Chapter 5

25 1 1
                                    

Am back readers! Comments and votes are highly appreciated kaya please take time to read and share your thoughts! Libre ang keypad hehehe :))) lab yu guys!







CHAPTER FIVE




Hindi pa namin lubos na nalilibot ni Nueve ang ibang mga bahagi ng school.. Nagmamadali kaming pumunta sa likod ng school na may malawak ding field gawa ng may kaguluhan daw na nagaganap. Usosera din pala si Nueve haha.


Ng makarating kami sa field. May nakita kaming mga nagkukumpulan na mga estudyante at pinalilibutan ang nagkakagulo. Nonsense people doing nothing.. Gusto lang manood at maki-chismis.


"I thought walang nagtatangkang umaway sakanya??" Nagtataka kong tanong kay Nueve ng masigurong si Threz ang sinasabing kasangkot sa gulo. Malayo layo ang paglibot ng mga studyante mula sa nagkakagulo. Kaya nakikita namin ang nangyayari. Nakatayo sya doon habang nakapamulsa. May pitong lalaki ang kasali din sa gulo.



Nagkibit balikat si Nueve at pinanood lang namin tulad ng iba ang nangyayari. The seven guys are familiar--- sila ung mga bully kong nakita kahapon! The jocks, remember?



"Threz. Kapatid! Happy to see me?" Isang boses ang nagpa-gulo sa aming mga isipan. Teka kapatid nya yun?



Mula sa grupo ng mga jocks ang bumati sakanya. I looked at the guy, he doesn't look like him though... Teka, hindi ko naman nakita tong lalaki kahapon kasama ang mga bully e. Siguro ngayon lang ito pumasok.




"Friend sino yon?"


"Kapatid daw oh"

"May kapatid pala si Threz i thought dalwa lang sila eh sino to?"


"Sht gwapo bes pero hindi kamukha ni Threz, kapatid nya ba?"



Ilan lamang yan sa naririnig namin ni Nueve mula sa mga kalapit naming nanonood.


Tingin ko hindi din nila kakilala ang lalaki. Tumingin ako kay Nueve at tingin ko naintindihan nya ung katanungan ko mula sa aking mata. "Mamaya. I'll tell you what's happening" she said at nagpatuloy kami sa panonood.




"Kapatid? Tss" bahagya syang napangisi. Pero wala paring emosyon ang kanyang mata "who are you to call me that" cold na sambit ni Threz at kumuha ng piso sa kanyang bulsa. Ang isang kamay ay pinaglalaruan ang piso gamit ang mga daliri habang ang isa naman ay nanatili sa loob ng kanyang bulsa. One guy against seven is this possible? Baka mamaya magrambulan tong mga to! Pero wait nasan naba sila Chase? Ung cincos?



"Kapatid naman.. Hanggang ngayon ba may tampo ka parin sakin?" Tanong ulit nung lalake. Halata sa boses nito ang pang-aasar. And i don't know pero pati ako naaasar! He's worse than Threz, ung way ng smirk nya mas malala. Hindi ito ngisi ng aso kundi ng halimaw.




I rolled my eyes.



"Why should i. hindi nga kita kilala" singhal ni Threz at patalikod na sana pero-- hindi ko alam kung pano nangyari yun dahil isang matalas na bagay ang lumipad patungo sa direksyon ni Threz.



Nahuli ito ni Threz gamit ang pagitan ng kanyang daliri. HECK! Ang astig!



Shempre tulad ko... Marami ang nagulat at nagcheer na parang OHHH--




Nakakabigla talaga. Bukod sa nahuli ito ni Threz eh nanatili lang syang nakatalikod at walang katakot takot sa katawan. At isa pa, how in the world nakaya nung lalaki ang mangbato ng isang boomerang blade! Maski ba maliit lang ito.. He could kill him!




World of the Kings and QueensWhere stories live. Discover now