"Ate gising na. Kakain na" sabi ni Jobok sa kanyang ate.
Agad naman itong nagising ngunit iba ang hinahanap.
"Nasaan si Bea?" Tanong nito. At kinabahan naman bigla ang kapatid nya dahil hindi alam nito kung ano ang isasagot.
"Tara na ate kain na" sabi nito at bumaba na.
--
"Ma, kelan ba natin ipapaalam kay ate na wala na si Ate Bea?" Tanong nito sa kanyang mga magulang.
"Bigyan natin ng konting panahon, anak. Sa ngayon wag muna nating biglain ang ate mo"
"Siguro ma, sa araw nalang ng libing"
"Wag mo munang isipin yan. Ang mahalaga pababain mo na yung ate mo para kumain na"
--
Alam ng pamilya at team mates ni Jia kung ano ang nangyari. Samantalang siya ay walang kaalam alam na wala na pala ang kanyang kasintahan.
Bago sya bumaba, ay may nabasag syang paso na naka display sa hagdanan nila.
Kaya naman napatikwas ang kanyang nga magulang sa kung ano ang tunog na iyon.
"Sorry ma, nasanggi ko. Palitan ko nalang po"
"Wag na anak. Okay lang. Halika na at kumain ka na dito."
-
"Ma, may balita na po ba kay Bea?" Tanong ni Jia habang silang lahat ay nasa hapag kainan.
"Ah eh wala pa anak eh"
"Pagtapos ko po kumain, pupunta po ako kila tita Det"
Bigla namang nagtinginan ang mga magulang ni Jia.
Dahil may posibilidad na makita at malaman nyang wala na ang kanyang kasintahan.
Ngunit sa kabila nito ay pumayag din naman ang kanyang mga magulang.
Para na din sa kanilang anak na sa huling sandali man lang ay masulyapan nya ang kanyang kasintahan.
--
JIA's pov
Kakatapos ko lang maligo pagkatapos pupuntahan ko na sila Tita Det sa bahay nila.
Excited na kong makita si Bea, miss na miss ko na sya ng sobra.
Alam kong nabuhay sya eh, kaya nyan lumaban.
Kampante ako na buhay sya.
Aalis na sana ko ng bahay ngunit may tumawag sa phone ko.
"Jia, where are you?" Sabi ni Tita Det.
"Here at my car po, I'm going to your house po. Pwede po ba?"
"Of course, Jia. You can come"
"See you in a bit tita! and please tell Bea that I miss her so much na. Iready nya na po yung mahigpit kong yakap mamaya" sabi ko.
Halata ko sa boses ni Tita, matamlay ang boses. At parang may sipon pa ata.
--
Nagulat naman ako kung bakit naka bukas ang gate nila at tila madaming tao.
Mabuti nalang at sumalubong sakin si Deanna.
Anong ginagawa nito dito?
"Ate!"
nagulat ako dahil pati ang boses nya ay hindi na kagaya ng dati.
"Uy Deanna anong ginagawa mo dito?"
Imbis na sumagot ito, niyakap nalang ako at bigla nalang may tumulong luha dahil naramdaman ko.
"Wag ka na iyak big girl ka na eh. Ano ba nangyari at bakit ka umiiyak?"
"Ate.. dun tayo sa loob"
hinawakan naman nya ang kamay ko papunta sa loob.
--
Laking gulat ko na nadun din ang mga team mates ko.
Nakita ko na din sila Tita Det.
Pero nakakapag taka lang dahil mukhang galing din sila sa iyak.
Halata mo dito na matamlay ang kanilang mga mukha.
Agad naman din lumapit sakin si Tita Det ng makita nya ako.
Niyakap nya ko ng mahigpit at tila walang sinabi na kahit ano.
Kaya niyakap ko ito pabalik.
Merong mga tao na nagkukumpulan sa bandang harapan ko.Madami ang tao kaya hindi ko matanaw kung ano iyon.
"Tita what happened po?"
"It's just.. we can't accept the fact."
"What fact?"
imbis na sumagot ito ay niyakap ko nalang ito ng mahigpit.
Habang si Deanna naman ay naka tungo lang sa right shoulder ko.
Bakit ba ang lungkot nilang lahat?
Tumingin ako sa team mates ko, at tinanong kung ano ang meron.
Ngunit hindi naman sila sumagot. Sa halip ay nagyakapan ang iba at umiyak nalang.
Gulong gulo na ako kung ano ang nangyayari.
para kong bagong silang sa mundong to at hindi alam ang mga nangyayari sa paligid.
Nang mapagtanto ko na ang taong hinahanap ko kanina pa ay hindi ko pa nakikita.
Kaya naman hinahanap ng mga mata ko ang anino nya ngunit hindi ko naman makita.
"Hi..Ji" sabi ni kuya Loel at niyakap naman ako.
Kaya naman bumitaw na sa yakap si Tita det pati na din si Deanna na nakapatong ang ulo sakin.
"Why? what's happening? what happened?"
"Something happened when you slept at the hospital.."
Agad ko naman naisip bigla kung ano nga ba ang posibilidad na nangyari at nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
"Is she alive?" tanong ko sa kanya.
"Jia..Bea passed away last night"
"No. Haha I know she's still alive. Where is she?" Tila natatawa kong tanong.
Pinilit kong ngumiti dahil baka nagbibiro lamang sya.
Hindi ko kayang tanggapin na wala na si Bea.
"Jia..That is the fact." sabi ni Tita.
"No. Haha! it can't be. Tell me your having fun with me lang. Haha where's Bea? I really missed her so much!"
"Ate..wala na.." Sabi ni Deanna at tila napaluhod nalang ako dahil hindi ko talaga kayang mabuhay ng wala sya.
Ginawa ko syang sentro ng buhay ko dahil mahal na mahal ko sya higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko.
"No! I know she still alive!"
Agad naman nag si- alisan ang mga tao na nagkukumpulan kanina at si Tito Elmer nalang ang natira.
"Shxt" sabi ko sa sarili ko dahil nakita ko na kung nasaan ang taong hinahanap ko.
A/N
bitin ulit diba? Sorry na. Baka matagalan pa yung last chapter wala na kong draft.
Btw, sobrang thank you sa mga nagbabasa pa din ng story na to. 😭💙

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
FanficJia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She started to like Bea, which is her bestfriend. But Bea likes the other girl, which is Jia's close frien...