Chapter 3

2.2K 72 8
                                        

BEA'S POV

Pagpasok ko ng Ally's nandun sila ate Ella at yung iba pa naming former team mates. Pero bat Wala sila Jho dito.

"Bea! Lika dito! Libre ni Alyssa" tawag ni ate ella, kaya pumunta naman ako. Hinahanap ng mata ko si Jia kaya lang di ko sya makita.

May girl na naka upo sa unahan dun sa parang mini stage. Naka cap sya, tapos nakayuko kaya di ko makita masyado yung mukha nya.

Nagpakilala muna sya bago magsimula

"Sweet night everyone, my name is JM. Sana ma-appreciate nyo yung poetry ko. Para to sa mga pusong nasaktan at iniwan dahil ginawang laro ang pagpili sa taong mahal. " sabi nya.

JM? Medyo familiar yung boses nya eh.

"Ini Minimay Nimo"

Title pa nga lang ang nasasabi niya, tinamaan na kaagad ako. Yan kasi ang ginawa ko kay Jia dati, pero hindi ko naman ginusto ang kinalabasan.

" Ini Minimay Nimo .. magsisimula ako sa dalawang katanungan. Ang pagpili ba sa dalawang bagay na gusto mo ay madadaan mo sa ini minimay nimo.

Ang pag pili ba sa dalawang bagay na PAREHONG MAHALAGA sayo ay madadaan mo sa INI MINIMAY NIMO. Sabi nila, masarap magmahal mahirap mag aral.
Sa mga araw na nilalaan ko doon sa paaralan ay marami na akong natutunan. Gaya ng 1 + 1 is equal to two. Hindi gaya natin, na ako nalang at wala ng 'TAYO'

" Sa mga araw na inaaral ko ang factoring ay hindi ko pa din makayang masterin. Sa kadahilanang, mas gusto kong hanapin ang sagot kesa hanapin KUNG SAAN KO NAKUHA ANG SAGOT. "

Nakita ko na may pumatak na luha kay JM.

Parang lahat ng galit at sama ng loob nya ay binubuhos nya sa bawat pagbigkas ng mga masasakit na salita.

" Yung bang mas gusto kong panindigan ang sinasabi ng puso ko, ang dinidigta nitong puso ko na mahalaga ka.. mahal kita..Ikaw lang sapat na.
Kesa hanapin at tanungin ka pa kung bakit biglang nagbago, bakit nawala ka. Dahil ayokong marinig sayo ang katagang SORRY, ayoko na, may mahal na akong iba. "

Iba yung pagbitaw nya ng mga salita. Tagos sa puso ko ,yung bang parang ako yung nasa sitwasyon nya..

" Sabi nila masarap magmahal, mahirap mag aral. Nakakatawa lang malaman na mabuti pa ang anim na buwang sanggol ay mayroon ng depth perception. Yun bang titigil na sila sa pag gapang dahil alam nilang mahuhulog na sya.
Hindi gaya ko na 3rd year Collage na kahit alam ko na ngang may bangin, ay hala sige! Tuloy pa din! Heto ako.. nahulog sayo, at ang mas masakit pa nun, hindi mo manlang sinalo.

Mabuti pa ang walong buwang sanggol ay mayroon ng darwinian reflexes, yung alam nila kung paano kumapit. Hindi gaya mo na bumitaw na nga, nagawa pa akong ipagpalit.
Sabi nila masarap magmahal ang hirap daw mag aral. Alam mo bang madali lang palang magbilang ng significant figures? Ang hindi ko lang naman mabilang ay kung ilang beses kang nakagawa ng kasalanan at ilang beses kitang pinagbigyan.

Ilang beses akong nagpakatanga at ilang beses kang namihasa. Alam mo ba yung masakit? Yun yung bumagsak ako sa physics na alam kong ginawa ko naman yung lahat pero kulang pa din pala.
Umasa ako sa wala, gaya ng umasa ako sa kaklase ko nung sabihin nyang 'on the way na ako' pero ang mas nakakadismaya nung pinaniwala mo ako.. nung naniwala ako sa sinabi mong ikaw lang at ako.. ako lang.. AKO LANG DYAN SA PUSO MO!

Sabi nila masarap magmahal, ang hirap hirap mag aral. Ang hirap palang lumangoy sa 11th feet para lang maka survive ka. Pero mas mahirap palang lumaban ng mag isa dahil sa simula palang pala ay panalo na siya. Ang hirap palang languyin ng 15th feet ng walang pahinga.

Parang yung pag-ibig natin sa isa't isa nakakapagod na. Hindi na ako makahinga, ramdam kong nanlalamig ka na. Ipagpapatuloy ko pa ba. Siguro konting pahinga nalang tapos pwede na. O baka nga hanggang dito nalang talaga.

Sabi nila masarap magmahal ang mahirap mag aral. Limot ko na yung kahapon naming lesson, pero nandito pa din yung sakit at pighati na dulot ng kahapon, sa kung paano ka naglakad palayo. Kasama ng paglaho ng iyong mga pangakong napako na.

Nalimutan ko na kung ano ang formula ng tension, pero bakit? Bakit tanda ko pa din yung mga araw na masaya tayo, sa kung paano ka tumawa nung kasama mo ako. Sa kung gaano ka kasaya nung kapiling mo ako. Sa kung paano ka mag alala nung mga oras na malayo ako sayo. Sa paano ka biglang.. nagbago. Sa kung paano ka BUMITAW sa mga kamay ko at sa kung paano ka ngumiti sa harap ko. Ngunit ang dahilan ay.. hindi na ako.

Sabi nila masarap magmahal bakit ang hirap daw mag aral. Sa mga araw.. sa ilang minuto na pagtayo ko dito sa harapan nyo ay may mga bagay na ako na napagtanto. Marahil, kaya ako pinag aaral ng mga magulang ko ay para malaman ang Tama sa Mali.

Tama lang na minahal kita. pero mali na MAHALIN PA KITA. Na marahil kaya ako pinag aaral ng magulang ko ay para malaman ang pagkakatulad ng luha at pawis na hindi man sila parehong galing sa mga mata ay pareho naman tumutulo pag pagod ka na.

Na marahil kaya ako pinag aaral ng mga magulang ko ay para dumami pa ang kaalaman ko at sa dami ng kaalaman ko, pati ipaglaban ang maling tao ay nagawa ko. Na marahil kaya ako pinag aaral ng mga magulang ko ay para matuto ako.. natuto akong mag add, subract, multiply at natuto akong mag divide.

Natuto akong mag Ingles, natuto akong lumangoy sa 11th feet. At hanggang ngayon, ay nauuto mo pa din ako. Muli, hayaan nyo akong tanungin ko kayo, hayaan nyong magtanong ako. "Lalaban ka pa ba? Ipaglalaban mo pa ba sya?" O tama na, awat na. Kasi ang SAKIT SAKIT na. Masasagot nyo kaya ang mga katanungan ko gamit ang "ini minimay nimo? " dahil ako, ako mismo.. alam ko na. Alam ko na kung ano ang mga kasagutan sa mga katanungan ko.

Alam ko na kung ano ang mahalaga kung ano ang dapat ang iuna at pangalawa. Hindi ako gagamit ng Ini Minimay Nimo at kailanman hindi ko gagamitin ito.. dahil ito ay hindi isang laro. Ito, ay hindi isang biro. Kaya ikaw, pakinggan mo.. pakinggan mo ang huling mensahe ko. Ang huling salitang sasabihin ko para sayo. Ang huling beses na magsasalita ako tungkol sayo.

Ikaw, hindi naging madali ang pag d-desisyon ko, hindi kasing dali sa kung paano mo ako pinaikot dyan sa mga palad mo. Sa kung paano mo ako iniwan nung ako ay hilo.

Ikaw, pagod na ako.. pagod na akong mamangka sa kalsada na hindi na nga ako umuusad ay nag mumukha pa akong tanga. Nakakatawa, hindi ba? Nakakatawa. Ikaw, pasensya na.. pasensya na kung minahal kita ng sobra, na ngayon ay mahalay malaya ka na. Malaya ka ng mahalin sya. Pero Huli na ang lahat, para bumalik ka pa. Dahil ngayon mas naisip kong mag aral nalang muna kesa ang mahalin ka pa. Dahil tama man sila, masarap magmahal pero kasi ang sakit sakit na. Nakakamanhid na, ubos na ubos na ko at wala ng natira para sa sarili ko. At tama nga sila, mahirap mag aral.

Pero ang lahat ng ito ay may dahilan, marahil hindi lang sina X at Y ang hinahanap ko. Kundi pati na din ang sarili ko na naglaho dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Hindi ako gumamit ng INI MINIMAY NIMO. Isip.. isip ang ginamit ko.. dahil wala ng nararamdaman itong puso ko para sayo..Beadel."

Tumulo na ng tuluyan ang kanyang mga luha nung binanggit nya ang pangalan na Beadel.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga costumers dito sa Ally's. Yung iba pa nga ay vini-videohan pa sya.

"ISA PA! ISA PA! " sigaw nung mga costumers.

"Ahm, sorry guys. Haha. Next time! Nandito ulit ako, and special thanks to Ate Ly, na syang nagpumilit sakin para makapag perform. Haha! See you all Next time! "

-

"Jia! Wag ka muna umuwi, kain ka muna" sabi ni ate Ly.

"Dyan ka na tumabi kay Bea, hehe." Pang inis ni Ate Ella

Nung makaupo na si Jia ay natahimik na ako. Para bang hindi na ako makapag salita dahil sa poetry na ginawa nya.

(AN: 1409 words. Dapat 700words lang eh 😂 Sana magustuhan nyo. Don't forget to vote🌟 and leave a comment💬, or any suggestions. 😊 ) Thanks! ❤

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon