ALTHEA CHEON:
SOBRANG nakaka-hiya. Yan ang definition ko sa nangyari sa airplane, buti na lang naka-lapag na. Welcome me Philippines.
Jackson.
Tsk. Pumapasok sa isip ko ang pangalan niya, bakit ba kasi hindi niya ako ginising. Duh! Tapos tatanungin kung mag-syota ba kami, kasi daw ang sweet namin.
Pake ko sa lalaking yon. Hindi ko siya type, mas gwapo naman ng di hamak si Jaydee no.
"Hi!" Napa-pikit ako nang mariin nang marinig ko na naman ang boses niya sa tabi ko.
Binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Yong iisipin niyang pinapatay ko na siya.
"Don't look at me like that, baka isipin kong you like me." Napabuga ako ng hininga.
Seryoso? Hindi man lang siya nasindak sa tingin na iyon. Papatayin ata ako nito sa inis.
Tinuon ko na lang sa pag-aabang nang taxi ang tingin ko. Hindi na ako magpapasundo kay Tito Ash, nakakaabala na ako ng sobra sa kanya. Syempre may dadaanan pa ako ngayon. Ti-next niya na lang sa akin ang address nila para ipakita ko daw sa driver ng taxi para ihatid ako doon.
Mabait naman sila sa akin. Kaso nga lang lagi akong sinusungitan ni Jaydee. Para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya, sa pagkaka-alam ko wala naman, hindi ko naman siya inaano.
"Earth on Althea. Where's your brain now?"
"Urgh! Bwisit ka. Stay away from me. I don't know you. Plane stranger." Sabi ko saka lumayo sa kanya ng isang dipa.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya habang naka-tingin sa akin. Buti na lang backpack lang ang dala ko, yong mga simpleng shirt lang ang nandito tapos shorts. Bibili na lang ako nang damit kapag magsisimula na ang klase.
Ganito ba katagal ang taxi dito sa Pinas? Nakaka-inip maghintay lalo na kung nakikita ko pa ang muka nang mayabang na to.
Nang sa wakas ay may pumarada nang taxi sa harap ko.
"Saan po kayo Ma'am?" Magalang na tanong nang may katandaan nang taxi driver.
Lumapit ako sa may bintana at nginitian siya.
"Where is the nearest mall Manong."
"Ma'am speak tagalog." Napa-ngiti na naman ako sa sinabi niya. Kung sabagay nasa Pilipinas na ako ngayon.
"Yong malapit na mall po. Pahatid na lang po doon."
"Sige po Ma'am." Pumasok na ako sa backseat ng taxi.
Nang mapasulyap ako sa side mirror. Nakita kong nakatayo pa din si Jackson doon.
"Manong sandali." Tinapik ko yong sandalan nang upuan ni Manong driver.
Binaba ko yong bintana saka sumilip doon.
"Plane stranger? Ano na. You don't have car? Tsk, pity you. Halika na. Diyan lang naman ako." Kinawayan ko pa siya. Mukang nagdalawang isip pa siya bago lumapit.
Anong akala niya sa akin hoholdapin ko siya. Ang dami ko kayang pera, baka bilhin ko pa siya.
"Thank you!" Sabi ni Jackson pagpasok niya sa backseat.
Kung sa harap kaya siya umupo no? Talagang dito pa sa tabi ko di na lang nahiya. Siya pagbabayarin ko ng taxi e.
Parang may umilaw na bumbilya sa tuktok nang ulo ko nang maisip ko yon. Uy sakto pala, may magbabayad nang taxi.
YOU ARE READING
Between Love and Hate
Fiksi RemajaDi mo aakalaing sa likod nang maamo niyang mukha, natatago ang kakaibang katauhan na hindi mo gugustuhing makita. The New Generation Jeyrol Dean Fuentes and Althea Cheon