Chapter 13

30 1 0
                                    

Sorry😢 for being invincible! For not updating, i have reasons. Deep. Naubusan ako ng tix sa Concert (wings) 😭😭😭😭😭😭 geh move on nako.

CHAPTER THIRTEEN



"Green Perris! I am happy to formally see you all again, by the way.. I am your assistant principal Yvette Rodriguez! In any minute.. The program will officially start, so relax and do what ever you want" sabi ng isang babae na naka formal na coat at palda sa stage. Siguro nasa mga mid-50's na ata sya?

Sa madilim na kapaligiran.. Nangingibabaw ang mangilan na mga mukha ng mga tao dito dahil sa ilaw ng screen ng cp nila. Sa theatre hall kasi kami naka-base at grabi ang lamig dito. Kabilaan may aircon.

"Nilalamigan ka?" Tanong ni Nueve habang tinatahak namin ang back stage. Kasama nga pala ako sa mag o-organize kay Calissa na lalaban kong ka-batch bilang ms. Campus.

"Slight lang" imik ko.

"It will be hot later.." She smirked. Ha? Panong hot daw?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta, may special number mula sa cincos" she winked at hinigit nako dahil naiiwanan na pala kami ng light partylist hahaha!


"Okay lighties, we can do this! Do exactly what we practiced" anunsyo ng lalabang president sa mga ka-partylist nya. 

Kinulbit ni Nueve ung lalaki na president.. Isaac ata name nya? "Sac, good luck! Husayan mo kundi talo ka sa pustahan natin" sabay apir nito kay Isaac. Nagbiruan pa ang dalwa, siguro pinagagaan nya lang yung loob nung tao.

Ng makabalik saakin si Nuevs tinanong ko ito "ayss.. Anong bet nyo?" I asked.

Ngumiti ito saakin at binulong "wala.." Tumigil sya sa pagbulong at tumawa saka ulit nagpatuloy "hahaha tignan mo kasi ung mukha ngayon ni Drew" puna nya.

Ng balingan ko ito. Ang sama ng aura nya, tas pag napapatingin sya samin- teka kay Nueve pala. Lalong gumugusot ung pagmumukha nya XD

"Hahaha ala! Oh anong meron?" -ako

"Beast, bet iyon namin ni Isaac, predicted nya kasing magtawanan lang kaming dalwa eh, mapapansin kaagad iyon ni Drew at maiinis kaya ang bet namin ay.. Kapag prinangka sya mamaya ni Drew, ibig sabihin panalo sya kase na-predict nya ung gagawin ni Drew..."

"Habang sa part ko naman, kelangan kolang magdasal para hwag nyang sugurin si Isaac mamaya para mali ung prediction nya at manalo ako, ang prize.. Lilibre nya ko ng food ng isang linggo" proud nitong pagmamayabang.

"Wow confidence! Pero bakit may something ba sayo si Drew?" Pang uusisa ko. I smirked and waited for her answer "sira! Siguro sya may something pero ako wala. Playboy yan bebe girl" she rolled her eyes.

Natigil kami sa paguusap ng tawagin ako ni Jensen, ung kasama kong girl kanina remember?

"Prin Nueve, pahiram muna kami kay Aerist!" She said. "Ah, sige lang" respundi ni Nuevs at ngumiti saakin bilang paalam.

Nakipag usap ako sa kanyang mga mata, sinasabing 'see you later' saka kami umalis upang puntahan si Calissa.

Ng marating namin ang own dressing room nya.. She smiled at me. Her curly hair was in a ponytail, not too neat just enough and fresh. "Naks! Ang ganda mo" walang halong plastic kong sabi. Totoo naman kase, light lang ung makeup nya pero mas nakadagdag ganda ung suot nyang gray na contact lense.

World of the Kings and QueensWhere stories live. Discover now