CHAPTER FIVE (2)Time check- 10:00 pm
Sa ikalimang beses.. Muli akong napaikot sa kama. Hindi ako makatulog sa nangyari kanina.
Paalis na kami ng Vaenid mall kanina nila ate Jenny. May sarili itong sasakyan kaya hindi sya nahirapang iuwi ang mga pinamili nya.
Medyo nagkaroon ng twist kase ng napansin kong hindi sadyang maka-usap nila kuya at ate ang isa't isa.. Medyo nagparinigan tas may napikon. Na open din nila ang topic tungkol sa pag alis ni Ate Jenny. Ang intense kanina ng away kaya hindi ko alam kung ok lang ba sila o ano. I was worried of course.
Nako.. Pati ba naman lab layf ng utol ko pinakikielaman kopa? Hayyy.
Ng pauwi na kami kanina, sa car ni ate Jenny sya sumakay malamang. Habang kami namang magkapatid eh.. Tahimik lang sa kotse, buong byahe kasing magkasalubong ang kilay ni kuya.. Hindi ko ma-take medyo nataasan pa nga ako kanina ng boses. Grabe takot parin pala ako sa kafatid kong matanda pa sa ermitanyo kung makakunot ng noo kanina 😂 lol.
Sa madilim kong kwarto, umilaw ang screen mula sa aking cellphone na nakapatong sa kama at katabi ko.
Kahit masakit ang mata ko.. Pinilit ko ang sarili para tignan ito. Kanina pa ako nakapikit pero hindi parin ako makatulog.
Fr: +63 9*********
"Sino naman to?" Gitna ng gabi may nang te-text trip (~___~)
Fr:+63 9*********
Hi bebe girl ^__^ hope i didn't wake you up. Nueve
Hahaha simula palang sa text alam konang sya un. Eh sya lang naman tumawag sakin nun eh! Sya lang tumatawag sakin ng bebe girl 😖
Nagtipa ako ng reply..
Hi din, hindi pa naman ako tulog :)
Sinend ko iyon at pinatay ang phone ko.. ilang segundo palang may reply na kaagad. Hindi naman sya busy no?
So gising kapa. Bakit? May problema kaba?
Napa buntong hininga ako saka napa sapo sa noo. Tinitigan ko ang ceiling na may mga naka-design na glow in the dark na stars. Ang sarap titigan habang may konting ilaw na tumatagos sa kortina ng bintana mula sa buwan.
Parang.. Pero hindi ko naman dapat ito problemahin eh. -ako
Kung ano man yang problema mo. Maaayos din yan. Tsaka.. Hwag mong i-stress ang sarili mo kung hindi mo naman yan problema! Hahaha :)
Opo.. Haha😅 thank you ha. Sige matutulog nako
Sige bebe girl! Lab u, tulog kana papanget ka nyan yiiee
Walanjo.. Sinabihan pako na papanget tss! Hindi na naman kelangan un.
Matapos ng ilang minutong pagku-kutkot ko sa ulo-- OY TEKA WALA AKONG KUTO O ANO HA. lagi kolang itong ginagawa pampatulog.
Unti unti ng naging mabigat ang aking mga mata hanggang sa malamon nako ng dilim.
**
May nakikita akong pintuan, may mga asong pumapasok doon.. At bilang dog lover. Hinabol ko ang mga ito papasok sa pinto.
YOU ARE READING
World of the Kings and Queens
Teen FictionPresenting, Perridor University! A school for Talented students, and those people who have dreams in life. Mahirap ka man, okaya mayaman... This school can accept you. Admin just don't want people who are not positive. In order to be a green Perri y...