahil sa kanya.





"Maganda ka sana kaso amazona ka."  Sabi niya sa akin.


"Che.  Punta ka na doon magpa enroll ka na.  Maglilibot lang kami."  Hindi ko na siya hinintay sumagot.


Kinawayan ko na lang siya at hinila si Lucas kung saanman.  Bahala na siya kung pagkaguluhan siya ng mga babae doon.  Gwapo siya e.





Between Love and HateWhere stories live. Discover now