CHAPTER ELEVENUmaga palang ng alas-kwatro nagising nako. Hindi parin ako mapakali sa nangyari kahapon, ayoko na ngang pumasok dahil doon eh! Baka mamaya magkita kami.
That playboy! Kala mo papatayin ka sa takot kahapon sa nasaksihan mo eh! Kasalanan ko ba kung sa isang lugar sila na kabuking-buking gagawa ng kababuyan? Tsk! Now i know why Mr. Dog and him are enemies.
"Para po!" Sigaw ko mula sa aking kinau-upuan sa jeep. Wala pako sa school pero tulad ng sinabi ko, dalwang sakayan ang proseso upang makarating. Tumigil ang driver saka ako bumaba, tumabi ako sa side walk at tumawid sa kabila... At konting lakad lang, saka ako nag antay ng panibagong jeep.
"Ms. Ikaw ba si Mae??" Sa aking pag-aabang isang lalaking naka gayak at pormang-porma ang umagaw ng atensyon ko. Don't get me wrong guys, hindi ako ang sinabihan ha? Nakita ko lang sa tabi malapit saken.
"Ikaw Ross! Ako ang girlfriend mong si Lea! Hindi si Mae!" Sabi ng babae at pinag-hahataw ng kamay yung lalaki.
"Ano ba babe! Ayaw mo muna kasing sakyan yung line ko eh! Kase eto yon.. Ikaw ba si Mae? Kase ikaw ang Maehawak ng puso ko!"
Napahagalpak naman ako ng tawa sa bola nito! HAHAHAHA ang corny XD pero bebenta na.
"Ikaw Ms? Ba't ka tumatawa?" Mataray sakin nitong tanong. Aba't! Nadamay ako?!
"Wala! Your man, is totally corny pero tingin ko.. Mahal ka nyan! Totoo" sabi ko at saka naman tyempong may tumigil na jeep kaya sumakay nako. I'm not an expert when it comes to love pero i saw the love and desire in the guy's eyes.
Muli nalang ako nag-isip ng mga bagay-bagay sa byahe. Umuwi na si mama kahapon ng maka-uwi ako galing school. She surprised me, i thought one week syang mawawala pero mula noong monday hanggang kahapon umasa ako na uuwi na sya mula sa NYC. Gladly! God heard my wish and there she was.. At nasa bahay na nga sya yesterday pero may trabaho nanaman.
Si utol? I don't really know his status with ate Jenny, nakaka-stress pero shempre.. I still ship them together. Sana nga lang ayos na sila at maging malinaw na ang pagitan ng dalwa.
Naging mabilis ang byahe kaya naman ng papasok nako ng gate.. Sobrang nerbyos at kaba ang naramdaman ko. As usual, marami parin ang mga talentadong tao ang nandidito. Buti hindi sila napapagod araw-arawin ipakita yung talent nila all the time. Musta ka naman Ae? Hwag nalang -___-
"Ae!" Sa aking paglalakad sinalubong ako nitong babae.. I forgot the name pero isa sya sa kumakausap sakin noong wala sila Nueve. "Aerist! Sir Willliams needs you!"bungad nya saakin at hinigit ako papunta sa building. Hindi ko alam kung anong building to kase hindi naman ako assigned pumunta dito eh.
Balak ko sana syang tanungin pero nawalan nako ng chance kase mabilis kaming nakarating sa tapat ng faculty room. What's happening?
"Pasok ka dali.." Sabi ni girl at dahan dahan akong tinulak paloob upang samahan narin. Nothing strange sa loob kase tulad ng surroundings, malamig din dito pero lavender ang amoy dito sa loob kaya ang sarap mag stay. May iba namang teachers na nasa desk at mat dividers ang mga desk nila, ung pang-office ba. Kaya hindi naman nakakailang kase wala naman silang pake.
"Ms. Mendoza..! Take a seat. You too Ms. Cruz" maligayang bati ni sir samin ni girl kaya naman medyo nawindang ako. Ano bang meron??
"I bet you're confused. Straight to the point, i called you to help me- i mean to help us" sambit nito na syang nagpa kunot lalo sa noo ko.
YOU ARE READING
World of the Kings and Queens
Teen FictionPresenting, Perridor University! A school for Talented students, and those people who have dreams in life. Mahirap ka man, okaya mayaman... This school can accept you. Admin just don't want people who are not positive. In order to be a green Perri y...