**************************************
CHAPTER THREETime check- 11:25 am
"Aerist sama kana samin" aya saakin ni Nueve ng makalabas kami ng room. Maaga ang dismissal namin dahil first day palang. The whole class went great, ang pangalan pala ng teacher na naghandle samin kanina ay Antonio Williams. Sir Williams will be our adviser for the whole year. During the class earlier.. Naging masaya naman dahil nag papatawa sya, medyo madaldal nga lang. Nasabi nya ring 47 na sya, not bad.. Dahil ang dali nyang makasundo ang mga bagets. Siguro cool dad sya para sa anak nya.
Then a memory flashed into my head. An image of my whole family during my birthday. Ang saya namin at puro tawanan lang. There's me, si kuya, my mother.. At si.. dad
Biglang may nag snapped ng finger sa harap ko kaya naman nawala ako sa pag iimagine "uy Aerist! Narinig mo bako Ae?"
"Ha? Ah.. Oo" bahagya akong napayuko.
"Bakit may problema ba?" Tanong ni Nueve at napansin kong naglalakad na kami sa labas ng field mula sa building.
"W-wala. May naalala lang.." Nasakit nanaman ulo ko.
"Ahh.. So ano beast? Sama ka muna samin!" Muling pag-aaya ni Nueve. Is it strange to hang out with some one you just met? A stranger for short.
Napatingin ako sakanya "sainyo? So.. May iba kapang kasama?"
Tumingin sya sa malayo at ngumiti saka napatingin ulit sakin. "Yes! Actually birthday kase ng kabarkada ko last weekend kaya iti-treat ko ang squad as a gift for him" kanyang mahabang paliwanag. Wait teka lang, him daw? Ibig sabihin lalaking kaibigan?
"Lalaking friend?-" tanong ko at napatango sya at parang natawa "oo, bale buong barkada puro guys ako lang ang gay-CHOSS hahaha!"
Natawa naman ako sa sinabi nya pero seriously.. Sya lang ang babae?
"Oh don't look at me like that Ae! No judgements please"
"Am not! Assuming ka naman tss" pinang-ikutan ko sya ng mata kaya napahampas sya sakin.
"But anyway. Say yes or no you're going with us!" Nagulat nalang ako ng hinila ni Nueve ang wrist ko at pumunta sa hindi ko alam na direksyon. Basta ang alam ko lang, nangangapa ako sa bulsa ko ng pera.. Baka mamaya mapahamon ako nakakahiya naman.
Napansin kong tumigil na kami sa pagtakbo at may mga tao kaming pinuntahan. Ako naman, i don't really know what i'm missing right now dahil wala akong makapa! Tanging bente pesos lang ang nasa bulsa ko. Sinubukan ko pang mangapa kaso candy at bubble gum lang ang nakita ko kaya itinago ko na ito kaagad. Nakatalikod man ako sa kanila nahihiya naman akong magpakita na nag hahakot ako sa bulsa XD
"Ae humarap ka nga" rinig kong sabi saakin ni Nueve at humawak sa balikat ko.
Humarap ako at tumingin kay Nueve, as in sakanya lang ako tumingin at walang binigay na tingin sa taong kaharap namin. Nahihiya kase ako! Baka sabihin ang feeling close ko diba?
"Yeah?" Chill kong tanong kay Nueve kahit na nine-nerbyos ako dahil maari akong mapasabak gayun pa mang' kapos ang aking bulsa. Ngumiti sya at nag salita.
YOU ARE READING
World of the Kings and Queens
Teen FictionPresenting, Perridor University! A school for Talented students, and those people who have dreams in life. Mahirap ka man, okaya mayaman... This school can accept you. Admin just don't want people who are not positive. In order to be a green Perri y...